XXVII. What You Wanted

1.1K 24 9
                                    

Ito ang chapter na umiiyak ako habang sinusulat ko 😂

Kabanata 27

What You Wanted

FOUR YEARS AGO.

TWO DAYS BEFORE OUR WEDDING

I was heading to their house, sabi niya kasi nandoon siya. I bought flowers, for sure, tuwang-tuwa nanaman 'yung babaeng 'yun.

Bihira lang kasi ako magbigay ng bulaklak sa kanya. Tuwing unexpected days pa. Gustong-gusto ko kasi talaga 'yung reaction niya eh. As in, natutulala siya sa bulaklak na ibinibigay ko sa kanya. Sobrang appreciative niya.

I was driving when I saw her sa park malapit sa kanila and my forehead creased when I also saw Stance.

Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila. So, I decided to hide. Hindi ko man rinig 'yung pinag-uusapan nila pero, malakas ang kutob ko na dahil 'yon doon.

Magka-harapan silang dalawa.

I saw Stance took a step forward. Fuck, gusto ko ng lumapit pero, hindi ko din alam kung bakit may pumigil sa akin na huwag.

Nakatayo lang ako doon na parang tanga na may hawak ng bouquet.

Sayang 'to no?

He took a step forward again.

Bakit hindi mo siya pinipigilan?

Then in a blink, Stance kissed her. Hindi niya man lang tinutulak palayo si Stance. After the kiss, Daff nodded.

Then... they hugged.

Tangina para saan 'yung tango?

I was feeling numb. Tinitingnan ko lang sila. Nalaglag na ang bouquet na hawak-hawak ko. I walked away. I couldn't feel anything. Hindi ako nasasaktan. Hindi ako nagagalit. First time ko makaramdam ng ganitong klase ng sakit. Kasal na namin in two days, kung hindi niya na naman pala ako mahal... then, bakit niya pa ako papakasalan?

Ayokong magpakasal sa isang taong hindi naman na ako ang mahal. Mahirap 'yun. Mahirap pilitin ang isang puso na iba nananaman ang gusto.

I decided na umuwi na lang. Tinext ko na lang siya. Dahil, mukha namang nag-eenjoy sila.

You:

Hi. Final fitting pala ng suot ko ngayon, sorry hindi ako makakapunta. :)

Galing magpalusot ah!

Nag-reply siya after ilang hours. Tagal natin mag-reply ah?

Daff:

Okay lang. See you tomorrow :)

Maayos pa naman ang lahat, di ba? Pwede pa naman akong magpanggap na wala lang, di ba?

Kaso tangina, hindi.

Hindi.

I slept all night. Kinaumagahan nagtulong akong mag-ayos ng kasal namin na mukhang tuloy pa naman.

Nag-text ako sa kanya na bawal kaming magkita dahil sabi sa pamahiin. Kailan pa ako naniwala sa pamahiin?

Kung wala lang akong nakita magkasama sana kami ngayon, kaso may nakita ako.

Sana wala na lang akong mga mata.

Alam ko, halik lang 'yun. Napakababaw ko ano? Pero... malaki kasi 'yung tyansa na gusto niya rin 'yun.

After We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon