xv

1.3K 102 11

Mabilis lumipas ang oras. Patapos na ang pagpapagawa ni Quinn sa bar niya at uuwi din sila Mommy niya sa opening nito. At dun narin magkakaalaman.

"Ano kayang magiging reaction ng mommy mo 'no?" tanong ko sa kanya habang nakahiga sa sofa at ginagawang unan yung lap niya.

"Kinakabahan ka parin?" sagot naman niya na nakatingin sa screen ng tv habang hinihimas yung ulo ko.

"Medyo."

"Wag ka na ngang magalala, open minded naman sila."

"Hindi naman ako kinakabahan dun sa relationship natin." seryoso kong sabi dito.

Napatingin ito sa akin.

"Kinakabahan ako kung paano ko sila kakausapin. Marunong pa ba silang magtagalog?"

Bigla naman siyang natawa.

"Sira!"

"Seryoso... marunong pa ba silang magtagalog?" pigil ngiti ako.

"Oo naman."

"Mabuti naman. Dun talaga ako nagaalala eh."

"Ewan ko sayo."

"Seryoso na. Matatanggap ba talaga ng parents mo?" tanong ko ulit.

"Oo nga! Ang kulit mo."

"Naninigurado lang."

Tahimik na ulit kaming nanood.







"Quinn bilisan mo na. Baka matraffic tayo." pangatlong silip ko na 'to sa kwarto. Ngayon kasi yung reunion namin.

"Wait lang." sagot niyang nakaharap sa salamin.

"Ano pa bang inaayos mo sa mukha mo eh ang ganda ganda mo na?"

"I know right!" natatawang salita nito.

"Wait lang kasi. Hindi ko tuloy mapantay yung eyebrows ko." dugtong niya.

"Five minutes." sabi ko.

"Pasok ka muna dito my love."

"Bakit?"

"Picture!"

Mabilis naman akong naglakad sa kinatatayuan niya at hinawakan ang hip nito habang yung isang kamay ay nasa bulsa. Mirror selfie. Bagay na bagay talaga kami.

"Upload mo ba?" tanong ko.

"Oo. Okay lang?"

"Oo naman basta wag mo akong itatag." biro ko.

Napatingin ito bigla sa akin.

"Joke! Oo naman!"

"Ice..."

Naguilty ako bigla nang biglang lumungkot yung boses niya.

"Joke lang promise. Akin na! Ako na ang magaupload. Ikaw nalang ang itatag ko." binigay naman niya yung cellphone niya pero alam mong apektado siya sa biro ko. Tsk! Joke lang naman talaga yun. Naalala ko lang kasi, yun ang madalas na sinasabi ng mga kaibigan kong lalaki kapag lumalabas kami.








"Ang gaganda niyo naman. Hindi niyo pinaghandaan ha?" salita agad ni Angge nang makalapit na kami ni Quinn sa table namin.

Simple lang naman talaga ang suot namin. Maroon off-the-shoulder jumpsuit ang suot ko habang si Quinn naman ay simpleng maroon skater dress. Sadyang angat lang talaga sa lahat ang beauty niya. Well... for me.

"Si Kris?" tanong ko pagupo namin.

"Yun oh!" turo ni Jordan. Nakita ko naman si Kris na may kausap na babae.

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!