SYBG: Epilogue

2K 100 265
                                    







🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Dream Girl"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍

-



FIFTEEN years have passed so quickly. Naging maayos na ang buhay ng lahat. Miranda issue? Gone. It was forgotten. It was forgiven.

"Kuya Knight, may dinner daw mamaya sa bahay nila Lola at Lolo sabi ni Mommy." Bungad ni Brynn sa kapatid na nakatunghay na naman sa kung saan na parang nagde-daydream ito. "Hoy, Kuya naman eh!" Nagagalit na hinampas si Ethan. Diretso ng magtagalog ang unica hija ng mga Scott.

"Ano ba, Brynn? Do you have to hit me everytime?" Hinimas nito ang brasong nahampas. "Parang bakal yang kamay mo." Naiinis na sabi ni Ethan pero may lambing pa rin.

Hindi naman niya matitiis na magalit sa kakambal niya. Nasa condo unit siya ngayon ng kapatid.

"You're not listening kasi eh. I was talking to you but your eyes are wandering off somewhere else." Ayan. Ganyang yan kapag naiinis na, conyo style.

"Bakit ba? Ano ba kasi, Princess?" Inakap na ni Ethan mula sa likod ang kapatid.

Sa totoo lang, sa hindi nakakakilala sa dalawa, mapag-iisipan na mag-boyfriend-girlfriend ito dahil sa kasweetan nila na hindi yun nawala kahit na may tatlo na silang kapatid na ngayon 15 years old na. Ang Scott Triplet na sila: Lance Muriel, Logan Aaron, Leland David.

Tatlong makukulit na nagtulak kay Brynn na lumipat ng tirahan at para mapayagan ng mga magulang at apuhan ay napilitan ding lumipat si Ethan kung nasaan ang kapatid para makampante ang mga ito at naging magkapitbahay nga silang dalawa. They live on the same floor and just across from each other. How convenient? But for who?

"I said, Mommy wants us to be at the mansion for dinner. May announcement daw ang parentals natin sa atin mamaya. Leland, Lance and Logan will be coming home tonight, too." Balita ni Brynn kay Ethan. Napataas ng kilay si Ethan kay Brynn.

"What do you mean coming home? Where did they go?" Tanong niya. "Bakit hindi ko alam na umalis sila?" Mabilis siyang nilingon ni Brynn. Nagtaas ito ng isang kilay at mataray na tiningnan ang kambal.

"Really, Kuya? Paano mong malalaman na nag-three days field trip sa Historical Vigan yung tatlo, eh halos isang linggo ka nang hindi tumatawag kanila Mommy at Daddy at hindi ka rin umuuwi sa bahay. We don't see you much. Palagi ka na lang over time tapos you always stay at our office in Manila. I know Tita Erica told me. Ano ba kasi ang pinagkaka-busy-han mo? Or better yet, sino?" Mas lalong tumaas ang kilay nito at humalukipkip pa. Sinilip ni Ethan ang mukha ng kapatid at iniharap ito sa kanya.

"Stop acting like a jealous girlfriend, okay." Sabi niya dito. "I was just visiting the Manila office to learn the ropes there kasi parang gusto kong doon mag-stay since you are doing well here sa Makati office and besides, Viper is interning na sa Makati, you two can take charge of that." Malambing niyang dugtong. Ngumuso ito na parang akala mo ay inagawan ng kendi.

"Naku, Kuya Knight, kung hindi ko pa alam, babae lang yang pinagkakaabalahan mo diyan." Maktol nito na may halong biro. "Maganda ba siya, Kuya?" Nakangiti itong abot hanggang tenga. Ngumiti na rin si Ethan labas ang dimples.

"There is no girl, okay. I think I don't have time for that." Simpleng sagot ni Ethan but Brynn being "Brynn", she will not give it a rest.

"Really? So ibig mong sabihin, wala pang nagugustuhan ang Kuya ko? Wala pang ibang princess sa buhay niya?" Tanong nitong nanunukso.

Since You've Been GoneΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα