Chapter 5 - Lunch 'DATE'

7.1K 184 8
                                    

Heto na ang Lunch ‘DATE’ guys! Sana magustuhan ninyo!!!

Umupo kami syempre sa may table for two malapit sa pader. Kanina pa ako hindi mapakali kaya nilalaro ko ang zipper ng aking pantalon.

*Zip* *Zip* *Zip* *Zip*

Nag-B2 kami pareho with coke at habang hinihintay namin ang aming order, nagsalita siya.

“May girlfriend ka ba?” Ano bang pinagtatanong nito. Bakla kaya ako.

“Boyfriend ang hanap ko eh.” Tumigil na ako sa paglalaro ng aking zipper.

“Pwede mag-apply?” He asked with a sly smile. Aba! Seryoso ka Andre babes?

“Sus, matagal ka na kayang tanggap.” Nagtawanan kami. Joke joke lang sa kanya pero iisipin ko nalang na seryoso siya. Assumera nga ako di ba? Wahaha.

“Seryoso ako.” Oh my gosh! Seryoso masyado ang mukha niya. Magiging boyfriend ko na ba si Andre babes? For real!? As in OFFICIAL!? Nasa EARTH pa ba ako o nasa wonderdreamland na ako?

“Edi tayo na!” Nagblublush na naman ako for the hindi ko na maalala kung ilang beses ako nagblush ngayong araw dahil kay Andre babes.

Woooohoooooo!!!!!!! Kami na ni Andre! Saglit! Ipopost ko lang sa FB! OH_MY_GOSH!!! Ganun lang kadali!? Wew! Man of my dreams now became the Man of my life. Ipopost ko na sana na kami na ni Andre nang bigla siyang tumawa.

“Naikwento din pala talaga sa iyo ni Laida yung nangyari kagabi bago naging sila ni Cholo!? I-try nating i-act sa harap nila minsan ha baby boy? Ang galing kasi natin eh.” Tawa padin siya ng tawa samantalang ako? Inexit ang facebook at tumawa ng pekeng tawa.

Ouch! Ang sakit nun ha! Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nag-assume na naman ang baklitang nerd na ito. AYNAKU!!!

Buti nalang at sakto namang dumating ang order namin!

Nakakastress kaya kinuha ko agad yung chicken tapos kinagatan ko ito ng malaki. Para akong hindi kumain ng ilang araw sa aking ginawa kaya natapos ako agad samantalang si Andre ay nakatitig sa akin, nalulula, at mahina ang tawa.

“Nakakatuwa kang panoorin na kumakain baby boy.” Hala! Nahihiya na tuloy ako konti. Haist! Andre babes talaga oh! Pinapakilig mo na naman ako.

Habang siya’y kumakain, kinuha ko naman ang phone ko at inopen yung camera. Saktong nakuhanan ko siya ng picture noong pakagat at nakakagat siya sa manok. Nakuhanan ko din siya ng litrato habang siya’y umiinom, noong sinusubo niya yung kanin tsaka noong ngumunguya siya. Hampuge talaga ng hayup! I mean, ni Andre babes!

“Pinipicturan mo ba ako Jer?” Masaya niyang tanong. Kunwari naman ulit akong nagseselfie. Pouty lips daw oh!

“Hindi, nagseselfie lang. Hehe.”

“Ah, ok.” Bumalik ulit siya sa pagkain.

Magamit nga yung camera360! Sabi ko sa aking isip. Sakto namang kinagat niya yung buto para alisin siguro ang mga natirang laman nang kinuhanan ko siya ng picture.

Biglang may nagflash at isang malakas na shutter sound ang aking narinig. Nanlaki ang aking mga mata.

Pucha!!! Nakalimutan kong mayflash at shutter sound pala ang cam360 ko!!!!!!!!!!!!!! At hindi ko na i-off ang mga yun!!!! SHUNGA LANG!!!

Patay don!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

Ang tanga lang JEREMY!

========================================================================================================================

Weeeeeee! Sorry guys kung isa itong shorty-short-short na chapter! Mas exciting kasi pag ititigil ko doon:P

Anyway, sana napasaya kayo ng katangahan ng inyong bida na si Jeremy ‘Nerdy na Baklita’ Rosales—pero hot and attractive:P

Vote.

Comment.

Share.

Para happy ang Author:P

Yun lang. Bye-bye! Mwah:-*

 

The Stalker (BoyxBoy) []Where stories live. Discover now