CHAPTER 10: HULI KA

90 8 5
                                    

Stella's POV

Sunday morning, bungad ang tirik na araw at agad na rin akong bumangon para simulan ang araw na ito.

Btw, nu'ng friday nga pala may nang-aaway kay Anna kaya ayon sinugod namin agad. Sobrang nakakaloka 'yun. As in hanggang ngayon nati-trigger pa rin ako sa sobrang gigil ko no'n.

Flashback:

So ayun natapos na 'yung lunch at pabalik na kami sa classroom. Habang pabalik kami, nakarinig kami ng mga bulung-bulungan kaya napatigil kaming lahat.

"Look guys!"

"Ohh? The drama actor is here."

"Tss. Kaya lang pala siya pinansin ni Zach dahil sa nangyari kila Demonia."

"Balita ko, gustong makipagbalikan ni Finn sa kanya"

"Wow ha? Ang arte niya, kala mo kong sino'ng nagpapakipot. Such a whore."

"Manggagamit."

"True!"

Nang marinig ko 'yun, sinugod ko agad 'yung mga malalanding 'yun.
Mga lokaret kayo?! Sinong malandi ha?!

Ako: " WHORE?! SINONG WHORE SA INYO? IKAW! LOKO KANG BABAE KA! KALA MO KUNG SINONG MAKINIS ANG BALAT! MUKHA KA NAMANG BALAT!"

Polaris: "MGA MALALANDI! 'DI BA GUSTO NIYO LANG SI ZACH KAYA DINADAMAY NIYO SI ANNA? GAGO KAYO AH? MGA BWISIT SALOT SA LIPUNAN! KAYA 'DI UMUUNLAD BANSA NATIN EH!"

Althea: "WOW HA? KUNG MALANDI ANG USAPAN KAYO NA MALAMANG ANG HUMAKOT NG MEDALYA! AKALA NIYO KUNG SINO KAYO!? MGA MANLALAIT NA PANGIT NAMAN! 'WAG NIYO NANG UULITIN YON HA? MAKAKATIKIM TALAGA KAYO SA 'KIN!!"

Nakita kong papaiyak na si anna
Kung tingin niya siya may kasalanan nito. Pwes hindi.

Lalo tuloy akong nangggigil. Pero bahagya akong napatigil ng may nagsalita.

"Girls,"

Bigla akong napalingon sa nagsalita.

Si Zach.

Ang Student Council ng school.

Galit na galit ang itsura niya na parang anytime sasabog na siya.

"Diba sinabi ko sainyo na kapag may sinabi kayo kay Anna na 'di kanais-nais, ako na makakalaban niyo. NOW GO TO DETENTION OFFICE!"

Detention? Grabe naman to oh!

Sabagay para matauhan na sila.
Nakita kong kinausap ni anna si zach tapos unti-unti kaming inawat.

Tapos nagpahinga laming konti para sa next class

Althea: "Tang'na 'yun. Kala mo kung sino,"

Kaya ayun nga pero buti nga 'yun sa kanya...

END OF FLASHBACK:

So, pagkagising ko ay naghilamos lang ako at nakapang-jogging lang. Nandito ako sa park naglalakad lakad lang, konting hinga hinga muna dahil nakaka-exhausted lahat ng nangyayari ngayon sa paligid ko. Maya maya habang tumitingin tingin sa paligid ay bigla akong may nabangga.

"Aray!!" Napahimas ako sa braso ko dahil sa sakit, kala ko tumama ako sa isang bakal pero sa tao pala ako tumama.

"Ay sorry, miss---- Steph?"
Napalingon ako sa nagsalita dahil familiar, at si CJ ito. Woah, what a small world nga naman.

LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now