Chapter 21 - I'm no longer a STALKER

5.3K 105 16
                                    

=Jeremy’s POV=

Isang buwan na ang nakalipas magmula noong ako’y nagtangkang magpakamatay at magmula noong huli kong nakita si Andre. Ang sakit, sobrang sakit kasi ang huling alaala ko sa kanya ay noong diretsahan niyang sinabi na LUBAYAN KO NA SIYA.

Ako ang dapat na nawala dito sa mundo kasi ako ang nagtangkang magpakamatay pero hindi eh. Si Andre ang nawala. Dahil sa’kin, hinding-hindi ko na siya makikita pa. Noong nalaman kong puso niya ang nagbigay sa’kin ng pangalawang buhay ay natulala lang ako. Ni hindi ako makausap nila Mommy sa kadahilanang natitig lang ako sa aking dibdib kung saan nakapatong ang kanang kamay ko.

‘Underneath lays the HEART of ANDRE CORTEZ. Ito ba ang sinasabi nila na ibibigay ko ang aking puso sa’yo giliw ko? Pero bakit literal naman yatang ibinigay iyon sa akin ni Andre? Bakit? Kung sana linabanan ko ang tuksong pagpapakamatay edi sana, buhay pa ngayon si Andre. Sana, kahit na galit siya sa akin ay masusubaybayan ko pa siya sa malayo.’

Hindi maiwasang tumulo ang aking mga luhang matagal nang nangigilid sa aking mga mata sa aking inisip. Heto ako, nakahiga sa kama, umiiyak, sinisisi ang sarili sa pagkawala ng minamahal.

Ni hindi ko man lang nasabing mahal ko siya. Ganito pala kahirap ang magmahal. Ang mawalan ng minamahal. Kahit na walang commitment, parang ilang dekada na kaming nagsama sa aking nararamdaman. Masakit, sobrang sakit kasi ang taong mahal ko ay hindi ko na makikita pa. Tanging sa mga alaalang aming pinagsaluhan at sa panaginip ko nalang siya makakasama.

Wala na si ANDRE CORTEZ, kaya ako? I’m no longer a STALKER.


 


 

========================================================================================================================

Woot! Woot! Thank you sa mga sumusuporta sa The StalkerJ Sana po suportahan din ninyo yung LOVE and HATE:! Salamat… Comment Comment tapos VOTEJ Eeeh.

 

 

Click niyo po yung external link para sa LOVE and HATE:) Thanks!!!

The Stalker (BoyxBoy) []Where stories live. Discover now