CHAPTER 3: BWISITMATE

120 8 2
                                    

STELLA'S POV

"Miss Rios, what are you waiting for? take your seat,"
matang tiningnan ako ng guro namin,
sighing umupo na ako at daretsong nakatingnin sa board, hays wala na bang ikakaganda man lang itong araw na ito ha?

"Wow, I can't believe na makikita ulit kita, at kaklase pa kita ha," he mockingly said habang nakatingin sa board, pero ako ang kinakausap niya, sadyang sa board lang siya nakatingin.

"Napakayabang," inis kong sagot sabay ngiwi ng mukha. Hays, mga estudyante talaga rito napakayayabang.

CJ'S POV

Napatigil ako habang nakikinig sa teacher naming nagdidiskusyon nang sabihin niyang napakayabang daw ako.

Ako? Napakayabang? I didn't expect someone would just say that in front of me. May halong excitement at amazement ang nararamdaman ko ngayon.

Sa sobrang takot ng lahat ng tao sa akin, ngayon lang ako nakarinig ng ganito ulit, ang tapang niya ha, simpleng salita lang niya sa akin napamangha niya agad ako.

Ngayon ko lang din siya nakita. 'Di kaya...transfer siya rito? Kaya 'di niya ko kilala? And in fact ngayon ko lang din siya nakita, pero eh, wala naman akong pake sa kahit sino, mapa teacher o student
And ngayon ko lang din siya nakita.

Well wala naman akong pake sa mga tao dito.

"By the way, magpapakilala muna ako, I'm Christian James Mendez,"
sabi ko sa kanya, tiningnan ko kung anong magiging reaksyon niya at hindi muna ako umimik agad. Hindi ko rin muna sinabi na ako ang may-ari ng school na ito.

Mariin ko ring binanggit ang pangalan ko lalo na ang Mendez, para ma-realize niya kung sino ako, ayoko ng binabastos bastos lang ako rito sa sarili kong paaralan, kaya mabuting malaman na niya agad kung sino ba talaga ako.

Ilang taon na ako nandito, simula nu'ng nag-high school ako at simula ng sabihin sa akin ni Daddy na ako ang magiging tagapagmana nitong eskwelahan na ito, naghari-harian na ako rito, at ayokong hindi ako sinusunod.

Lahat ng mambabastos sa akin dito hindi maganda ang ginagawa ko, they actually end up na nagtatransfer sa ibang school sa sa sobrang terrior ko.

Kahit anong gender pa 'yan, maski teacher ka kung kabastos-bastos ang ugaling pinapakita mo sa'kin, papalayasin kita sa paaralan ko.

Wala akong sinasantong kahit sino rito maliban sa pinaka owner ng school na 'to.

Pero yeah, I'm Christian James Mendez, the soon to be owner ng school na ito, soon magiging ako na ang pinakahari rito sa campus na 'to.

STELLA'S POV

'Di ko siya masyadong pinapakinggan ng bigla niyang banggitin sa akin ang pangalan niya, tiningnan pa ako ng hangal na parang tinitingnan niya kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Well nagpakilala lang naman siya, at wala naman akong pakielam sa kanya.

Pero nu'ng marinig ko 'yung buong pangalan niya lalo na 'yung apelyido niya, medyo nanlamig ang buong katawan ko.

Christian James MENDEZ, Mendez sis Mendez. Medyo nagkakaroon na ako ng hula kung sino ba talaga siya rito, at medyo napapagtanto ko kung bakit ganito siya sa nga estudyante rito.

Does it mean, may connection siya sa school? Kasi Mendez ang pangalan niya eh, siguro tatay niya ang owner or parang kamag-anak gano'n. I hope wala naman sana, susko hindi ba matapos tapos manlang mga kababalaghan na nangyayari rito sa school kailangan ba talaga sunod sunod mga kakaibang nangyayari rito? First day ko lang ha? First day ko lang, baka naman awat awat muna ha.

LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now