xiv

1K 104 11

"Babae, anong ginagawa mo?" text ko kay Quinn habang hinihintay yung Mayor dahil hindi pwedeng tapusin ang shoot ng wala ito.

"Kap, may chicks na dumating." biglang sulpot ni Tonton at umupo sa tabi ko.

"Chicks?"

"Oo anak yata ni Konsehal."

Napatango lang ako.

"Tingnan mo maganda talaga."

"Parang ngayon ka lang nakakita ng maganda?" tanong ko dito at tiningnan ulit yung cellphone ko pero wala paring reply si Quinn. One week nari itong busy sa pagpapaayos ng bar niya.

"Basta! Tara! Chicks siya pramis!" pilit nito sa akin.

"Tsk! Ayoko nga! Ikaw nalang, nandun naman si Marvin."

"Napakapihikan mo. Kaya single ka parin."

Yun ang akala mo! Sa isip isip ko.

"Ice!"

Napalingon kaming dalawa ng tawagin kami ni Marvin.

"Nandito na si Mayor."

"Oh sige!" tumayo na kami at bumalik na sa office ni Mayor.

Pagpasok na pagpasok ko, agaw attention ko ang isang dalagang nakaupo lang sa may bandang gilid. Siya yata yung sinasabi ni Tonton kasi wala naman siya kanina dito.







Pagkatapos ng halos dalawang oras, natapos rin kami.

"Tapos na ako. Puntahan kita?" text ko ulit kay Quinn. Hindi parin ito nagrereply sa text ko kanina.

"Ice may kailangan yata si ma'am." tawag sa akin ni Marvin.

"Po?" tanong ko sa isang konsehal.

"Nagshoshoot ka din ba ng parang pang portfolio?" tanong ng isang babae na nasa 50s yata.

"Opo!" mabilis kong sagot.

"Wait lang ha?" naglakad si konsehal papunta dun sa magandang babae na busy sa cellphone. Pagkatapos ng paguusap nila, tumayo narin ang dalaga at naglakad pabalik sa akin.

"Kayo na ang magusap ng anak ko kasi wala rin akong idea sa mga ganyang bagay." paliwanag ni konsehal at umalis narin agad. Napatingin naman ako sa dalaga. Maganda naman talaga siya at may height din.

"Ano... pang portfolio ko sana." nahihiyang sabi nito.

"Model?"

"Parang ganun. Pero pang part time ko lang." paliwanag nito.

"Ah okay. Ito po..." kinuha ko yung wallet ko sa bag at kumuha ng business card.

"Ito po yung Facebook page, nandito po lahat ng portfolio ko. Check mo muna tapos kung okay sayo, kontakin mo nalang ako." nakangiti kong sabi dito at ibinigay yung business card ko.

"Okay. Ice talaga ang pangalan mo?" tanong nitong nakatingin sa card na ibinigay ko.

"Uhm yep!"

"Cool."

"Kasi hindi naman siya fire. Joke! Kapag nakapag-decide ka na, text or email... or pwede rin yung sa page nalang."

"Okay. Got it!"

"Uhm ma'am, ano po ulit ang name niyo?" tanong ko sa kanya dahil kanina pa kami nag-uusap at hindi ko parin alam ang pangalan nito.

"I'm sorry. Bea!" nakipagkamay ito sa akin. Bea... Hmm...

"Okay. Message ka nalang, Bea."

Right after sabihin ko yun, biglang nagvibrate naman yung phone ko.

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!