VIII. Aren't We?

1.5K 32 7
                                    

Kabanata 8

Aren't We?

Ayoko sanang lumabas dahil nandyan pa si Darlin pero napilitan ako dahil kay Drae at Stance. Gusto raw kasi nilang lumabas at i-enjoy ang beach. Ang kulit talaga ng dalawang 'to, talo ako palagi pag-dating sa kanilang dalawa.

"Drae! Mommy will take a picture! Smile!" utos ko sa kaniya na kaagad niyang ginawa. Pinicturan ko naman siya sa instax na dala-dala ko.

"Daya! Me too!" pagtatampo pa ni Stance. I rolled my eyes at him.

Magpi-picture na sana ulit ako ng bigla siyang umimik. Bakit ba kung saan-saan na lang siya nasulpot?!

"Come on, I will take a picture of you together with your family..." si Darlin.

Family.

Wala na akong nagawa kung 'di ang tumabi kay Stance na hinawakan kaagad ako sa beywang. Habang si Drae ay buhat-buhat niya gamit ang isang kamay.

Matapos niya kaming kuhanan ng litrato ay umalis na din kaagad siya. Tiningnan ko naman ang polaroid ng picture naming tatlo.

Yes. Family. This is my family.

"Mommy, let me see! Let me see!" sabi ni Drae sabay hila sa maxi dress ko.

"Here," sabi ko sabay bigay sa kanya ng picture naming tatlo.

"Daddy's so ugly!" she giggled. Kaagad siyang tumakbo palayo dahil hinabol siya ni Stance.

Then, I suddenly felt myself smiling while watching them. Stance has been a really great father to Drae.

"He was right. Perfect match nga pala talaga kayo," sabi ni Lincoln sa akin na katabi ko na pala ngayon.

"Aren't we?"

He shrugged. "Bakit mo sa akin tinatanong 'yan? Why don't you ask him?" he smirked.

I smirked at him too.

"I'm still clueless why you decided not to marry him anymore..." he said.

Nilingon niya ako, like he's waiting for me to tell him the real reason why.

"I wasn't the one to decide."

Diretso lang akong naka-tingin kay na Drae at Stance pero ramdam na ramdam ko pa rin ang tingin sa akin ni Lincoln.

"Then... who is?"

"Fate," I answered.

Iimik pa sana siya kaso biglaang lumapit na samin si Drae. "Come here, Drae. Dito ka muna kay Tito," aniya kay Drae sabay buhat dito.

"Is Stance really his daddy?" mahinang tanong niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot. "Sagot-sagot din naman! Uso 'yon, Daff!" natatawa-tawa pa niyang saway sa akin.

"You ask yourself, Lincoln. Is Stance really his daddy?" I crossed my arms. "Kung ano sa tingin mo ang sagot, then I think you're right." I winked at him at dali-dali akong tumakbo papunta sa cottage, leaving Drae with him.

"Why so happy?" takang-taka na tanong ni Chan at may pangisi-ngisi pa siyang nalalaman sa akin.

I shook my head. "Nothing," I answered him, pero it looks like hindi siya satisfied sa sagot ko.

"Wala nga!" I insisted before seating beside him.

Inabutan niya naman kaagad ako ng alak. I drank it immediately. "Wow, lasinggera ka na pala," pangaasar pa niya.

After We HappenedWhere stories live. Discover now