Chapter 4

8.3K 203 13
                                    

Ito na ang pinakahihintay ng isang Jeremy Rosales! Ang makasabay sa LUNCH ang ‘iniibig’! Chos.

Napansin ko na nasa daan pauwi na kaming dalawa kaya tinanong ko siya kung saan kami magla-lunch. Syempre, nagpa-cute ako. Ako pa! Sinabi niyang cute ako kanina kaya dapat palagi akong cute.

Basa(Wait version ni Joey De Leon sa Won’t Last A Day)! Paano kung nacucutan lang siya sa’kin kapag nagblublush lang ako? Kaya pinisil pisil ko ang aking magkabilang pisngi para pumula ang mga ito. Artificial blush ba! Wala kasi akong blush-on.

“Oh, bakit mo pinipisil ang pisngi mo? Patingin nga.” Inalis niya ang aking kamay sa aking pisngi and he cupped my cheeks with his own hands.

Hala! Kumakabog kabog na ang aking dibdib sa kilig. Para kasi kaming maghahalikan sa posisyon namin. Sana may demonyong bata na magtutulak sa kanya para tuluyan ko nang mahalikan si Andre babes.

*Evil laugh*

Peep! Peep! Peep!

May bumusina ng malakas. Nagulat yata si Andre kaya…

Naitulak niya ako at ako’y napadapa sa kalsada. DEMONYONG DRAYBER NA YAN! Sigaw ko sa aking isip.

Pero ang mean ni Andre ah. Talagang naitulak niya ako ng malakas. Yan tuloy, nasugatan ang palad ko sa pagkadapa.

Huhu, now I have a boo-boo :’(

Naiiyak akong bumangon at nagsimula ulit maglakad habang tinititigan ko ang aking sugat. Ang hapdi! Grabe teh! Kasalanan to ni Andre. Ay, ako pala may kasalanan. Ang landi ko kasi, yan tuloy. Haaay buhaaaay!

“Saan ka pupunta?” Tanong ni Andre habang nagjojogging para maabutan niya ako.

“U-uwi para ma-malini—san ni mom-my t-tong s-sugat ko.” Hala, umiiyak na ako. Ow-My-Gosh! Parang gas-gas lang sa palad tapos umiiyak na ako? Baklita talaga oo.

“Ui, Jer, sorry na. Nagulat lang kasi ako sa busina ng kotse kanina. Halika, ako na maglilinis niyan.” Ano daw!? Anghel ang drayber na iyon! Anghel siya!

“Ang gago ko kasi. Yan tuloy, napaiyak pa kita.” Nakatitig lang ako sa kanya. Minememorya ang bawat sulok ng kanyang mukha nang maramdaman kong may dumampi na malambot na tela sa aking pisngi.

Pwede na ba akong sumigaw?

Hindi pa?

Ngayon, pwede na po?

Ayos!

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!  Pinupunasan ni Andre ang aking mga luha gamit ang kanyang panyo na hindi ko alam ang brand! Feeling ko ang haba haba na ng hair ko! Daig ko pa ang hair Rapunzel! Naka-fishtail na yung sa’kin ah. May split-ends nga lang. SayangxD!!!

Pumasok kami sa kanilang bahay at dumiretso kami sa kanyang kwarto. Huwaw! Ang linis ng kwarto ha. Tsaka ang bango pa. Abercrombie and Fitch!

Pinaupo niya ako sa gilid ng kanyang bed tsaka siya umalis. Inikot ko ang kanyang kwarto gamit ang aking mga mata. My eyes landed on a thick scrap book. Ang kapal talaga. Tatayo na sana ako para kunin ito pero sakto namang bumalik siya na may hawak-hawak na first-aid kit.

“Andre, nakakahiya naman… OH PETER PANGALAN NI PETRA PAG SIYA AY TAO! Ang hapdi!” Yun, binuhusan pala ni Andre ng alcohol at maliit kong sugat.

Tumawa siya, tawang nakaka… Turn-on!!! Yeah baby!

Ang pogi talaga ng Andre babes ko. Hinding-hindi ko ‘to ipagpapalit kahit habulin man ako ni Dingdong D. Syempre, matanda na si Dingdong para sa akin ehxD. Peace tayong lahat.

Matapos niyang linisan ang aking sugat, linagyan niya ito ng band-aid tsaka niya ito HINALIKAN sabay sabing.

“Yan, okay na ang sugat ni Baby boy ko.”

*Umilaw na naman ang aking bumbilya!*

Kung susugatan ko kaya ‘tong labi ko, pagkatapos linisan ni Andre eh hahalikan din kaya niya ito? Nyahahahaha! Ma-try nga minsan kung epektib o hindi! Kung epektib di ayos di ba? Diba? diba?

“Lunch na tayo?” Tumango ako.

Umuwi lang pala siya para kunin ang kanyang kotse. Sumakay ako sa passenger seat tsaka humarurot papuntang Mang Inasal.

Upon arrival, huminga ako ng malalim na malalim.

‘Heto na. Sa wakas magla-lunch ‘DATE’ na kami ni Andre.’

========================================================================================================================

 

Medyo boring ba? Am suffering from writer’s block kasi. Huhu. Pero di bale, okay naman diba? Haha.

Weee! Ang swerte talaga ni Jeremy! Ever! Sana yung ini-istalkan ko ganun din kay Andre. Hha! Para masaya diba? Well, sa susunod na yung LUNCH ‘DATE’ nila Jeremy at Andre Babes! Abangan ninyo ha? I’ll try my best para magustuhan ninyo:!

Vote.

Comment.

Share.

Para happy ang Author:P

Yun lang. Bye-bye! Mwah:-*

The Stalker (BoyxBoy) []Where stories live. Discover now