SYBG 45

1.5K 106 153
                                    





🤍🤍🤍🤍🤍🤍

Since You've Been Gone

"Luis & Quinn"

🤍🤍🤍🤍🤍🤍





"QUINN, start talking." Hindi galit pero malamig na utos ni Siege sa kapatid. Sumigok pa ito bago pa makapagsimulang magsalita.

"I met Luis sa isang symposium noong college pa ako. Nagkakilanlan at nagkakwentuhan. After that nag-aya siyang mag-lunch kami ng sabay, pumayag ako. Sabay na rin kaming umalis sa convention center pagkatapos. We also had dinner that night. Tuloy pa rin ang kwentuhan. Mabait si Luis, masayahin, natutuwa ako sa kanya." Panimula ni Quinn. Tahimik lang na nakikinig si siege sa kapatid.

"Naging constant na ang pagkikita namin ng mga sumunod na raw. After that semester, nanligaw na siya sa akin. Ang alam ko ay mag-isa lang siya sa buhay but later on nagkwento na siya sa akin na may dalawa pa siyang kapatid na puro babae. Ang sabi pa niya, umalis siya sa kanila to experience living alone kasi masyado daw nakikialam ang stepfather niya sa kung ano ang gawin niya to the point na gusto siya nitong ipakasal sa anak ng kasosyo sa negosyo." Lumunok muna si Quinn bago ito nagtuloy sa pagkwento. "Luis doesn't want to kasi sabi niya may gusto na daw siyang iba at kung siya ang papipiliin ay yun nga ang gusto niyang pakasalan pero alam din daw niya na hindi pa ito handa. Alam kong ako ang tinutukoy ni Luis kasi kasasagot ko pa lang sa kanya ng gabing yun." Huminga ng malalim si Quinn bago natuloy sa pagkwento.

"As a celebration sa pagsagot ko sa kanya, nag-aya siyang mag-dinner kami. Paglabas namin sa resto nasalubong naman namin ang pamilya niya, yung stepdad, mommy at dalawang kapatid na babae. Mabait yung Mommy niya at yung dalawa kapatid, pero yung stepdad niya... para akong biglang kinabahan. He introduce me as his girlfriend. Tuwang-tuwa ang Mommy niya kasi nga daw sa wakas may girlfriend nang ipinakilala si Luis sa kanya. Sabi ng dalawa niyang kapatid ay first time daw na nagpakilala ng babae sa kanila si Luis at hindi na daw ito mapipilit pa ng Daddy nila na ipakasal sa iba." Inabutan ni Brielle ng isang basong tubig si Quinn. Tinanggap naman ito ng hipag at uminom uli. Nagpatuloy ito sa kwento matapos makainom.

"Maayos ang naging kwentuhan namin ng Mommy at mga kapatid niya, but his stepdad is a different story. For some reason he instantly hated me with all his being. Hindi ko alam kung bakit. But Luis told me not to pay attention to him because he doesn't matter, as he doesn't mean anything to Luis. Ang mahalaga daw ay okay ako sa mommy niya and that's what I did." Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. Tahimik lang ang lahat na nakikinig.

"A year after, bigla na lang siyang nag-aya ng magpakasal, and because I love him, pumayag ako, kasama ko si Nana Bening sa City Hall. Sumama din si Mang Lino at iba pang tagarito na malapit sa amin ni Mama Glenda. Simple lang yung kasal na yun but we were happy. Everything was going well. Nagpatuloy kami ng pagtatrabaho up until a year and a half ago. They took something very special and unique from me at pinapirma ako ng annulment paper. Ang sabi ni Mr. Go, hindi daw niya itutuloy ang annulment na yun basta layuan ko lang daw si Luis at ibabalik niya sa akin ang kinuha nila kapag pumayag na raw si Luis sa gusto niyang mangyari. I was so scared, Kuya. Wala akong laban sa kanila. May pera sila kaya wala akong nagawa." Napaisip silang lahat at nagkatinginan. Iisa lang tumatakbo sa isip ng mga ito. Ano ang very special at unique na kinuha ng Mr. Go na yun sa kanya.

Since You've Been GoneWhere stories live. Discover now