FINAL CHAP!!!

7.4K 162 36
                                    

=Jeremy's POV=

Isang taon na ang nakalipas magmula noong 'LINUBAYAN' ko si Andre. Palagi ko siyang nakikita pero hindi ko pinapansin. Sa tuwing may lakad ang grupo, palagi akong nagrarason na may lakad kami ni Kuya James kahit na diretso lang naman kami sa bahay niya na nagmu-movie marathon with LOTS of FOODS!!!

"Hoy, kasal na nila Tito Ian at Tita Emy sa susunod na linggo. Ano ngayon ang balak ninyo ni Andre?" Tanong sa'kin ni Kuya. Oo, nagtuloy-tuloy ang relationship nila Mommy at Tito Ian kaya naman talagang may kasalan na na magaganap.

"Ewan ko kuya. Bahala na po."

"Kung sakaling sasabihin niyang mahal ka niya, ano gagawin mo?"

"Hindi ko po alam kuya."

"Mahal mo pa siya?" Tumango ako.

"Good."

Pag-uwi ko sa bahay, nandatnan ko sina Andre at ang tatlong bata.

"Daddy Jer!" Sigaw nilang tatlo habang tumatakbo palapit sa akin.

"El-El."

"Ky-Ky."

"Jay-Jay!" Isa-isa ko silang niyakap at hinalikan sa noo.

Sila yung anak ng lalakeng dapat makakakuha sa pusong na sa akin ngayon. Sila yung nagpapawala ng lungkot na'king nadarama kasi pinaparamdam nila sa akin na importante ako sa kanila at mahal nila ako.

Kadalasan, pumupunta sila sa bahay at nakikitulog sa akin. Si El-El sa aking kaliwa, Si Ky-Ky sa kanan at si Jay-Jay naman ay nakapatong sa'kin (Tiyan hanggang dibdib).

"Na-miss ka ng mga bata Jer." Nakangiting tugon ni Andre sa'kin.

'Ikaw, hindi mo ba ako na miss?'

"Na-miss ko din naman sila eh."

'Na-miss din kita.'

Ganito nalang ba talaga? Sa isip ko nalang ba sasabihin ang sinisigaw ng aking puso?

"Jeremy!" Tumakbo palapit sa akin si Mommy at niyakap niya ako ng mahigpit. Isang linggo ko din kasi silang hindi nakasama kasi nagkaroon kami ng seminar sa ibang bayan. Every night siyang tumatawag at nagtatanong ng mga kung anu-ano tungkol sa kasal nila ni Tito Ian.

"Kumusta yung seminar niyo Jeremy?" Si tito Ian naman.

"Okay naman po tito. Nga pala Mommy, may nakilala po ako doon. Si Drew. Mabait po yun ma. Sobrang bait po." Nakangiti kong sabi na nagpakunot-noo kay Andre.

"Bibili lang po ako ng ice cream para sa mga bata." Sabay labas si Andre. Paglabas ni Andre, agad na lumapit sina Tito Ian.

"Jeremy, meron talagang Drew?" -Tito Ian.

"Wala po Tito." Binuo ko lang kasi yung si DREW para tignan yung reaksyon ni Andre.

"Mahal ka nun Jeremy." Si Tito Ian Ulet.

"Huwag ka nga Tito. Magpapakasal na kaya kayo ni Mommy Next week." Napangisi sila pareho matapos silang magtinginan then umalis na sila.

=Andre's POV=

Isang linggo lang nawala tapos may nakilala na agad? Sino ba yang DREW na 'yan at nagustuhan siya ni Jeremy?

Wait, wala naman siyang sinabi na nagustuhan ni Jeremy yung Drew diba? Yeah!!! May pag-asa pa ako!!! Mamayang gabi, magmomoove na talaga ako para maging AKIN lamang si Jeremy. Alam kong tutulungan ako nila Daddy kaya masmapapadali ang lahat.

Kinagabihan, matapos kong patulugin ang tatlong bata ay bumaba ako at nagtungo sa balkonahe. Saktong nandun si Jeremy.

"Anong ginagawa mo dito?" -Si Jeremy.

"Sasamahan ka." Ayee! Da-moves!

"Ah." Ang matipid niyang sagot na nagpalungkot sa akin.

"Nga pala, pwede ko bang malaman kung sino si Drew?" Ngumiti ako.

'Please sabihin mong kaibigan mo lang siya.'

"Boyfriend ko." That was it! Something inside me CLICKED kaya sinunggaban ko na siya ng halik. Noong una ay itinutulak pa niya ako pero hindi naglaon ay tinugon na niya ito. Isang mainit at mapusok na halik ang aming pinagsaluhan na siyang nagpabago ng lahat.

"Tara sa kwarto?" I asked seductively at pumayag naman siya.

After locking the door, unti-unti kong inalis ang kanyang mga damit hanggang sa boxer shorts nalang niya ang natira. After that eh he did the same to me. We shared another kiss, and another, and another until we CLAIMED each other's V-card:3

That was the BEST NIGHT OF MY LIFE!:)

=Jeremy's POV=

Last night was MAGICAL kasi napunta ako sa Wonderland. He was my first kaya naman ver SPECIAL yun para sakin. Nalaman ko din pala na from the beginning eh gusto din pala niya ako. We we're just too scared kaya naman umabot sa ilang taon na nagtataguan kami ng feelings.

I woke up when the rays of the morning sun lit up the room. Pagdilat ko sa aking mga mata ay ang dibdib agad ni Andre ang lumantad sa aking paningit. Parang imposible lang ang lahat pero heto na ako ngayon, kasama ang aking mahal, nakahiga sa iisang higaan matapos ang mainit na 'Bakbakan' na naganap kagabi. It felt so right to be held by him. Yakap yakap niya ako.

"Hey." He pecked my lips then smiled. Ang gwapo ng Andre babes ko. Gulung-gulo ang kanyang buhok pero pogi padin.

"I love you." Last night, nag-I love you na ako sa kanya pero hindi niya sinagot kasi tulog na pala siya nun.

"Uh..." Nag-iisip siya. :( Paano kung hindi niya talaga ako mahal? Paano kung ginamit niya lang ako pampalipas ng init ng katawan? Paano kung...

"Mahal na mahal kita Stalker ko." Upon hearing those words, I immediately wrapped my arms around him and pulled him into a tight hug. Ang saya ko. Ang saya saya ko kasi mahal din akong ng taong mahal ko.

Ako, si Jeremy Rosales ay Mahal din ni Andre Cortez.

THE STALKER=====> O.o

==THE END==

Sa lahat po ng sumuporta dito sa The Stalker:3 MARAMING SALAMAT PO:3 Salamat sa pagsubaybay sa ating STALKER na si Jeremy Rosales. Masakit isipin pero ang lahat ay may hangganan and The Stalker has now come to its END. Yun lang guys! Mwah!

ABANGAN NIYO LANG PO YUNG SUSUNOD NA STORY KO :3 SALAMAT :E

The Stalker (BoyxBoy) []Where stories live. Discover now