Chapter 12

361 19 3
                                    

Two weeks later...

Yumie's POV...

Naglalakad ako patungo sa library,medyo madilim na dahil makulimlim ang panahon.Napadaan ako sa locker ko at may napansin akong kakaiba.

Isang papel na nakasingit sa locker ko,kinuha ko ito...

To Yumie...

Find your admirer now.

O__O

*Shocked*

Admirer?Uso pa ba yun ngayon?Napailing nalang ako tsaka hinawakan ng mahigpit ang shoulder bag ko.

Nagulat ako nang biglang may humigit sa akin mula sa kinatatayuan ko.Natakot ako at hindi ako nakapalag.Katapusan ko na ba 'to?

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin,lakad kami ng lakad...

At hanggang sa tumigil kami sa paglalakad.Nakarinig ako ng malakas na kulog,nagulat ako kaya napayakap ako sa kanya.Unti-unti niya ako hinarap sa kanya,

YUMIR:"GAB."

Ngumiti siya sa akin,tsaka niya hinawakan ang pisngi ko.

GAB:"Yumie,wag kang matakot nandito lang ako."(hinawakan niya ang kamay ko tsaka niya isinandal ang ulo ko sa dibdib niya)

YUMIE:"Gab,a-ano ba 'to?"

GAB:"Ako yung naglagay ng letter sa locker mo."

0_0

*SUPER SHOCKED*

Bumilis ang tibok ng puso ko.

YUMIE:"Ikaw Gab?"

GAB:"Oo Yumie,hindi mo ba napapansin yung nararamdaman ko?Sa bagay,paano mo nga ba ako mapapansin kung lahat ng atensyon mo eh nandun sa FAKE BOYFRIEND MO.Hindi ko alam,at wala akong makitang dahilan para pumayag ka na maging fake girlfriend niya."

Napatulala nalang ako at napalunok,hindi ko mapigilan na hindi ko siya titigan sa bawat titig niya parang hinihigop niya lahat ng lakas ko.

GAB:"Hindi ko maintindihan kung manhid ka ba o nagbubulag-bulagan ka lang talaga sa katotohanang niloloko ka lang niya."

YUMIE:"Huh?"

GAB:"Hindi mo alam?Ginagamit ka lang niya para mapabalik ang ex niya sa kanya,dyusko naman Yumie...Gumising ka na sa lintek na katangahan na yan."

Napapa-iyak nalang ako sa sinasabi niya...So ginagamit lang pala ako ni Drix?Tch.Bakit nga ba kasi ako nagpagamit eh,bakit nga ba kasi ako pumayag na maging FAKE GIRLFRIEND NIYA?

GAB:"And I think this is the last time na fake boyfriend mo siya,dahil siya at yung ex niya ay nagkabalikan na..."

YUMIE:"That's great news..."(kunwaring natutuwa)

GAB:"Yumie alam mo kung una palang ako na yung pinansin mo,hindi ka sana magkakaganito.Unang kita ko palang sayo sa Bar nung gabing lasing ka,nahumaling na'ko sa paraan ng pagtingin mo sakin tsaka sa boses at pagtawa mo..."(niyakap niya ako)"Tapos yung araw na nagpakilala ako sayo pero tinignan mo lang ako at umalis ka,it hurts me so much."(lalong humigpit ang yakap niya sa akin)"At lalo na nung mga panahon na nalaman kong fake girlfriend ka ni Drix,it hurts me pakiramdam ko malalaglag ang puso ko at madudurog ng pino.Naisip ko pa non na sana ako nalang si Drix,sana ako nalang yung may lakas ng loob na magpakilala at maging close mo.Sana nabigyan mo din ako ng chance na makilala mo."

Napapayakap na din ako sa kanya...

"Yumie,gusto kita.Gustong-gusto kita.Sana bigyan mo ako ng chance para sayo.Buksan mo ang mga mata mo,at kilalanin mo ang totoo at ang seryoso.Yumie,sa bawat araw na makikita kong napapangiti ka ni Drix,kahit bestfriend ko siya parang gusto ko siyang murahin at durugin ang mukha niya,gusto kitang ilayo sa kanya.Dahil kung sa una palang sana ay nalaman mo na ang totoo malamang ako na ngayon ang kapiling mo at masaya kana sa piling ko.Sana ngayon ay MASAYA NA TAYO.At napapansin ko na napapamahal ka na din sa kanya,feel na feel mo na yung nga moments na kasama mo siya gusto ko ngang isampal sa mukha mo yung salitang "TANGA!NILOLOKO KA LANG NIYA!"...Sa bawat araw din na kinakamusta kita,tinatanong ko kung kumain kana ba,at inuusisa ko kung saan ka pupunta,alam kong naiinis kana sakin sa sobrang dami kong tanong.Pero pasensya na,MAHAL LANG TALAGA KITA."

Kinanta niya pas sakin yung Walang Tayo by Skusta Clee.Naiiyak na'ko eh...

"Hindi ko naman pinipilit ang damdamin mo para mahalin ako,maghihintay ako sayo.Next week nga pala may flight na'ko papunta sa Canada.Kaya sana bago ako umalis maisip mo na yung tunay mong nararamdaman para sakin."

Niyakap niya ako ng mahigpit habang umiiyak pa din ako."Wag ka ng umiyak Yumie,hindi ko kayang nakikita kang umiiyak."pinunasan niya ako luha ko tsaka niya sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...

Tibo Meets Kings|| Completed || #Wattys 2018Where stories live. Discover now