XLI. That One Thing

1K 29 6
                                    

Kabanata 41

That One Thing

I realized that home is not a place. It is a feeling. Love, happiness, frustration, loneliness, sorrow and pain—all from Daffney... felt like home to me and I would never want that home to leave again.

Kakayanin ko ba kapag nawala pa ulit siya sa akin? Kapag nalayo siya? Kapag iniwan niya ulit ako?

Hindi na ata...

All I could hear was the loud beat of music almost making the walls vibrate, pati ang mga taong naghihiyawan.

I saw Terrence from afar and eventually  nakita ko na rin sina Daffin. Kaagad akong lumapit sa table nila.

"Daffin! Uy! Nandito pala kayo, bro!" salubong ko sa kanya. Nakipag-high five pa ako sa kanilang lahat at natigil bigla ang titig ko sa kanya.

Hindi naman ako naniniwala sa love at first sight, pero... ano 'to?! Hoy, Darlin 'wag 'yang babaeng 'yan! Pinsan pa yata ng mga kumag! Bakit hindi ako na-informed dito? Ang daya! Hindi man lang nila sinasabing may kilala silang ganito kagandang babae!


Tigil-tigilan mo 'yang pagka-chicboy mo ha, kahit ngayon lang. Magtino ka naman! Kahit ngayong gabi lang, kahit ngay—

Wala na! Nakindatan ko na!

Bakit ko ba kinindatan?!

Fuck!

Mas natigilan ako ng tumawa siya pabalik. Shit. Kinikilig ba ako? Ano? Hoy, walang ganoon! Kilig-kilig ka dyan?!

Binalewala ko 'yung mga naiisip ko, kasi nalaman kong kapatid pala siya ni Daffin... Future brother-in-law pa nga yata. 'Langya!

Kapatid ni Daffin...

Kapatid ni Darry...

Pinsan nina Vellix...

Tangina! Off limits! Bawal 'yan gaguhin ah! Sineseryoso 'yang ganyang babae!

Niyaya ako noong si Rienne na sumayaw sa dance floor. Hindi naman ako tumanggi, suplada pala 'yung si Daff, mukhang wala akong pag-asa.

Madaldal naman si Rienne, masaya kausap, maganda... pero bakit ba iba ang hinahanap ng mga mata ko?

When I finally saw her, she was simply dancing and laughing. She's smiling. Her smile was so contagious that I just found myself smiling too... habang minamasdan siya sa malayo...

Fuck.

Hindi nga kasi pwede!

She danced again. She swayed and laughed. Biglaan, wala akong marinig kung hindi 'yung pagtawa niya. Para bang tumigil ang mundo ko sa pag-ikot bigla.

Shit, nagiging baduy na ako! Pero totoo pala talaga 'yun... kasi ako... ngayon...

Siya na lang ang tanging nakikita ko.

Damn.

I think I just found my wife.

Nakakabingi ang ingay ng siren ng ambulansya... what's fucking happening now?

After We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon