vi

1.1K 99 16

Nagising ako ng marinig ko ang ingay galing sa kusina. Dahan dahan akong bumangon at hinawakan ang batok ko para i massage. Grabe talaga si Quinn, hindi na naawa sakin. Okay lang sana kung komportableng matulog sa sofa niya pero hindi ko nga maunat yung katawan ko.

Antok na antok akong naglakad papuntang kusina at nadatnan siyang nagtitimpla ng kape.

"Aga mo ah?" tanong ko ditong humihakab hikab pa pero dedma ang lola.

Umupo ito kaharap ang kape niya habang nasa cellphone ang atensyon. Umupo narin ako sa tabi niya.

"Good morning!" sabi ko dito pero wala talaga. Ang aga aga, may topak na agad.

"Sino yan?" tanong ko habang nakatingin sa cellphone niya.

"Ano ba?!" sita niya sa akin.

"Bakit? Tinatanong ka lang."

"Wala kang pake!"

"Ang aga aga napakasungit mo!"

Hindi na ito sumagot at tumahimik nalang.

"Hoy! Hindi mo ba ako ipagtitimpla ng kape?" lambing ko sa kanya. Ipinatong ko yung baba ko sa may balikat niya pero agad agad nitong tinanggal ang balikat niya at tumayo. Napa-headbang tuloy ako ng slight.

"Hindi ako si April para ipagtimpla ka!" sagot nito habang papasok sa kwarto niya. Napalingon naman ako dito na takang taka pero hindi ko na nagawang magsalita. At bakit nasama si April sa usapan?







"Ihahatid ko lang 'tong mga damit ko sa laundry shop tapos dadaan muna ako sa bahay. Text mo ako ha kung aalis ka." kahit hindi niya ako kinakausap ng matino ngayong araw, kabaliktaran ang ginagawa ko. Ayokong makipagsabayan sa topak niya. Naiintindihan ko rin, may bisita eh.

Hinalikan ko nalang ito sa noo niya dahil ayaw talaga akong kausapin, pagkatapos ay umalis na.







After kong maghatid ng damit ko, dumiretso na agad ako sa bahay at naabutan ko si Tatay na mag-isa sa sala.

"Oh? Di ka nagsabi na uuwi ka? Hindi tuloy nakapagluto ang Nanay mo."

"Okay lang Tay. Kumain na naman po ako." pero hindi pa talaga.

"Si Nanay?" tanong ko ulit.

"Nasa taas nagbibihis pa."

"Hindi kayo pumunta ng bakery?"

"Pupunta palang. Mabuti naabutan mo kami."

"Ba't hindi ka nagtext na uuwi ka pala?" biglang singit ni Nanay na pababa galing sa kwarto nila ni Tatay. Nagkibit balikat lang ako.

"Kumusta pala si Avery? Ba't hindi mo sinama?" -Nanay

"Masama po ang pakiramdam dahil sa init po siguro." palusot ko. Pero parang yung panahon yung sumama dahil sa init ng ulo niya.

"Okay na ba siya?"

"Medyo. Madalas ko naman isama sa mga lakad ko para malibang."

"Mabuti naman. Ronaldo tara na! Anong oras na!"

"Ikaw itong mabagal tapos ngayon ako ang mamadaliin mo." sagot ni Tatay kay Nanay at tumayo na.

"Magluto ka nalang diyan. Dito ka ba matutulog ngayon?" tanong ni Nanay habang inaayos yung bag niya.

"Hindi po! Dumaan lang talaga ako. Pupuntahan ko din kasi si Kris. Daan nalang ako sa bakery mamaya bago ako umalis."

"Sige. Alis na kami, anong oras na oh? Hoy tara na!" tawag ulit ni Nanay kay Tatay.

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!