v

1.2K 100 19

"Ma'am, kumusta? Girlfriend mo?" tanong sa akin ng isang binata pagdating namin ni Quinn sa location. Loko 'to! Di man lang nabulol sa tanong niya.

"Girlfriend? Baliw best friend ko yan! Wag mong ng pakialaman yan!" sagot ko sa kanya.

"Uy defensive!" asar niya pa sa akin.

"Pwede ba? Imbes nakikipagchismisan ka sa akin, check mo muna kaya kung okay na lahat para makapag-start na tayo."

"Grabe! Anong akala mo sa akin dito—"

"Ton! Halika muna dito!" tawag sa kanya ng isang lalaki na nagtatrabaho din sa production. Malamang, uutusan siya. Dumila naman ako kay Tonton bago ito umalis.

"Quinn upo ka muna dito. Wag mo ng pansinin yung ungas na yun."

"Sus! Parang di ka naman sanay na inaasar tayo ng tao."

"Eh mas okay na yun na alam nila na— we're just friends." yung tatlong huling salita, sampal talaga sa akin yun.

"Oo na. Panalo ka na. Sige na mag-trabaho ka na."

"Okay ka lang bang mag-isa dito?"

"Oo naman. Manonood nalang ako sa inyo."

Tumango ako pagkatapos ay nagsimula ng magtrabaho.






After ng prenup shoot, niyaya ko si Quinn na magikot ikot muna sa Tagaytay since maaga pa naman. Gusto ko talagang madivert yung attention niya sa ibang bagay kesa pinagiisip niya yung walang kwenta niyang ex.

"Here's your coffee!" masigla kong sabi dito.

"Salamat!" matipid na sagot nito sa akin.

Umupo ako sa tabi nito at tinitigan ito.

"Hindi kita pipilitin pero kung hindi mo na kaya yan, alam mo namang nandito lang ako para makinig."

"Hindi ka ba nagsasawa sa drama ng buhay ko?"

"Hindi? Jusko ang tagal na nating mag-bestfriends ngayon pa ba ako magsasawa."

Napangiti ito sa sinabi ko.

"I am really lucky to have you as my best friend. I wish I could— never mind."

"Never mind? Sabihin mo na yan. Pabatin ka pa eh."

"Wala yun."

"Sus ang daya."

"Eh wala naman kasi akong sasabihin."

"Wala talaga?"

"Wala!"

Mas lumapit ako sa kanya para maabot ang tagiliran niya at mabilis na kiniliti ito.

"Ice ano ba?! Ice!" nagsisigaw ito at iyak tawang sinasaway ako.

"Wala pala ha?" tinuloy ko lang pagkiliti sa kanya.

"Stop it! Ice! Please! Okay! Okay! Suko na ako." sabi nito habang hinahawakan ang dalawa kong kamay.

"Nakakainis ka!" sabi ulit nito habang hinahabol ang hininga. Ako naman pangisi ngisi lang.

"God! Alis na tayo?" pabulong nitong sabi.

"Bakit?"

"Pinagtitinginan tayo ng tao."

Pasimpleng lumingon lingon ako at tama nga siya.

"Tara! Ako na magdadala nitong coffee mo. Yung bag mo baka makalimutan."

"Ikaw kasi! Umatake na naman pagiging bata mo."

"Ako pa ngayon ha? Ikaw kaya yung malakas yung sigaw." sagutan namin habang papalabas sa coffee shop.

P A N S A M A N T A L ARead this story for FREE!