Chapter 24

171 8 2
                                    

Gab's POV

I'm with Tady, yung yaya kong may saltik sabi nila Drix. And now, I'm doing shopping with her. And yes, hindi mo aakalaing yaya ko siya dahil naka-porma din siya. May igaganda din naman pala 'tong bruha na'to.

Naglalakad ako nang biglang may nakita si Tady at hinila niya ako palapit doon. Fvck! Isang gold fish!

GAB:"Tady, baka matakot ang gold fish sa itsura mo."

TADY:"Hala sir! Grabe naman 'yun."

*Ggrrrrr*

Tinatakot ni Tady ang mga gold fish. Kaya lumalayo sila sa direksyon namin ni Tady.

*pout*

TADY:"Tara na nga sir, kain nalang tayo."

GAB:"You're treat?"

TADY:"Sir, wala pa'kong sweldo. Sweldo ko muna sir! Para may pang-libre ako sayo."

GAB:"Bruha ka, edi mas mabuting ako nalang din mismo magbayad."

TADY:"Hahaha! Talaga sir? Kayo na magbabayad?"

GAB:"Oo nga."

TADY:"Wala nang bawian sir ah!"

Basta kainan ang bilis!Tsk.

---

▶Poutine
▶Garlic Fingers with Donair Sauce
▶Salad
▶Drinks

Ewan ko kung bakit may pa-poutine poutine pa silang nalalaman eh french fries lang naman ang lasa, yung Garlic Fingers achuchu na yan eh pizza lang naman ang lasa, mayroon din nito sa Pinas pinaarte lang ang pangalan dito sa Canada.

Hindi naman kami nahirapan na umorder dito dahil 17.6% of people here in Canada knows on how to speak in English. The rest is French ang language nila. Kaya nag-aaral na din ako mag-french.

TADY:"Sir, ang sarap naman nito."

GAB:"Sige na kumain kana. Wag mong ipahalatang inosente ka."

TADY:"Sir, ano tawag dito?"(tinuturo yung parang french fries)

GAB:"Poutine yan."

TADY:"Ahhh eto sir?"(tinuro yung parang pizza)

GAB:"Garlic Fingers with Donair Sauce."

TADY:"Ang sarap sir."

Sa kakasabi niya nang "Ang sarap". Nakita ko nalang na malapit na niyang maubos ang pagkain na nakahain sa harap niya. Nakita kong sarap na sarap pa siya kaya ibinigay ko nalang yung pagkain ko sa kanya, busog pa naman ako.

TADY:"Sir, ano 'to? Akin nalang talaga? Sigurado kayo?"

GAB:"Oo nga."

TADY:"Thank you sir."

GAB:"Umhhh Tady..."

TADY:"Po sir? Mukhang seryoso ka ngayon sir."

GAB:"Sasama ka sakin sa school bukas."

TADY:"Sir? Ako sasama bukas? Para saan? Babantayan pa kita sa school bukas?"

GAB:"No."

TADY:"Eh ano pong gagawin ko dun?"

GAB:"Mag-aaral tayo."

TADY:"Talaga po sir?"

GAB:"Diba sinabi mong gusto mong mag-aral. Eto na yun. You can study with me."

TADY:"Nako thank you po sir!"

GAB:"Bilisan mo na diyan para makauwi na tayo. I'm sure nandun na sa bahay yung packages na ipinadala nila mommy para sa atin."

TADY:"Seryoso po sir? Libre gamit na po ako?"

GAB:"Oo nga! Kulit mo eh."

TADY:"Sorry sir, nabigla lang."

---

Nandito na kami sa bahay at hindi nga ako nagkakamali. May tatlong boxes para sakin. Habang kay Tady dalawa lang. Yung isang box kasi ng akin ay mga damit ko tsaka mga sabon ko, and other stuffs. Madaming pogi dito kaya mahirap na, baka malamangan ang kapogian ko.

Inilagay ko na sa tamang lalagyan ang mga nasa loob ng box. May bago akong laptop hahahahaha! May bago akong gadgets! Yey! Ang gaganda ng damit! Ang babango ng pabango! Tsaka ang ganda ng bag ko! Excited na'ko para bukas!

---

6:30 AM...

TADY:"Sir! Gising na po!"(habang kumakatok sa pinto)

GAB:"Aba Tady! Sabihin mo lang kung gusto mo nang gibain ang pinto ng kwarto ko!"

TADY:"Pasensya na po sir, pero kanina pa kasi ako kumakatok dito buti nga't nagising na kayo."

GAB:"Sige na mag-aayos na'ko."

Ang aga aga, 8:00 pa naman simula nang klase namin ahh? Tsk. Naligo nako tsaka nag-ayos nang gamit ko. Kumain na muna kami ni Tady ng konti at pagkatapos ay tsaka umalis. May extra yaya naman kami para maglinis at magbantay ng bahay.

Ako yung driver, si Tady nasa backseat na.

I turned on the car engine, tsaka pinaharurot ko na papunta sa Unionville High School o mas kilala sa tawag na UHS.

Isa ito sa pinakamagandang paaralan dito sa Canada.

---

7:30 AM...

Pagdating palang namin sa parking lot, halo-halo ang kulay ng mga estudyante, may maitim may maputi. Well ako, ako yung mukhang fresh. Hahaha! Joke lang!

Pumunta na kami ni Tady sa classroom naming dalawa. It's nice na may mga transferees din dito na galing Pilipinas kaya hindi kami nahirapan ni Tady na mag-adjust sa mga Canadian dito. Kalimitan kong hanap ay mga transferees na Pilipino para naman may makausap kami dito ni Tady.

Tibo Meets Kings|| Completed || #Wattys 2018Where stories live. Discover now