xi

1.4K 102 14

"Aaahhhhh!!!" napasigaw ako ng malakas pag gising ko. Naitulak ko pa si Quinn sa sofa kaya muntik na itong mahulog. Mabuti nalang nahawakan ko.

"Ano ba!" mahinang palo nito sa akin.

"Sorry." natatawa kong wika.

"Ba't ka sumigaw?" tanong nito na medyo naiirita dahil naputol yung mahimbing niyang tulog.

"Wala! Charot lang yun." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Akala ko naman kung ano na!" umirap ito sa akin at bumalik sa pwesto niya.

Para kaming mga timang na nagsisiksikan sa sofa.

"Kasi diba sa— wala."

Kasi diba sa mga movies kapag naginuman kayo ng taong gusto mo, sigurado pag-gising niyo, kung saan saan na nagkalat yung mga damit niyo. Unfortunately, yung sa amin— wait whaaat?! Unfortunately talaga? Joke lang.

"Wala ka bang shoot today?" tanong nitong nakapikit at yumakap ulit sa akin.

"Nagcancel kagabi. Kung pwede daw next week nalang. Nagkaproblema yata. Ewan ko!"

"So wala ka ngang shoot?"

"Wala po."

"Sayang naman."

"Okay lang. Gusto ko rin magpahinga para quality parin yung mga gawa ko. Diba? Diba?"

"Sige. Tulog na muna tayo."

"Masarap siguro akong kayakap?" minsan talaga yung mga lumalabas sa bibig ko hindi ko rin inaasahan.

"Oo naman. Ice, ano palang nagyari dun sa pinapanood natin kagabi after magconfess nung guy?" parang gumanti ito sa pangaasar ko sa kanya.

Bigla akong napapikit sa tanong niya. Ba't kailangan niya pang i remind? Hindi sa ayaw ko yung nangyari. Gustong-gusto ko syempre pero parang nakakailang lang. Dapat pa bang pagusapan yun?

"Ice?"

"Hindi ko alam." nakapikit kong sagot dito.

"Nag-kiss sila?" napamulat ako at napatingin dito na saktong nakatingin rin pala siya sa akin. As usual, nandun na naman yung ngiti niyang mapangasar.

"Matulog na nga lang tayo ulit!" tinanggal ko yung braso ko na ginawa niyang unan at tatalikod na sana pero pinigilan niya ako.

"Hindi ka naman mabiro. Sige na tulog na ulit tayo." sus! Kung di pa kita kilala. Malamang mamaya pag gising mo, mangaasar ka na naman.







"Kailan mo pupuntahan yung bar— ay bar ba yun?" tanong ko kay Quinn habang kumakain kami sa sala.

"Kakausapin ko muna si Mommy."

Tumango ako.

"Gusto mong lumabas?" tanong ko ulit.

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan."

"Saan yung kahit saan? Metro Manila ba yun?"

Napakapilosopo talaga nito.

"Wag na nga lang!"

Tumawa ito.

"Joke lang! Sige wala naman akong gagawin."

Narinig kong tumunog yung cellphone ko kaya hindi ko na nagawang sumagot.

"Kumusta? Si April 'to—" basa ko na medyo napalakas pala.

"Sino?!" tanong ni Quinn na kunot ang noo.

Binasa ko ulit.

"Kumusta? Si April 'to. Ito pala yung bagong roaming number ko. May ipapadala akong package next week. Paloadan mo muna ako ng 300 emergency lang."

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!