Chapter 23 - Looking for you

Start from the beginning
                                    


"Speaking of Killian. Alam mo ba nung isang linggo kang wala. Araw araw siyang narito. Hinihintay ka." nagulat ako roon.


"Fiancée mo ba talaga siya?,"


"H-hindi." bigla kong sagot. "Palabas lang iyon."


"Kinilig pa naman ako. Lalo na nung nakita naming may sising ka," sabay sabay lumipad ang mga tingin nila sa kamay ko. "Na saan na?"


"Isinauli ko na," tanging sagot ko.


Hindi ko iyon namalayan. Ngayon lang bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko. Hindi nga sumagi sa isip ko si Killian e.


Bumalik ang mga alaala ko sa barilan na nangyari. Bakit may baril siya? At saka iyong sinabi niyang ako iyong target? B

akit ako?

"Saan ka ngayon tumutuloy?" tanong sa akin ni JM


"Kay tita."


"Diba ayun ung masungit. Bweset yun e."


"Baka sinasaktan ka!"


"Hindi-,"


"Kapag minaltrato ka. Kahit sino samin dalawa tawagan mo. Mamili kalang kung saan mo gustong bahay tumuloy,"


"Oo," sang ayon naman ni JM

Tumango lang ako at ngumiti. Kahit paano. Maswerte ako.

Lumipas ang mga araw. Walang Killian na nag pakita saakin.


"SINONG KUMUHA NG PERA KO!" halos mapatalon ako sa sigaw ni tita habang nagtutupi ako ng mga damit ko.


"Bakit hindi mo tanungin yang mistisang iyan?" narinig kong sabi ni tito. Nanlamig ako dahil alam kong ako iyong tinutukoy


"AYLA!" sigaw ni tita.


"T-tita. Hindi ko po kinuha!" sabi ko.


"E sino pa kukuha? Simula ng dumating ka rito. LAGI NALANG AKO NAWAWALAN?"


"Lagi? E ngayon nga-," hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng sampalin niya ako. Halos tumilapon ako.


"SUMASAGOT KA PA HA?!" sigaw nito sa akin. "Lumayas kana dito!" at kinuha ang mga damit ko para idala sa labas.


"Tita," pigil ko.


"Simula ng dumating ka dito. Nagkaleche leche na kami. Salot. Bweset!"


"Tita." umiiyak kong tawag. Dahil itinapon niya sa labas ng bahay ang mga damit ko. Napalabas din ako ng bahay upang pulutin ang mga iyon.


"Huwag na huwag ka na babalik rito!" sabi pa nito. Y-yung picture frame.

Binato niya ang natitirang gamit ko. Picture frame namin ni mama. Buti nalang at nasalo ko iyon. Sapagkat babasagin ito.


Wala akong nagawa. Kundi pulutin at ipasok sa bag ko ang mga damit ko. Saan ako pupunta? Ang pera lang na mayroon ako iyong allowance na mauubos na.


Naglakad nalang ako palabas ng village. Para hindi mabawasan iyong pera ko. Magiging pulubi na ba ako? Mararanasan ko ng mangalakal ng basura. Nanghina tuloy ako sa aking naisip.


Napadaan ako sa store ng mga appliances. Nakadisplay roon ang mga LCD Tv. May pinapalabas na balita roon.


Sinasabi sa balitang iyon. Hinuli ng mga polis si Congressman Reeztucker! Bakit?!

Sinasabi din doon. Na buhay ang nawawalang anak ni Senator Devesa.


Ang swerte ni Sofiayla Devesa. Iyong anak ni Senato Devesa. Ang swerte niya kasi mismong tatay niya ang naghahanap sa kanya. E ako? Hindi ko man lang naabutan si Papa. Sumakabilang buhay na.


Nakita kong lulubog na ang araw. Kailangan ko ng matutuluyan. Naalala ko bigla sila JM at Justine. Inilabas ko agad ang cellphone ko. Dinayal ko ang number ni Justine. Ngunit napatigil ako ng maalala kong wala pala akong load. Pag nagpaload naman ako. Wala na akong pamasahe bukas sa pagpasok sa school.


Naigala ko ang tingin ko sa paligid. Alam ko ang bahay nila Justine at JM. Mas malapit bahay nila JM dito. Kaso malayo rin kung lalakarin ko. Ayokong sumakay. Mahal kasi pamasahe papunta sa kanila.


Mahigit 30 minutes na ako naglalakad. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya ang gutom. Gutom na ako. I should rest muna. Para may lakas ako kapag nagsimula uli akong maglakad. Naupo muna ako.


Sana tulungan ako ni Jesus. Tulungan niyo po ako na makarating kila JM. Gutom na ko.

When I saw two black shoes. Tinignan ko iyon pataas. Isang lalaking matipuno.


"I've been looking for you!"

nanlaki ang mata ko.

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now