Chapter 8 - Clarisse

6.8K 165 12
                                    

“Jeremy!” Sigaw ni mommy. Tatayo sana si mommy para tulungan akong bumangon pero pinigilan ni tito Ian.

“Andre, yung kapatid mo!” Si tito Ian. Kapatid daw!!! Weh!? Huwag ka nga tito Ian. Hindi pa kayo kasal ni mommy kaya hinay-hinay lang po:P Peace.

Tinulungan akong bumangon ni Andre tsaka inalalayan niya akong bumalik sa aking upuan. Pagkaupo ko, pinuno ko ulit yung baso (Wine glass) tapos linaklak ko.

Lagay-Laklak (o.0)

Lagay-Laklak (o.0)

Lagay-Laklak (o.0)

Pinipigilan nila ako pero sheet!!! Ang sarap talaga kaya nagpupumilit ako hanggang sa napansin kong nahihilo na talaga ako, tumigil na ako.

‘Laklak pa!!!’ Sigaw ng aking isip pero enough na muna sa ngayon.:3

Hindi ko namalayan na napasandal ako kay Andre and slowly, dinalaw na ako ng antok.

 

“Jeremy!” Hinahabol ako ni Andre sa may damuhan na hindi ko pa napuntahan ever! Mas bumilis siyang tumakbo kaya sinubukan ko din na bilisan pero parang mas bumagal ako.

 

Buset!!! Bakit ako bumagal? Papalapit na siya eeh!

 

“Ahhhhhhhhhhh!!!!” I screamed at the top of my lungs. Maaabutan na kasi ako ni Andre kaya sinubukan kong tumalon kaya kumuha ako ng bwelo and hiya!!! Wahhhh! Akalain mo, ang tagal tagal ko sa ere. Slowmo lang na parang nasa moon. Parang zero gravity eh!

 

“Jeremy!” Sobrang lapit na ni Andre. Nagsimula na akong mag-panic nang makapa ko ang isang pokeball sa aking bulsa. Agad ko itong tinapon sabay sigaw ng “I Choose You!” pero walang nangyari.

 

I am so SCREWED!!!

 

“Jeremy!”

“Jeremy!” Nananaginip lang pala ako. Pagdilat ko sa aking mga mata, nakita ko si Andre na naka titig sa aking mga mata at ilang cintemetro na lang ang pagitan bago maglapat ang aming mga labi. Oh my! Nararamdaman ko ang kanyang paghinga.

Wet!!! Kung hindi ba ako nagising gigisingin niya ako sa pamamagitan ng halik? Aba! Sleeping beauty na pala ako ngayon ha! Wehehe:P

I closed my eyes again only to be awaken by his sexy chuckle. Hikhikhik.

“Ang cute mo pala pag lasing ka. Tara, na sa bahay ninyo para makatulog na tayo. May klase pa tayo bukas eh.” Ano daw? Sa bahay siya matutulog? Oh!!! Ang swerte ko day!

Ako’y bumangon pero natumba ulit sa sofa na aking hinihigaan kanina dahil sa pagkahilo. Tamado parin ako. Sheyt!

“Buhatin na kita.” He carried me bridal style. Wes!!! Ang haba-haba na ng hair ko talaga. Ikaw ba naman kasi ang buhatin ng crush mo. Bridal style ha. Whehehe. Bleeh:P

Habang buhat-buhat niya ako palabas ng kanilang bahay, feeling ko pupunta kaming magha-honey moon. Wiw! Gagapangin ko siya!!!

Iniimagine ko na pagpasok namin sa kuwarto, ibababa niya ako dahan-dahan sa kama. He’ll hover above me and gently place kisses on my…

TOOGS!!!!!!!!!!!!

Aray ku pu!!! Nauntog ako sa gate ng bahay nila Andre! Ang sakit naman nun.

I sent death glares to Andre kasi parang ayaw niyang ituloy ko ang aking imagination eh! Doon ko na nga lang siya makakaharutan. Haay buhay.

Nagkaroon pa ng damage yung frame ng eyeglasses ko sa lakas ng aking pagkauntog. Grabeh!!!

“Sorry baby boy.” Ibina ba niya ako tapos hinalikan ng matagal ang nauntog.

Woot!!! Andre, sana binalaan mo ako para yung lips ko yung pinauntog ko. Sayang na sayang talaga. Lips to lips na sana eh.

Tumayo ako at sinubukang maglakad pero natutumbatumba padin ako kaya nagpabuhat akong muli kay Andre. This time, piggy-back ride na para maiwasan na ako’y mauntog muli. Mahirap na. Mabuti kung sa LIPS. Nerding baklita nga naman oo:P.

Ang kulit ng pag-iisip.

“Baby boy, salamat nga pala ha? Kasi dahil sa iyo, kami na ni Clarisse.” May gusto ba siya kay Clarisse? Parang natusok ng karayum ang aking puso. Masakit din kasi halos 7 taon ko na siyang ‘CRUSH’ kaya bumaba ako mula sa kanya.

“Okay na ako. Sorry sa abala.” Parang biglang nawala ang epekto ng alak kasi ayos na ang aking paglakad. Sinubukan kong tumalikod.

“Congrats pala sa inyo ni Clarisse.” I flashed a fake smile then went inside the house. Naluluha ako. Masakit at malungkot isipin pero sino ba ako? He deserves to be happy kaya kung saan siya liligaya, doon din ako.

The way he uttered Clarisse’s name explained everything. Mahal niya si Clarisse Saavedra.

I thought this day will be the bestdayever but it turned out to be the opposite.

 

Jeremy Rosales, ikaw nga talaga ang pinakamaswerteng STALKER:’(


 

 

========================================================================================================================

Hala! Ang hirap i-end ang chapter na ituu! I’m suffering from writer’s block pa kasi pero mabuti nalang at nakagawa pa ako. Hayuuuuun! Kawawa naman ang paborito ninyong STALKER. May GF na yung ini-stalkan eh. Huhu.

I feel sorry for you Jer but don’t give up! Magiging masaya ka din. I’m sure. Nasa kamay ko kaya ang iyong kinabukasan. Wahaha.

Sana nagustuhan ninyo ang chapter na ituuu:P Suportahan lang natin ang stalker ng bayan ha? Salamat:)

Vote.

Comment.

Share.

Para happy ang Author:P

Yun lang. Bye-bye! Mwah:-*

The Stalker (BoyxBoy) []Onde as histórias ganham vida. Descobre agora