Chapter 2 - Frappe

12.8K 263 32
                                    

Every now and then, nagnanakaw ako ng tingin kay Andre mula sa aking upuan 2 seats to his right away from me. Mabuti nalang at absent yung mga nakaupo sa may pagitan namin kaya super clear ang view.

I watched him purse his lips and furrow his eyebrows as he solves his way to answer the problem given by our professor. The way his long candle-like fingers held the pen with placidity made me imagine him caressing my cheeks.

 

Ah, lalagyan ko ng mighty bond tong pisngi ko para hindi na niya maalis ang kanyang kamay paghahaplusin niya ang mga ito.

Kinuha ko ang aking phone, inopen ko yung camera, zoom in konti and snap! Another picture of Andre Cortez! Ito na siguro ang isa sa pinakacute na kuha kong stolen shot picture niya magmula noon.

Sa pangalawang pagkakataon, ipinatong ko sa desk ng upuan ng katabi ko ang aking phone para mas malapit. Camera, zoom in konti tapos bigla siyang lumingon sa akin kaya nag ninja-moves ako.

Nag-duck face ako para isipin niyang nagse-selfie ako at mukhang epektib! Syempre, nakatutok pa rin sa kanya yung camera kaya noong ngumiti siya sa aking direksyon, *snap!* nakakuha na naman ako ng isa pang picture.

Pag-uwi na pag-uwi ko ipapadevelop ko agad mga ‘to at aking ididikit sa aking dingding kasama ng iba pa niyang mga larawan.

“Class, dismissed.” Hindi ko namalayan na mag-iisang oras ko na palang pinag-aaralang MABUTI si Adre. Hindi lang pala ako kung hindi ay ang buong klase, maliban kay Cholo, ang nakatutok kay Andre. Ang pogi kasi tsaka talagang attention grabber.

Upon exiting the room,

“Jeremy!”

“Laida!”

Linapitan niya ako tsaka sinampal!

Ha!?

“Para saan ‘yon?”

“Na miss kita eh!” Wow! Iba talaga kung makamiss ‘tong pinsan ko. Parang dalawang araw ko lang hindi nakita tapos, ugh! Last time kinurot niya ako sa tiyan hanggang sa maluha ako tapos ngayon isa namang malakas na sampal! Ibang klase!

I grinned at her at slapped her weakly.

“Na miss din kita Laida.”

Like we used to, hinanap namin si Andre. Nakaupo siya sa canteen habang umiinom ng butterscotch frappe kaya umupo kami sa table na pinakamalapit sa kanila.

“Laida!” Tumabi si Cholo kay Laida and he kissed her.

“Whoa! Anong meron?” I asked them with raised eyebrows.

I learned that they became an ‘ITEM’ last night and as they were telling me everything, they were both blushing. Ka-cute naman ng dalawang ‘to.

The Stalker (BoyxBoy) []Where stories live. Discover now