Chapter 9 - James Frost

7.1K 173 18
                                    

Last night was horrendous. Nalaman ko kasi na mag-on na pala sina Andre at Clarisse and it hurts. Magdamag na dilat ang aking mga mata kasi binabagabag ako ng HOTTEST NEWS na aking nalaman tungkol sa aking ini-stalkan.

I took a shower then changed to my school uniform. Yung nursing t-shirt na puti, black slacks tsaka black shoes. Pagkatapos ay bumaba na ako. Medyo maingay sa kusina kaya sumilip ako konti.

“Jeremy, kain na.” Sina mommy, tito Ian at Andre pala.

Si Andre…

“Sa school nalang po.”

Pagdating ko sa school, mabuti nalang at nandoon sina Laida at Cholo sa canteen kaya umupo ako sa tabi nila.

“Magjowa na pala sina Andre at Clarisse.” Laida gasped after ko iyong ibulong. She sent me a sorry look tapos niyakap niya ako.

Speaking of the Devil and the She-Devil, nakita kong patungo sa table namin sina Andre at Clarisee na magkahawak ng kamay kamay nagpaalam ako kina Cholo at Laida. Sinabi kong bibili lang ako ng pagkain tapos nagkunwaring masaya.

Kahit ngayong araw lang naman sana akong magpapahinga bilang stalker ni Andre. Haay.

Bumili ako ng royal tsaka 10 pesos na tokneneng. Pagkatapos kong isubo yung isa, naalala ko yung profile picture ko sa facebook kaya naglog-in ako. Pinalitan ko yung profile picture ko ng picture namin ni daddy. Kargakarga niya ako habang pinapatahan sa pag-iyak. Na miss ko siya bigla.

Oo nga pala, patay na daddy ko. Sea man siya pero dahil sa mga pirata, nawalan ako ng ama at the age of 10. Masakit tanggapin na umalis siya na buhay, pagbalik niya ay isa nang malamig na bangkay. Mabuti nga’t may bangkay pang naiuwi.

After ng libing niya, sakto namang may lumipat sa harap ng aming bahay, sina Andre iyon.

Andre na naman! Ugh!

“Hey, can I sit next to you?” Englishero siguro ‘tong isang ‘to! Ang swabe niya magsalita ah! I looked up and wow! May lahi siya pero hindi ko madetermine kung ano. Basta may dugong banyaga na siya, PERIOD. Ang gwapo  naman ng isang ‘to!

“Missing your father eh?” Tumango ako. Still, my eyes glued on him. Wehaha.

“I’m James Frost.” Ngumiti siya sabay abot sa kanyang kanang kamay. Ang wafu talaga! Artistahin!

“Jeremy Rosales. Are you new here?” Tanong ko. Mapapasubo ako sa pag-English dito ah pero dibale, ang gwapo naman ng kausap ko. Ang hahaba ng kanyang mga pilik mata, medyo makapal at maayos ang kilay, dark grey ang kulay ng mata at ang tangos ng ilong. WTF! Overloaded naman ang isang ‘to. Mas pogi pa kay Andre babes. Andre lang pala:]

“Yup.” He said poppin the p. Aish. Crush ko na siya. Pramis!

“I’m James Faulkerson, the new school nurse.” Huwaat!? School nurse!?

“I’m sorry sir. I didn’t mean to… umm… I’m sorry.” Tumawa siya. Ang sarap pakinggan ng tawa niya! Mas sexy pa sa tawa ni Andre! MUSIC TO MY EARS! HAAAAAH!

The Stalker (BoyxBoy) []Where stories live. Discover now