Chapter 05

452 21 1
                                    

Gab's Point Of View

Nakasandal ako dito sa kotse ko sa parking lot nang matanawan ko si Yumie na bumaba ng sasakyan.Simple lang siyang manamit,sexy siya pero tomboy eh,SAYANG!

Nakangiti ko siyang hinabol at iniharap sa akin.

YUMIE:"What?"(inosenteng tumingin kay Gab at tinanggal ang kamay ni Gab sa kanya)

GAB:"Hi!"

Tch.Abnormal talaga ako!Ang weird ko.

Tumingin lang siya sa magkabilang gilid tsaka tinapunan ako ng pilit na ngiti at umalis.

Napahiya ako dun ah...Bakit kasi ang t@nga ko.Ang weird ko!

Hinabol ko siya tsaka ko siya hinigit.

YUMIE:"Anong problema mong ungas ka?"

GAB:"I'm Gabriel Gozon,"(Napalunok nalang ako sa naging expression ng mukha niya)

YUMIE:"Not interested."

Lanya!Ano ba naman yan?!In my whole life,ngayon lang 'to nangyari sakin!

Napailing nalang ako tsaka dumiretso sa classroom.

Nakita kong nakaupo na siya sa upuan niya habang nakatungo.Umupo ako sa tabi niya nang hindi niya namamalayan.

Pagtunghay niya ay nagulat siya sa presensiya ko.

YUMIE:"Anong ginagawa mo dito?Si Kurt ang katabi ko at hindi ikaw."(Iritable niyang sambit at ngumisi lang ako sa kanya)

GAB:"Mula ngayon dito na ako uupo.Arraseo?That's the campus boss' order,"

YUMIE:"Lumayas ka nga dito!Baka gustong tablahin kita?"(dinuduro si Gab)

GAB:"Baka gusto mong mahalin kita?"

Pangbabara ko na halata sa mukha niya ang pagkagulat.

YUMIE:"Ungas ka ba?Di mo'ko madadali sa mga punchline mo ugok!"Sigaw niya sa akin at lahat ng kaklase namin ay nakatingin sa amin.

GAB:"Binibiro lang kita,wag kang baliw."

Tumingin lang siya ng masama tsaka niya tinadyakan ang upuan ko.Lanyang tomboy 'to!Ang lakas din pala niya.Halos mahulog ako sa upuan sa lakas ng pagkakasipa niya sa akin.

DRIX&JOSH:"Dude!!!!"

JOSH:"What's up?,bat nandito ka sa tabi ni Yumie?Dun tayo nakaupo diba?,"

GAB;"Umupo ka nalang dito,wag ka nang mangialam.Campus boss' order."

Kasunod na dumating ay si Kurt the nerd na gulat na gulat dahil katabi ko na si Yumie at wala na siyang mauupuan.

GAB:"Hoy Nerd!Dun kana sa upuan naming tatlo.From now on,dito na kami uupo.Maliwanag ba o maliwanag?"(wala na siyang nagawa kundi ang tumango at pumunta sa dati naming upuan)

Tumayo si Yumie sa kinauupuan niya.

GAB:"Saan ka pupunta?"

YUMIE:"Wala ka na dun,"(hinila ko siya pabalik sa upuan niya)

GAB:"Diyan ka lang.Campus boss' order."

YUMIE:"Nakakabwisit ka talaga!"(inis niyang sigaw)

JOSH:"Dude,masyado ka atang nagiging friendly ngayon?"

JOSH:"Ganon talaga..."(sabi ko tsaka pa-cool na umakbay kay Yumie)"Friend kami ni Yumie eh,"(tumingin siya ng masama sa akin at tsaka tinanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya)

YUMIE:"Tatablahin ka talaga sakin ugok ka,"(Iritableng sambit ni Yumie)

Dumating na din ang lecturer tsaka nakinig kami.First time in my whole life kong nakinig sa lecturer^_^Praise the Lord!Amen!

