xiii

1.3K 101 21

Maaga akong nagising at pilit na bumangon para magpakitang gilas sa girlfriend ko. Hindi, joke lang! Gusto ko lang talaga siyang ipaghanda ng breakfast. Parang ang gaan gaan kasi ng pakiramdam ko. Yung napapangiti ka nalang bigla tapos parang ang saya lang ng buhay.

"Ang aga mo ah?" hindi ko napansin ang pagsulpot ni Quinn sa kusina. Tumabi ito sa akin at yumakap pero humiwalay din agad. Napatingin naman ako sa kanya at ang weird lang. Madalas ko naman siyang makitang naka-spaghetti strap sando at pyjama dahil ito ang lage niyang suot kapag natutulog pero parang sobrang naattract ako sa kanya ngayon lalo na nung hinawi niya ang buhok niya para ayusin ito.

"Hoy! Ang aga aga nananaginip ka na agad." sita nito sa akin nang mapansing lumilipad ang utak ko.

"Ang ganda mo eh." banat ko habang pinagtitimpla ng kape ang prinsesa ko.

"Ewan ko sayo. Nagluto ka?" pagiiba niya dahil kinilig siya.

"Oo tapos na. Tara kain na tayo ganda." asar ko pa dito.

"Tigilan mo nga ako Ice." tigilan ko daw pero ngiting ngiti naman. Sus!

Pagkaupo niya ay naupo na ako sa harapan niya at pinagsaluhan ang hinanda kong breakfast.

"Uhm Quinn?" nagaalangan kong tawag sa kanya.

"Hmm?"

"Hindi— hindi ka ba nabibigla lang?"

"Ha? Nabibigla sa?" naguguluhang pabalik tanong nito sa akin.

"Dun sa sinabi mo kahapon. Yung tayo na."

Parang bigla ito nadismaya sa sinabi ko.

"Akala ko matutuwa ka na tayo na pero ba't parang hindi?"

"Ha? Hindi naman sa ganun. Baka kasi nabigla ka lang."

"Kung ayaw mo sabihin mo lang." sagot nito. Patay! Mukhang iba ang pagkakaintindi nito sa tanong ko kaya napatayo ako sa kinauupuan ko at niyakap ito sa likuran niya.

"Huwag mo naman masamain yung tanong ko. Gusto ko lang makasigurado dahil ayokong maging unfair sayo. Baka kasi napipilitan ka lang. Di ba sabi ko sayo na hindi kita pipilitin?" malambing na sabi ko dito.

"Ice, hindi naman ako magdedesisyon kung hindi ako sigurado. Okay fine! Hindi ako napipilitan dahil matagal ko na rin gustong maging girlfriend ka. Oh, okay ba na yun?" may himig parin ng konting inis ang pagkakasabi nito.

"Okay okay. Sorry na. Huwag ka ng magalit ha?" lambing ko rito at hinalikan ito sa may bandang leeg niya at naramdaman kong parang nagulat ito sa ginawa ko. Ako na ang bumitaw dahil baka kung saan pa mapunta yung yakapan namin kung tama man ang iniisip ko.






Inimbitahan namin yung tatlo sa condo ni Quinn para official na sabihin sa kanila yung balita. Handa narin ako sa mga pangaasar nila.

"Pasok kayo." salubong ko sa tatlo.

"Aba! Ang lapad ng ngiti ah?" kantyaw agad sa akin ni Kris pero hindi ko lang ito pinansin.

"Hi guys! Tara pasok!" sulpot ni Quinn sabay akbay sa akin. Ako naman, hindi ko mapigilang mapatingin at mapangiti sa kanya. Yung ngiting... alam niyo na. Kaya naman yung tatlo, binigyan kami ng makahulugang tingin.

"Sige bahala kayo kung ayaw niyong pumasok." sabi ko sa tatlo at naglakad habang hawak hawak ang kamay ni Quinn.







"So... anong meron?" tanong ni Angge habang kumakain kami sa sala. Nagtinginan naman kami ni Quinn. Napapangiti nalang talaga ako sa kilig kapag naiisip kong girlfriend ko na siya.

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!