Chapter 6 - Step-ano

7.1K 169 4
                                    

Lez du da ReCAP!

Magamit nga yung camera360! Sabi ko sa aking isip. Sakto namang kinagat niya yung buto para alisin siguro ang mga natirang laman nang kinuhanan ko siya ng picture.

Biglang may nagflash at isang malakas na shutter sound ang aking narinig. Nanlaki ang aking mga mata.

Pucha!!! Nakalimutan kong mayflash at shutter sound pala ang cam360 ko!!!!!!!!!!!!!! At hindi ko na i-off ang mga yun!!!! SHUNGA LANG!!!

Patay don!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Ang tanga lang JEREMY!

 

“E-excited l-lang. Ha-ha! Pwede mag- ano… alam mo… papicture? Tayong dalawa?” Nauutal-utal kong palusot. He beamed a smile. Grabe! Parang kumikislap-kislap ang kanyang mga mata pati ang kanyang ‘pearly white teeth’, swoosh! Captivating… Enthralling!!!

“Sure!”

So, yun! Epektib ang pasulot ko. I have a NERDY BRAIN ya’knowxD!

1st shot- naka-ngiti. (Na sa likod ko siya)

2nd shot- tumabi siya sa akin at inakbayan ako.

3rd shot- naka-lower lip pout kami pareho.

4th shot- tongue-out.

5th shot- lip bite.

6th shot- hinalikan niya ako sa pisngi.

7th shot- …

HINALIKAN niya ako sa pisngi! OWH-EM-GEE na talaga ‘to to the highest level! Somebody pinch me please kasi it felt so surreal eh! Baka nagwowork lang ulit tong NERDY BRAIN ko.

“Pa pasa ako niyan later ha? Gagawin ko lang na collage. I-PM ko sa’yo para yun gawin natin pareho na profile pic ha baby boy?” Ang tamis ng ngiti ng Andre babes ko.

Ibinalik namin ang kanyang kotse tapos sabay ulit pumasok sa school. Ilang minuto matapos kong ipasa ang aming mga picture, biglang nagtinginan sa akin ang aming mga classmates na kasama naming naghihintay ng Prof.

Dito pala sa subject na ito, hindi namin kaklase sina Andre at Cholo kaya sa lahat ng subjects ko, ito ang pinaka ayaw ko:P

“Ano ‘to? Paki-explain.” Iniabot sa akin ni Clarisse, ang aming class president, ang kanyang phone at nakita ko ang picture namin ni Andre.

*Collage*

Pinabasa niya sa akin ang caption ng profile picture ni Andre and lo!!!!

 

‘After the LUNCH DATE with my Baby Boy, Jeremy Rosales. I Love You baby boy ko <3’

Huwaw!!! Ang sarap sa mata! Parang luminaw naman agad ang aking paningin kahit wala akong glasses! Woot-Woot!!!

Almost 3000 likes na eh ilang minuto palang matapos niya i-post. Sikat nga talaga si Andre babes. Almost 250 comments na din kaya naisipan kong basahin ang ilan sa mga iyon. Binasa ko ang lahat at halos parepareho din na Bagay kayo ganito ganyan pero ang kumuha ng atensyon ko ay yung latest comment na galing sa mommy ko at sa daddy ni Andre na magkasunod lang.

‘It’s good to see you guys have your step-brother bonding moments.’ Kay mama ko.

‘Alagaan mo yang kapatid mo Andre ha? We love you.’ Kay papa ni Andre.

Huwat is going on pipol!!!!!!!!!?????????????

STEP-ano daw!!??

“Ay, you don’t have to explain, step-brother bonding lang naman pala yun.” Ang dating room namin na tahimik kakahintay ng explanation ko ay biglang nag-ingay. I-celebrate ba naman yung nalaman na hindi kami mag-jowa.

Pwes, sino ba kasi nagsabi na mag-jowa kami at ico-comment nila na bagay kami, na susuportahan nila kami all the way, na kami ang bagong love team ng bayan, and so on and so forth. Mga echuserang froglets naman mga ‘toh oo!

Oo nga pala, hindi ko pa nabasa mga messages ko. May dalawa. Isa galing kay Andre. Gagawin ko daw na profile pic yung pictures namin tapos gagayahin ko yung caption. Yung isa naman ay galing kay mama. Mag-didinner daw kami mamaya sa bahay nila Andre.

Anong meron at dito pa sa facebook siya nagmessage? Pwede naman niya akong i-text or tawagan. Si Mudrabels talaga.

Ayun! Ginawa ko ngang profile picture yung collage na ginawa ni Andre with a matching caption that says:

‘With my STEP-ano, Andre Cortez!!!’

========================================================================================================================

Another Shorty diba? Sorry. Haha. Kung magiging step-bro niya si Andre di mas magiging madali ang pag-stalk niya di ba? Sumang-ayon kayo sa akin please? Wahaha.

Sana nagustuhan niyo kahit BORING:P Suportahan lang natin ang stalker ng bayan ha? Salamat:)

Vote.

Comment.

Share.

Para happy ang Author:P

Yun lang. Bye-bye! Mwah:-*

The Stalker (BoyxBoy) []Where stories live. Discover now