ii

1.4K 110 9

"Villanueva, may gagawin ka ba bukas?"

"Bakit Dela Cruz?" tanong nito na hindi man lang inalis yung mga mata sa cellphone niya.

"Post ko nalang sa Facebook para mabasa mo." sarcastic kong sabi dito kaya napaangat ang mukha niya.

"Magyayaya ka ng dinner tapos yang mukha mo nasa cellphone mo naman." reklamo ko.

"Sorry na." in-off niya ito at inilagay sa bag niya.

"May gagawin ka?" tanong ko ulit.

"Bukas? Hmm work?"

"After work? Anong oras ba out mo?"

"9? 10? Alam mo naman sa office, kulang nalang dun na ako patulugin."

"Tsk! Sige wag nalang."

"Bakit? Saan ka ba pupunta?"

"Birthday nung isang client ko. Wala kasi akong kakilala dun maliban sa kanya."

"What time ba?"

"8pm."

"Ice malabo ako nun." malungkot na sabi nito.

"Okay nga lang. Dadaan nalang ako dun tapos uuwi din agad."

"Si Kris hindi pwede?"

"Night shift siya this week."

"Sorry hindi talaga kita masasamahan."

"Okay nga lang."




The next day, pinilit ko talagang matapos ng maaga yung shoot ko dahil bibili pa ako ng gift para sa client ko.

"Kuya yung whiskey na yun, magkano po?" tanong ko sa bantay ng mga inumin sa supermarket.

"1200 po ma'am."

"Sige po isa."

Habang naghihintay sa bantay, napalingon naman ako sa paligid. Akala ko dinadaya lang ako ng mga mata ko kaya napa-second look ako sa isang dalaga na may kasamang lalaki na familiar din. Sa sobrang tagal na naming magkakilala, kahit lumabo na siguro ang mata ko at kahit anong angulo niya, makikilala at makikilala ko talaga siya.

"Ma'am ito na po. Sa cashier nalang po." biglang agaw atensyon sa akin nang bantay.

"Ah salamat." matipid kong sagot dito pagkatapos ay bumalik ulit ang tingin sa gawi nila Quinn. May bibit silang cart at maggogrocery yata.

Kung mag-isa siguro siya o iba yung kasama niya, definitely i aapproach ko siya. Bestfriends kami at wala na sa amin ang "nakakahiya" na salita. But not this time. Sabi niya hindi siya pwede kasi late siya magaout tapos— fine!

Mabilis akong naglakad papalabas ng supermarket. Wala na akong pakialam kung may nababangga man ako. Pagpasok na pagpasok ko ng kotse ko, mabilis ko itong pinaandar na halos lumipad na sa sobrang bilis ng patakbo ko.



"Tol? Napasugod ka?" tanong agad ni Jordan sa akin pagbukas niya palang ng pintuan.

"Mahal si Ice— anong nangyari? Ba't ganyan ang itsura mo?" pati si Ange nagulat sa biglaan kong pagpunta sa kanila.

Imbes na sagutin ko sila ay panay lang ang hinga ko ng malalim sa pagpipigil ng luha at emosyon ko.

"Pasok ka nga muna." inabot ni Ange yung dala ko.

Tahimik lang kaming tatlo habang nakaupo sa sala nila. Alam kong sobrang nagtataka sila pero hindi ko magawang sabihin yung rason ba't bigla akong nagpunta sa kanila.

"Ice ano bang nangyari? At ba't may dala ka nito?" tukoy ni Ange sa alak na dapat ireregalo ko sana.

"Okay lang ba kung samahan niyo muna akong uminom?" walang kabuhay buhay kong tanong sa dalawa.

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!