XX. The Box

1.1K 24 0
                                    

Kabanata 20

The Box.

Nabadtrip ako kay manang. Kahit hindi naman dapat, mali rin naman kasi 'yung ginawa ko. Mali talaga.

Pero... bakit ganoon? Ang unfair!

Masama bang gustuhin kong malaman kung sino ang ama ng anak niya? Masama bang alamin 'yung katotohanan para matahimik na ako at ang kalooban ko?

Lumabas ako ng kwarto bandang eleven ng gabi. Sakto nakasalubong ko  naman ang magaling kong kapatid, may dala-dalang tubigan.

"Deninn!" tawag ko. "Kamusta ka naman d'yan? Na-gwapo ata tayo lalo ngayon ah!" pagpapalakas ko pa sa kanya. Tsk! Mas gwapo naman ako dito sa kapatid kong 'to ano!

"Kuya, hindi sa akin eepekto 'yan. Bahala ka na nga dyan," sabi niya at nilagpasan ako. Aba? Ang sungit-sungit nitong kapatid ko! Kaya hindi tuloy nagkaka-girlfriend!

Ayt! Mukhang wala talaga akong makukuhang sagot dito kay Den, syempre mas kampi siya doon nanaman sa bestfriend niya. Hindi niya man lang naisip kapatid niya! Siguro ampon 'tong si Deninn! Hmp!

Pumasok na lang tuloy ulit ako sa kwarto. I headed to my closet and—tangina nasaan 'yun?! What the?

Hindi 'yun pwede mawala!

Kaagad kong binulabog ang mga katulong namin sa baba. Fuck! Mas mahalaga pa 'yun kesa sa buhay ko!

"Ako po, sir, pero wala naman po akong nakitang box nung inilagay ko ang mga damit niyo sa damitan," sabi nung isang bagong katulong namin.

Napakamot na lang tuloy ako sa ulo!

Saan naman 'yun mapupunta?

"What's happening here?" sabi ni Dad na kakarating lang dito sa baba at mukhang nagising kahit hindi naman kami maingay.

"Ah... eh, Sir, may nawala raw ho sa damitan ni Sir Darlin, eh wala naman daw pong nakita itong si Lianna na box doon,"!sabi pa ni manang. Badtrip.

"Ano ba ang nawala?" tanong sa akin ni Dad. Aish. Paano ko sasabihin? Baka pag-tawanan pa ako nitong ama kong 'to eh. Baduy kasi. Baduy.

"Nothing..." sagot ko. "Tulog na kayo, sorry sa abala," I said before I headed upstairs, then quickly to my room.

It can't be!

Saan naman mapupunta 'yun?

At sino namang kukuha noon?

Wala namang pwedeng kumuha noon? 'di ba? Aanhin naman nila 'yun? Pwera na lang kung alam niya... pero pa—

"Deninn!" kinalabog ko nga ang pintuan niya. Ilan pang malalakas na katok ay pinagbuksan niya na din ako. Papungay-pungay pa ang mata ng loko.

Nasuntok ko na siguro 'to, kanina pa! Kung hindi ko lang talaga 'to kapatid! Bakit niya pinakelaman?! Bakit ba ang pakielamero niya? Bakit?!

"What now?" masungit niya pang tanong sa akin. Aba! At siya pa talaga ang may ganang mag-sungit! At ako pang na-what now ngayon ha?

"Fuck you!" sabi ko sa kanya. "Nasaan 'yung box?! Ilabas mo 'yung box!"

Humikab muna siya bago ako tiningnan. "Box?" naguguluhan niya pang tanong pero maya-maya pa'y gumanda na din ang ngiti ng mokong.

Fuck!

Confirmed!

"Ah... 'yung box."

"Fuck you!" sabi ko ulit sabay taas ng middle finger ko sa kanya. I can't believe it! Bakit niya kinuha?!

After We HappenedDär berättelser lever. Upptäck nu