iii

1.3K 107 7

"Malapit na ako. 5 minutes. Sige sige." hindi ko gawain ang sumagot ng tawag o text kapag nagdadrive pero napapraning na kasi yung event organizer dahil wala pa daw ako at magsisimula na yung event.

Pagkapark na pagkapark ko sa labas ng hotel, halos takbuhin ko na papunta sa reception.

"Finally! Akala ko marereklamo tayo ng client." salubong sa akin ni madam organizer.

"Sorry! Sige na maya na tayo magtsismisan."

"Kinabahan ka 'no?"

"Slight lang." nakangiti kong sagot dito pagkatapos ay sinimulan ko na ang trabaho ko bilang official photographer ng debut party.

One thing I like about my job is that, I get to know different types of people. Politicians, celebrities, musicians, businessmen at kung sinu-sino pa. Pero isa din yun sa ayaw ko. Hindi kasi ako mahilig sa tao. Hindi ako machika— depende nalang kung nakuha yung interes ko. Hindi ako rude pero hanggang smile smile lang ako. Magulo ba? Well, kahit ako naguguluhan minsan.

Halos walang pahingang kuhaan ng litrato. Pitik dito, pitik doon. May mga makukulit pang guests na kulang nalang lahat ng galaw nila gusto kuhaan ko. Pinagbigyan ko yung iba kasi part naman yun ng trabaho ko pero nung nakaramdam na ako ng gutom, bahala kayo sa buhay niyo. May mga cellphone naman kayo.

Sa wakas!!!

"Gusto mo ng beer, Ice?" tanong ng assistant ni madam. Pwede na kasi kaming mag-relax dahil patapos narin ang event.

"Sige lang po 'te. Pass po muna." mas nakakatanda kasi 'to sakin.

Tumango ito pagkatapos ay tumayo para kumuha yata ng maiinom niya kaya naiwan ako mag-isa sa table. Nakatingin lang ako sa mga kabataang nagsasayawan.






"Tara sayaw tayo!" yaya ni Ange sa amin.

"Sige susunod ako." sabi ko sa kanilang tatlo at nanatiling nakaupo habang sila ay ready ng humataw sa dance floor.

"Sunod ka ha? Minsan lang ang prom kaya sulitin mo na." -Kris

"Oo nga!"

Habang ang lahat ng studyante masayang nagsasayawan, ako naman parang nalugi. Nag i enjoy naman ako kanina hanggang sa nung nag-announce na ng Prom King and Queen. Ang hirap labanan ng selos lalo na kung wala kang panama sa King.

"Ba't mag-isa ka dito? Sila Kris?"

Nagulat ako na nasa likuran ko na pala si Quinn bitbit yung flowers na binigay ng boyfriend niya kanina nung nasa stage sila.

"Yun!" walang kagana gana kong sagot.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

"Ha? Hindi!" nakakunot noo kong sagot sa kanya.

"Okay." tumango ito pagkatapos ay umupo sa bakanteng upuan. Napansin yatang wala ako sa mood.

Pareho lang kaming tahimik pero tama kasi si Kris na minsan lang ang prom kaya dapat inienjoy ito.

"Gusto mong sumayaw?" tanong ko sa kanya.

"Sure! Tara!" masiglang sabi nito kaya nabuhay bigla ang dugo ko.

"Ry!" biglang sulpot ni Prom King.

"Aalis na ba tayo?" tanong ni Quinn sa binata.

"Oo. Nasa labas na silang lahat. Ikaw nalang ang hinihintay."

"Ay, anu ba yan! Sige. Ah Ice—"

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!