IX. This Far

1.4K 27 9
                                    

Kabanata 9

This Far.

"Yeah..." I said. "Walang makakapalit sa kagandahan ko, 'no?" I joked para mawala ang tensyon sa pagitan naming dalawa or maybe, para kumalma na ang puso ko.

He nodded at me habang natatawa-tawa pa. "Wala talaga..." sabi pa niya sabay sulyap sa akin. Heto nanaman 'yung puso ko, feeling seventeen!

May anak ka na, Daffney!

"You look great," I honestly complimented him. Ang gwapo niya na talaga. Iyong mga singkit niyang mata, matangos na ilong, mapula-pula niyang labi. Lalo na ngayong mas tumangkad pa siya at 'yung biceps niya...

Gosh!

Erase, erase!

Seriously, Daff?

"Salamat," he answered. "Hindi ko naman masasabing gumanda ka..."

Natigilan ako sa sinabi niya. I looked at him unbelievably. Ako? Hindi daw ako gumanda? Anong hindi gumanda?! Ang sexy ko na kaya! Ang dami pang nagsasabi na ang blooming ko daw!

"B-bakit?" hindi ko napigilang hindi magtanong. Tss, 'to talagang si Darlin.

Ngumiti siya ng tipid.

"Noon pa man kasi, sobra-sobra na 'yung ganda mo, wala ng igaganda pa."

Ayun naman pala.

Tumawa lang ako sa kanya. Wala na naman akong ibang magagawa, kundi tumawa na lang. Dahil noon pa 'yon.

"Hanggang ngayon joker ka pa rin."

"Di naman 'yun joke ah!" kontra niya.

Umiling na lang ako sa kanya. Tumawa lang siya sa akin, habang ako, nanatili na lang ang mga mata sa kanya.

Darling...

How did we get this far?

"Ano nasukat niyo na ba?" I asked Val, Tori and Rienne na kakarating lang sa bahay namin. They nodded with full smiles plastered on their faces.

"Ano?" I asked curiously. Ang weird nila! Hanggang ngayon naka-ngiti pa din sila sa akin! Nakakatakot na po!

"I still can't believe it," umiling-iling siya. "Ikakasal ka na! Nakakainis! Nasaan na ba ang para sa akin?" pabiro na tanong sa akin ni Rienne.

"Aba, hanapin mo! Maging loyal ka na kasi! Gayahin mo ako!" pangaasar ko pa sa kaniya.

"Oo nga, look at me, loyal kay..." pabitin pa 'tong si Tori. Alam naman ng buong sambayanan na kay Chan siya loyal. Mula noon at hanggang ngayon.

"Kanino? Paputol pa lagi 'to!" sabi ni Val. Ito namang si Val, tulad lang din naman siya ni Tori.

Hanggang asa na lang...

Mga pinsan ko nga naman.

"Wala, wala!" aniya. "Ang daya lang talaga. Hanggang ngayon iniisip ko pa din 'to... bakit kay Daff at Darlin, nag-work? Bakit sa ating dalawa hindi? E sabay lang naman natin nakilala 'yung tatlo ah!" sabi pa ni Tori.

Sa Sixth Avenue. Doon namin unang nakilala sina Darlin, Isaac at Chan.

"Ewan ko sa inyong dalawa," ani ko.

"Mag-plano na lang tayo ng bridal shower!" singit ni Rienne with matching palakpak.

"What?" I asked. "No!" kontra ko kaagad. Kapag sila ang nagplano, for sure may mga pasabog nanaman! Iba din ang takbo ng utak ng tatlong 'to e.
Tyaka, 'di ba madalas may macho dancers sa mga ganoon?

After We HappenedWhere stories live. Discover now