CHAPTER 12: THE TRUTH

77 7 0
                                    

Stephanie's POV

Kinuha ko na agad iyong stuff toy sa labas at dali daling kinatok ang window sa may driver's seat. Today's a great moment with him, luckily bumait siya, sana palagi na lang.

Pagkababa ng salamin, ngumiti ako sa kan'ya, a genuine one.

"Sige na, CJ. Salamat!" Pagpapaalam ko rito. He just stared at me wondering why I act like that.

"Welcome! Ingat ka ha," sagot nito.

"Okay,"

Papasok na ako ng bahay nang makaramdam ako ng kakaibang feeling, something's wrong. Kaya binuksan ko agad ang pinto at naabutan ko si Tita Marielle, dati niyang asawa si Papa. She's nice to us but this time I don't thing so.

Napahawak ako sa bibig ng bigla niyang sampalin si mama. Si mama naman galit na galit, hinihinga, eventually gumanti rin siya kay Tita. Hanggang sa magsabunutan na sila.

I'm too shocked to react kaya hindi ko sila napigilan agad. Pero maya maya natauhan na rin ako at dali dali silang inawat. Mas inawat ko si Tita Marielle dahil mas gigil siya kay mama, gumaganti lamang ito para hindi siya matalo.

Maya maya, huminahon na rin sila pero nagsasakitan pa rin.

"Ma! Tita! Awat na, ano bang problema?!" hingal ko ring bulyaw sa kanila.

"Itong si tita mo eh! Biglang pumunta rito tapos sinampal ako. 'Di ako makapaniwalang magagawa mo pa ito sa akin after so many years ng pagsasama natin, Marielle!" tugon ni mama, tumingin naman ako kay Tita na parang ready na ulit manabunot at nakakunot na ang noo.

"Huh?! So, ako pa ngayon ang may problema? How dare you!" sigaw nito. Muntik na ulit siya sumugot ngunit pumagitna na ulit ako.

"Oo! Ano bang problema mo?" This time mahinahon na si mama, maski rin ako ay naguguluhan sa nangyayari.

"Ikaw! Ikaw lang ang problema ko! Salot ka sa buhay ko, nang dahil sa 'yo nakunan ako!" sabi nito na siyang kinatakip ng bibig namin ni mama.

N-nakunan? Ibig sabihin ay namatayan ng baby? Teka nga, ano ba talagang nangyayari. Pinaatras ko siya ng konti dahil konting konti na lang magsasabunutan na ulit sila.

"Tita! Kalma okay? Ikwento niyo po ang nangyari para maliwanag kami," Eventually, huminahon naman siya at nagpaliwanag.

"Noong panahong buntis ako sa una kong anak, manganganak na'ko. Si Rowel ang nagdala sa'kin sa ospital. Tapos papunta na kami sa ospital ng mabalitaan kong tumawag ka kay Rowel dahil iyak ng iyak 'yang anak mo. Biglang umuwi sa inyo si rowel. Nang dahil doon naiwan akong mag-isa sa ospital. HINDI KO KINAYA LAHAT! NALAMAN KO NA LANG NA HINDI PALA UMIIYAK YUNG ANAK MO KUNDI ANIVERSARY NIYO NI ROWEL! HOW DARE YOU! INUNA MO SANA 'YUNG ANAK KO AFTER NU'N SANA KAYO NAG CELEBRATE!" sabi ni Tita kay mama at muli itong susugod sana pero napahawak ito sa dibdib niya at biglang unti unting nawalan ng malay.

"Anak, dalhin natin siya sa hospital"

"Opo,"

Agad akong lumabas ng bahay nang makita ko ang stuff toy na kawak ni cj sa labas tapos nakasandal sa kotse niya.

'Di pa siya umuuwi, nakakapagtaka naman.

"Steph! Nakalimutan mo ito sa labas ng bahay niyo!" sabi niya.

"Ah ganon ba--" pupunta sana ako sa kan'ya nang marinig ko si mama.

"Anak! Bilisan mo tumawag ka ng taxi!"

"Ano'ng meron?" tanong ni CJ.

"Nahimatay si tita," natataranta kong sabi. Hindi ko na alam ang gagawin.

Tumingin siya sa akin at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay na siyang kinataka ko, anong gagawin niya sa bahay.

Pagkatapos no'n, lumabas siya kasama si mama, buhat buhat niya si Tita at si mama naman ay nagmamadaling ni-lock ang pinto ng bahay.

Ang bait niya ngayon ah.

Ngayon lang.

"Steph, buksan mo 'yung passenger seat," seryoso niyang sabi.

Tumango ako, at pumasok na kaming lahat sa kotse at nag-drive agad siya papuntang ospital.

Napatitig ako sa kan'ya habang nagmamaneho ng seryoso, halatang binibilisan niya ang pagmamaneho at lumulusot na kung saan saan.

"CJ, salamat talaga iho," sabi ni mama.

"Welcome po," tangi naman ni CJ.

Nangmakarating kami sa ospital agad namang dinala si tita sa Emergency Room.

* After 3hours *

Oo three hours kaming nakatambay sa labas ng ER, sinusubukang kontakin ni mama si papa para mabalita ang nangyari pero si papa ay out of reach. Nakaupo ako habang nakatayo si mama at paikot ikot lamang. Sinusubukan ko siyang pakalmahin ngunit naiiyak lang siya lalo.

Nakita namin pareho nqg doktor at pareho kaming napalapit dito.

Si CJ naman ayun, umuwi na after ihatid kami ni mama sa hospital.

"Good noon ma'am, kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente?"

"Parang ganu'n na nga po," sagot namin.

"The patient is fine. But she had encounter a major disease in her heart. But don't worry, hindi malala 'yung sakit niya. Puwede pa iyong magamot as soon as posible. It will not cause high damage to her, basta magagamot siya from time to time,"

"Thanks doc,"

Tapos binigay 'yung reseta sa amin at mga kailangang dokumento. Magpapagaling muna siya matapos gamutin ng mga nurse.

Pinauwi na rin ako ni mama.

Tapos pag dating ko sa bahay nadatnan ko 'yung alien stuff toy na nasa table namin.

Agad naman akong napangiti.

May mabuti pa lang side si CJ kahit papa'no.

Masyado lang akong inis sa kan'ya. Maybe it's time for me to not be harsh on him. Bawasan ko na lang siguro ang pagsusungit sa kan'ya kahit papa'no.

KONTI LANG.

'Di ibig sabihin nu'n friends na kami.
'Di ibig sabihin nu'n bati na kami.

We still hate each other. Walang makakapigil sa amin. Pabebe girls na kami ngayon?

Pabebe naman talaga si CJ eh, feling babae. Makapagsungit kala mo kung sino, daig pa tunay na babae. Baka naman may dual personality siya?

Ang sama ko talaga!





A/N: New update!

LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)Место, где живут истории. Откройте их для себя