XLV. The Girl I Loved

989 23 0
                                    

Kabanata 45

The Girl I Loved

1204th Day.

Hi, Daff. I miss you...

1206th Day.

I'm sad.

1207th Day.

Hi...

Pa-ikli ng pa-ikli ang bawat sulat niya.

1208th Day.

Daff... uwi ka na, please?

1209th Day.

I need you so much, Daff. Please...

1210th Day.

Sagot ka naman sa mga e-mails ko...

1211th Day.

Daff, please... kailangang kailangan kita. Umuwi ka na please. Please naman...

1212th Day.

Ang kulit nina Mom, Dad at Deninn.

1213th Day.

I just want to go home...

1214th Day.

I just want to be with you...

1215th Day.

Napapagod na ako...

I stopped reading his letters for me. Pa-igsi na lang yata ng pa-igsi ang mga liham niya and it's making me feel sad too. It's not making me any better.

Maaga akong gumising dahil first day ko ngayon bilang CEO ng De Levan.

"Good morning, Ma'am!" bati sa akin ng nasa front desk.

I smiled at her. "Good morning."

"Ma'am, Sir Stance's here," salubong sa akin ng aking secretary na si Jane.

Tinanguan ko lamang naman siya at nagtungo na sa office ko. Pagkarating ko ay naroon nga siya't nakaupo sa couch ng office ko. "Hey..." aniya. Tinapik niya ang couch na ibig sabihin ay umupo ako doon. Umupo ako doon at tiningnan siya. "Congrats nga pala," he said.

"Thank you," I smiled.

"May jam nga pala ako mamaya sa Sixth Avenue. Can you sing for us? You know..." he trailed off.

"Of course," I said. Ngumiti ako sa kanya. "Alam ko naman kung ano ang mayroon..." kinuha ko na mula sa bag ko ang regalo ko para sa kanya. "Happy Birthday!" bati ko sa kanya. At first he was shocked. First time ko yatang naalala na birthday niya. Hindi ko alam, palagi ko na lang kasi talagang nakakalimutan.

"Wow! Didn't really expect this..." then he hugged me. Niyapos ko naman siya pabalik. "Thank you for this, Daffney... and for remembering my birthday."

"Here, try it," ani ko sa kanya. Binuksan niya ang relo kong regalo sa kanya at sinukat niya iyon.

He loves watches.

"I love it," he said as he looked at me and smiled.

"See? I remembered!" asar ko sa kanya.

"How come?"

"Of course, I will." Nginitian ko ulit siya. "Bestfriend kaya kita," then we hugged again and I agreed to sing for him later for his birthday. Nakagawian na namin 'yun, e. Kailangan, laging kumanta ako kapag birthday niya.

After We HappenedWhere stories live. Discover now