Yumie's Point Of View

CLASSMATES:"Dismissal time!!"(sigaw ng mga estudyante tsaka naguunahang maglabasan)

KURT:"Tara na?"

Pagyaya ni Kurt sa akin at tumango naman ako tsaka tahimik na naglakad patungo sa canteen.

Um-order na si Kurt ng kakainin namin tsaka ako ay nandito sa table na nasa sulok.Tanaw ko ang nagiisang room dito sa canteen kung saan doon kumakain sila Drix.Private room nila kung tawagin.

Nakita kong papalapit na si Kurt sa direksyon ko nang biglang nadapa siya.Tsaka may nagbato sa kanya ng isang plato ng palabok.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at nakita kong papalapit sila Drix sa kanya tsaka siya binuhusan ng juice.Tumakbo ako papalapit sa kanya.At nakangisi sila Drix sa akin.

Pinulot ko ang mga pagkain na nahulog sa sahig tsaka ako tumayo.Nanatili silang nakatayo sa harapan tsaka cool na nakatingin sa akin.

Sa sobrang inis ko ay hinila ko si Kurt patayo,tsaka ko hinayaan na mapanuod niya ang gagawin ko sa tatlong 'to.

YUMIE:"Watch this.."(Bulong ko sa kanya habang basang basa siya)

Lumapit ako sa tatlo tsaka ko isinampal sa kanila ang tray na may lamang pagkain.Isinaklob ko pa sa kanila ang mangkok.

Naghiyawan ang lahat at ang iba ay nagpipigil ng ngiti.

Papalapit sa akin si Josh,hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko tsaka niya ako idinikit sa pader.Sasampalin na niya sana ako nang biglang may humarang na kamay....

YUMIE:"Drix,"

Pinaghiwalay kami ni Drix at pinakalma ko ang sarili ko.Nawala sa paningin ko si Kurt at malamang ay nandun lang siya sa CR para mag-ayos ng sarili niya.

Inayos ko na din ang damit ko na medyo nagulo dahil sa bwisit na Josh na 'yon.Kahapon ako ang biktima nila,ngayon si Kurt naman?!Iisa-isahin ba talaga nila?

Nang makita ko na si Kurt na maayos na ulit ay hinila ko na siya palabas ng canteen.Pumunta kami sa locker ko at mabuti't may sandwich pa ako dun,kaya yun nalang muna ang kakainin namin.Masyado kasing madaming nakapila sa canteen kaya mauubusan na kami ng time kapag pumila pa kami.

YUMIE:"Ayos ka lang ba ah?"

KURT:"Oo ayos lang ako."

YUMIE:"Hindi ko alam kung bakit ang hina ng loob mo.Hindi ko alam kung bakit sobrang tanga mo."(napakunot ang noo niya sa sinabi ko)"Malaki ang katawan mo,at may ibubuga ka kung lalabanan mo sila.Pero mas pinipili mong maging talunan!Hindi ka ba napapagod na ikaw nalang lagi ang natatalo?!"(sigaw ko sa kanya tsaka ko siya iniharap sa akin at tumingin ako sa kanya ng diretso)"Wag kang bulag Kurt.Lumaban ka,or else kalimutan mo na lahat ng pinagsamahan natin.Wala akong kaibigan na talunan."(sabi ko sa kanya tsaka ko siya tinapik sa balikat at iniwan siya doon)

Sobra akong nadala sa inis ko kaya ko nasabi yun sa kanya.Alam kong hindi naman masama ang pagiging tanga,pero ang masama non yung gusto niyang araw arawin na.Hindi niya ba alam na hindi lang siya ang nahihirapan?Pati rin ako!Nahihirapan din ako kapag nakikita kong inaapi siya,dahil kaibigan ko siya.At mahalaga siya sa akin.

Vote•Comments•Share

Sana nagustuhan niyo 'to💞

Tibo Meets Kings|| Completed || #Wattys 2018Where stories live. Discover now