XVIII. It Was Just Easy

1.2K 28 10
                                    

Kabanata 18

It Was Just Easy.

She left me just like that.

Talaga bang ganoon ako kadaling iwanan? Tangina naman.

Tangina, bakit ako naiyak?

Ang sakit pa rin kasi.

Nakaka-gago 'yung sakit.

Tanggap ko pa 'yung hindi niya ako sinipot sa kasal namin.

Pero ito?

Tangina naman.

Bumalik ako sa cottage and Daffin approached immediately me. Hindi man lang ako nakapagdala ng shades. Bakit ko nga ba nakalimutan?

Kahit gabi na, kita pa din ang pugto kong mga mata.

"Bro, ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. Inilingan ko siya, barkada nalang ang nandito. Tyaka si Leon at Viniel.

Tangina, naiiyak nanaman ako.

"Par, anong nangyari?" tanong pa sa akin ni Isaac. Umupo lang ako sa tabihan ni Daffin. "Iinom mo nalang 'yan, pre." sabi pa sa akin ni Gion.

Kung pwede nga lang idaan sa inom ang lahat ng 'to, nagawa ko na.

Kaso, hindi.

"Mga bro, ang sakit pa din."

"Nag-usap kayo?" tanong sa akin ni Terrence, I nodded at him.

"Labas mo lang 'yan," sabi pa ni Daffin habang tinatapik-tapik ang likod ko.

"I just want her back. I just want us back. I didn't know it would be this hard to have her back. Siya lang ang  taning babaeng iniyakan ko ng ganito at minahal ko ng ganito!"

Shit, kailan pa ako natutong mag-drama?

"Pre, mahal mo pa rin pala?"

"Tangina, Christian obvious na obvious naman e! Tamong ni hindi nga 'yan nag-hanap ng iba!" naiinis pang sagot ng gagong si Leo kay Christian.

"Then, we'll help you. We're your friends," Lincoln suggested.

Umiling ako. "Baka kapag nalaman nyo 'yung real reason why, you wouldn't even think of helping me. Ang gago-gago ko. Puta," sabi ko sa kanila.

Wala naman silang alam.

"Bakit ba ayaw niyong sabihin 'yung totoo? Bakit niyo pa ba sinisikreto? Kaibigan kita, Darlin. Pinsan ko si Daffney, bakit ba ayaw niyong malaman namin?" tanong ni Vellix.

"Ewan. Itanong niyo sa kanya."

"Ang papabebe niyo!" ani Gion.

"May anak na paano na 'yan?" takang-taka na tanong pa ni Alron.

"Naniniwala ba talaga kayong kay Stance 'yung anak, ha?" tanong ko sa kanila pabalik.

"Hindi," sabay-sabay na sagot nila.

"Sino pa sa tingin niyo ang pwedeng maging ama, huh?" tanong ko ulit sa kanila at dahan-dahan ay napaawang ang mga bibig nila.

"Tangina mo, Darlin!" sabi ni Daffin sabay suntok sa akin sa tiyan.

Kaagad siyang inawat nina Terrence.

"Bro, mas katiwa-tiwala naman ako kesa dun sa kumag na Stance na 'yun!" I shouted at pumalag sa hawak sa akin ni Vellix.

"Fuck you, Darlin! Paano mo 'yun nagawa?!" galit na sigaw pa niya.

"Sa kanya mo nalang itanong," I said. Pilit kong tinanggal ang hawak ni Vellix, bago ako tuluyang umalis. Dumiretso na kaagad ako sa kotse ko at nag-drive pauwi ng Florencia.

After We HappenedWhere stories live. Discover now