Chapter 20

5.8K 123 33
                                    

This Chappie is Dedicated to argiekitt dahil pinutol daw niya work niya para makapagbasa:P

 

 

=Andre’s POV=

Nagising ako sa sinag ng araw at sa mga awit ng mga ibon sa paligid. I feel like SH*T! Nagpaalam ako kay Mommy then dumiretso na ako sa bahay.

“Dad!?” Walang sumagot. I called for him pero wala padin kaya naman pumunta ako sa bahay nila Je—Tita Emy.

“Tita? Nandito po ba si Dad?” Wala ding sumasagot kaya umakyat ako at kumatok sa pintuan ng silid ni Jeremy.

*Tok* Sa unang pagkatok ko ay bumukas ang pinto. I was greeted with the strong scent of… BLOOD!!!

Biglang bumigat ang aking dibdib. Nahihirapan akong huminga at bumilis ng husto ang pagtibok ng aking puso after seeing the pool of dried blood scattered all over the bathroom floor. I pulled out my phone and called dad. Baka alam niya kung ano ang nangyari and after one ring, sinagot niya agad.

“Andre…” Walang kabuhay-buhay na sagot ni Dad.

“Ano pong nangyari dito? Bakit po nakakalat ang dugo dito sa kwarto ni Jeremy?” I nervously asked my Dad hoping that nothing bad happened.

“Wa-wala na si Jeremy anak.” Tila gumuho ang aking mundo sa narinig. Nahulog ang aking cellphone sa sahig, napaluhod ako, at nagsimulang bumuhos ang mga luha. Mga luha ng pagsisisi.

Kung sana sinunod ko ang sigaw ng aking puso, malabo sanang magkakaganito. If only I kept him by my side, nothing bad would’ve happened. I’m such a fool! Gag*!

‘JEREMY, MAHAL NA MAHAL KITA!’ I screamed at the top of my lungs even though I knew that he will never hear it.

.

.

.

“Jeremy.” Napabalikwas ako matapos kong isigaw ang pangalan ng taong mahal ko. My forehead was covered with beads of sweat. Nanginginig ako at mabilis ang tibok ng aking puso.

Panaginip lang pala yun. *Sighs*

After bidding my mom goodbye, in-ON ko yung phone ko and a bunch of text messages arrived. Galing lahat yun kina Dad, Laida, Cholo, at Clarisse.

I clicked on Cholo’s messages at agad na nanlumo ang aking mga tuhod sa nabasa.

Cholo: Tol san ka?

Cholo: Nandito ngayon sa ospital si Jeremy.

Cholo: Huy! Sagutin mo tawag ko!

Cholo: Andre Cortez!

Cholo: Bahala ka na nga!!!

Sumanda ako sa poste ng gate sa sementeryo, nagslide pababa hanggang sa nakayakap na ako sa aking mga tuhod, nanginginig. I buried my head in between my knees and cried.

The Stalker (BoyxBoy) []Where stories live. Discover now