xii

1.6K 119 31

Tahimik lang kaming nakaupo sa sala niya. Ako dahil parin sa selos, siya... hindi ko alam.

"Sorry. Alam kong napaka-insensitive ng ginawa ko." pagpuputol niya sa katahimikan.

Ngumiti lang ako ng mapait.

"Single ka naman so okay lang na makipagdate ka, pero akala ko kasi..." hindi ko matapos yung gusto kong sabihin.

"Ice, totoo yung sinabi kong gusto din kita pero... hindi pa talaga ako ready. Alam mo naman na kagagaling ko lang sa napakatoxic na relationship diba?"

Tumango ako.

"Okay. Naiintindihan ko naman. Hindi rin naman kita pipilitin. Yung gusto ko lang naman yung ganito... klaro kung ano yung status natin." mapait kong sabi dito. Masakit palang umasa. Pakiramdam ko ngayon palang, nireject niya na ako.

"Sorry talaga. Kung ganun lang sana kadali pero hindi eh." ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Okay nga lang. Tara pahinga na tayo. Late narin." tumayo na ako at naunang naglakad papunta sa kwarto niya. Ayoko narin kasing marinig yung mga sasabihin niya. Baka may masabi pa siyang mas masakit pa sa mga narinig ko na.







Kinabukasan, kahit gusto kong magpanggap na okay lang kami, hindi ko magawa. Hindi naman ako galit pero hindi ko maiwasang sumama ang loob.

"Ice?" tawag niya habang nagkakape kami.

Tumaas lang ang dalawang kilay ko at saglit siyang tiningnan pagkatapos ay bumalik ulit sa laptop ko. First time kong kumain kasabay siya na may kaharap akong laptop.

"May gagawin ka ba ngayon?"

"Madami." matipid kong sagot sa kanya.

"Okay."

Tahimik nalang ulit kami

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-edit ng mga pictures. Siguro napansin niya din na wala ako sa mood dahil hindi na ito nagsalita ulit.







"Kain na tayo." mahinang sabi nito sa likuran ko.

"Maya na ako. Mauna ka na. Tatapusin ko pa 'to." hindi na ako nagabalang lingunin siya. Narinig ko itong napabuntong hininga.

Naramdaman kong papalapit ito sa akin pero tuloy parin ako sa ginagawa ko hanggang sa umupo na ito sa tabi ko.

"Kapag naging tayo ba, mapapromise mo ba sa akin na best friends parin tayo kahit anong mangyari?"

Napatingin ako bigla sa kanya sa narinig ko.

"Alam mo naman di ba na pwedeng masira kung ano yung meron tayo ngayon?" tanong ulit nito sa akin.

"Yun ba ang inaalala mo?"

Tumango ito.

"Quinn, hindi ko naman ipipilit yung gusto ko."

"What if gusto ko rin?"

"Pero iniisip mo yung friendship natin?"

Tumango ulit ito kaya mas lumapit ako sa kanya at itinaas ang kanang kamay ko.

"I promise, kahit anong mangyari, best friends forever tayo."

Kung kanina, puno ng pangamba ang mukha nito, ngayon ay halatang unti unti ng gumaan ang pakiramdam niya.

"So..." ayan na naman ako. Hindi ko na naman siya matanong ng diretso.

"So?" paguulit niya sa sinabi ko.

"Uhm... alam mo na."

"Anong alam mo na?" natatawa na may halong pangaasar na tanong nito.

Nakakainis talaga ang mga babae! Kahit alam na nila yung ibig mong sabihin, gusto pa talagang naririnig nila.

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!