iv

1.2K 106 7

"Nagkita kayo tapos hindi man lang kayo nag-usap?"

Tumango lang ako kay Kris. Naikwento ko kasi ito sa kanya dahil dalawang linggo na akong nagiguilty at kailangan kong ilabas ang nararamdaman ko.

"Ayos ah! Kinalimutan niyo na talaga yung friendship niyo."

"Hindi ganun yun kadali, okay?"

"Lage naman yan ang rason mo. Pagkatapos, para kang loser na di ko maintindihan. Ano na lang ba ang mag-hi ka dun sa tao?"

"Wow ha? Akala mo ganun lang yun? Di ba kasama nga niya yung boyfriend niya?"

"So? Eh di mag-hi ka din sa boyfriend niya."

"So so! Ayoko lang makadagdag sa problema ni Quinn. Kung nakita mo lang yung itsura niya that night, maaawa ka talaga."

"Naawa ka pero hindi mo nilapitan? Very very wrong my friend."

"Hay ewan ko sayo! Di mo naman ako naiintindihan."

"Naiintindihan kita pe—"

"Sshhh! Alis na ako. Nag-text na si April."

"Yan!"

"Bakit?"

"Wala."

Di na ako sumagot dahil baka humaba pa at magbigay na naman ng sermon ang magaling kong kaibigan.






"Hi miss beautiful! Sorry late ako." bati ko kay April. Tambay ulit kami sa isang coffee shop.

"Nakakagulat ka naman By."

"Ay sorry. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo." malayo pa kasi ako, nakita ko na siya at halatang may iniisip ito.

"Ha? Hindi naman... ano lang."

"Ano?"

"Kanina ko pa kasi tinitingnan si ate girl. Hindi ako sure pero parang umiiyak siya."

"Chismosa mo!"

"Eh napansin ko lang."

"Saan ba?"

"Yun oh! Parang familiar nga siya eh. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita."

Napalingon ako sa direksyon na tinutukoy niya. Nasa bandang sulok ito at mag-isang nakaupo.

"Hoy! Wag mo naman titigan nakakahiya." saway ni April sa akin ng mahigit limang segundo na ay nakatingin parin ako sa babaeng tinutukoy niya.

"Kanina pa ba siya?" tanong ko dito ng hindi inaalis yung mga mata.

"Pagdating ko, nandiyan na siya. Parang may pinagdadaanan." natatawang sabi ni April kaya napatingin ako dito.

"Ang sama mong makatingin ah?"

"Wala." nagdadalawang isip na naman ako kung lalapitan ko siya o hindi.

"Anong problema mo? Ang lalim nung buntong hininga mo ah?"

Napatingin lang ako sa kasama ko. Gusto ko kasi talaga siyang lapitan, hindi ko lang alam kung paano ko siya iaapproach.

"Okay ka lang?"

Buntong hininga lang ulit ang sagot ko sa kanya.

"Hindi ka okay. Ano bang problema?"

"Kasi..." paano ko ba sasabihin sa kanya.

"Order ka nalang muna. Kakausapin ko lang siya." tumayo ako at hindi na hinintay ang sagot ni April.







"Ice?" gulat na gulat ito ng makita niya akong nakatayo sa harapan niya. Tama si April, umiyak nga ito. Halata sa boses at sa mga mata nito.

"Okay lang ba?" tanong ko kung pwedeng umupo.

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!