viii

1.2K 105 12

"Ice!"

Naputol yung pananaginip ko ng maramdaman ko ang pag-uga sa katawan ko.

"Ice!"

"Bakit ba?" sagot ko dito pagkatapos ay tumalikod sa kanya.

"Foodtrip tayo?"

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at lumingon dito.

"Foodtrip? Anong ba naman Quinn..."

"Sige na." kulit nito sa akin.

"Anong oras na ba?"

"Eleven."

"11pm? Sarado na mga kainan. Matulog ka na." sabi ko dito pagkatapos ay tumalikod na ulit.

"Sige na! Hindi ako makatulog eh."

"Kaya ako iniistorbo mo?"

"Minsan nga lang." sagot nito na parang bata.

"Ahhh!!!" unat ko sa katawan ko.

"Saan ba?" dugtong ko.

"Kahit saan."

"Sige. Ligo lang ako."

"Wag na! Okay na yan. Pyjama hits tayo."

"Iba rin trip mo eh 'no? Sige na tayo na diyan!"

"Yes! Thank you!" lapad ng ngiti.




Habang binabaybay namin ang Ortigas—

"Stop the car!" biglang utos sa akin ni Quinn.

"Bakit?"

"Basta! Diyan sa tabi."

"711?" medyo dismayado kong tanong.

"Why not?"

"Jusko naman! Sa baba ng condo mo may 711, pinagdrive mo pa ako?"

"Sorry. Sawa na ako dun eh." natatawang sabi nito.

"Kahit kailan talaga." napailing nalang ako.

Parang batang nakakapit si Quinn sa braso ko habang papasok kami sa convenience store.

"Anyare? Nilalamig ka ba?" biro ko.

"Parang di mo naman gusto." asar nito. Napangiti nalang ako.

"Ano? Di ka makasagot kasi totoo?"

"Heee!!! Ano ba bibilhin mo dito? Chichirya?" pagiiba ko kasi matatalo lang ako.

"Ice cream tapos tambay tayo dito. Just like the good old days." nakangiting sabi nito.






"Ice?" tawag ni Quinn na medyo pabulong.

"Wait lang." dahan dahan kong sinara yung pintuan dahil baka magising sila Nanay.

"Ang tagal mo. Kanina pa ako dito nilalamok." reklamo nito.

"Sorry ha? Iba kasi ang trip mo. Pwede naman kasi tayong pumunta dun ng mas maaga."

"Boring naman yun."

"Tara na nga!"

Nagtricycle lang kami papunta ng 711. Mabuti nalang at may bumabyahe pa. Ang problema nito yung pauwi.

"Buti hindi ka nahuli ng Lolo mo?" tanong ko habang nakaupo at kumakain ng ice cream.

"Wala si Lolo, may business trip."

"Kaya pala ang lakas ng loob mo."

"Try mo 'to masarap." bigla niyang nilapit yung drumstick ice cream niya sa bibig ko na kinagulat ko.

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!