Lie #7: Untold Story

ابدأ من البداية
                                    

Nang matapos na kami lahat saka nagbigay ng grades si Ms. Velasco. Hindi pa din ako kampante kahit nagustuhan ng mga kaklase ko yung akin. Syempre na kay ma'am pa din ang huling halakhak. Siya pa din ang magdedesisyon.


"Daza.. 8"


"De Chavez.. 9"


"De Leon.. 7"


"Dela Cruz.. 8"

Tugstugstugs, ako na ang susunod. Huhuhu, Lord please kahit 7 lang po okay na sakin! O kahit 5 na lang eh basta makapasa na lang.


"Dela Serna.." she paused for a while at nakangising tinignan ako. Kabadong kabado naman na ako. Halos humiga na ako dito sa kinauupuan ko.


"11"

Nagpalakpakan ang buong klase habang ako naman napatayo. Sobrang sarap sa pakiramdam. Na overwhelm talaga ako. Kani kanina lang ang dami kong doubts kung papasa ako pero ngayon sobra sobra pa!


"Well deserve. Well deserve" narinig kong sabi ni Nico na sinang ayunan ng buong klase. Hindi pa din sila matigil sa hiyawan. Si Ms. Velasco nga hindi alam kung matatawa o maiinis. Ang ending napailing na lang siya.

Hindi pa sila nakuntento sa pagpalakpak at paghiyaw. Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Nico at pagpasa pasahan ako nung mga lalaki sa ere. Yung mga babae din nakikisali. Napapikit na lang ako. Atleast kahit out of place ako sa school na to, kahit paano may isang araw din na naging masaya ako.


"Bakit ba ang ingay niyo?!" napahinto kami nang bumukas ng pintuan at pumasok si Derick. Napakasungit. At kahit kailan talaga ang ugali. Ang sama sama. Akala niya ata kinagwapo niya ang pagiging ma attitude niya. Nakakabwisit kaya! Ibinaba tuloy ako at lahat kami nasa kaya na ang atensyon. Masaya na siya? Attention seeker jerk.


"Erica got 11 on our project. We're just celebrating" si Nico ang sumagot dahil siya lang naman ang may kakayahang gawin yun


"So what? Napaka ingay niyo! Abot hanggang private room ko! Ang tatanda niyo na para sa ganyan!" he ended at lumabas na ulit. Nagkatinginan kaming lahat at ilang sandali pa nagtawanan na naman.

Bago matapos officially ang klase, kinuha ni Ms. Velasco ang cellphone number ko. Hindi ko alam kung bakit pero ibinigay ko na lang. Niyaya ako ng mga classmates ko na kumain sa canteen pero tumanggi ako. May usapan kami ni Robie na magkikita sa garden ngayong lunch time.

Hinalungkat ni Nico ang bag ko. Doon ko na naalala na may naipangako nga pala akong polvoron sa kanya. Dala ko naman pero sana makita niya dahil nasa ilalim yun ng bag ko at nasa loob ng box.


"Hoy Erica titignan mo na lang ako? Nasaan na yung promise mo? Alam kong may dala ka" pinagpatuloy niya pa din ang paghahanap. Kalahati na ng klase ang nakakalabas.


"Ang liit nyang bag ko imposibleng hindi mo makita" pagmamataray ko. Hindi ko alam kung paanong paghahanap ang ginagawa niya pero matapos ang ilang minuto sumuko na siya at parang hinang hina. Pinagtawanan ko siya saka kinuha ang bag ko para ibigay yung kahon sa kanya.


"Ibigay mo daw yung iba kay Bea sabi ni Zeke" bilin ko pero mukhang wala siyang narinig. As soon as mahawakan niya yung karton nagmamadali na niyang binuksan yun.


"Chocolate polvorons and cashews!" he claimed in excitement. Nagulat naman ako sa sumunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako sa pisngi. Buti na lang walang nakakita dahil abala sila sa pag aayos ng mga gamit nila.


"Uh oh. Dont get me wrong. Its just my way of being grateful. Thank you so much!" kinindatan niya pa ako saka nagmamadaling lumabas.

Dala yung lunchbox ko, nagpunta ako sa garden at pumwesto sa isa sa mga shaded bench. Pinaglalaruan ko gamit ang paa yung maliit na bato na nasa damuhan. Ten minutes ng late si Robie. Tinawagan niya pa ako kanina sabi niya paparating na siya. Pero ngayon wala pa din siya.


The Wicked Liar 1: The Lying Formula [PUBLISHED BY POP FICTION]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن