CHAPTER 5: ANG EX NI ANNA

123 8 8
                                    

STELLA'S POV

Hayup na 'yan! Anong gingawa ni finn dito aber? Nakakairita talaga pagmumukha ng hinayupak na 'yan nakakagigil. Manggugulo? Manloloko?
Mambobola? LAHAT SIGURO!

"Finn, anong ginagawa mo rito?" iritang tanong ko.

Dapat paalisin ko 'yan dito bago pa kami manggigil lahat. Baka mamaya lahat na lang kami biglang sumugod, mayayari pa kami ng wala sa oras, papagalitan kami for sure.

"Anna, please patawarin mo na 'ko," Tapos lumuhod siya bigla sa harapan ni Anna. Nagulat kami pero hindi kami naawa. At bakit kami maawa sa isang manloloko? Hindi dapat kinakaawaan ang isang manlolokong gaya nang lalaki na 'yan.

Baka pagkaguluhan pa kami rito nito.

Si Finn ang ex ni Anna. Masayang sayang couple sila noon, sobrang ina-admire na couple sa school. Pero niloko niyan si Anna. Para mas maintindihan niyo, gagawa ako ng flashback.

Flasback:

Nasa garden kami ni Anna, Polaris, Althea, Sam, Yisheen, at Jade. Naglalakad, at pa-uwi na rin kami galing eskwela, nakakabobo nga dahil nataon pang statistics ang huling subject namin kaya sobrang nakakadrain sa utak.

Daanan kasi namin itong garden pag uuwi ka kami, para kahit papa'no'y makalanghap kami ng sariwang hangin.

Anna: Hayyy, so hott!
malakas na sabi niya sabay paypay ni Anna sa mga folder na hawak niya, baliw talaga 'tong babaeng ito kahit kailan, ginawang pamaypay 'yung mga folders na reviewer niya.

Me: Sorry ha,
agad kong sabat na ikinatigil niya at biglang nilingon ako sabay tingin sa akin ng masama. Inirapan pa niya ako sabay tawa at lakad na ulit.

Anna: Che!
Tapos nagtawanan kami. Ganyan kaming lahat masaya lagi. Happy woot woot lang everyday, walang problema sa isa't isa at kapag meron naman agad din naming pinag-uusapan para maayos.

Nagtatawanan lang kami habang naglalakad tapos nagulat kami nang biglang nabagsak ni anna lahat ng gamit niya. Napatigil kaming lahat at natigil ang tawanan namin, sa unang tingin akala ko lang nabagsak lang ni Anna, pero hindi. Parang may tinitingnan siya.

"Huy! Anong nangyari sa'yo?!"
Sabi naming lahat sabay hawak sa braso niya. May parang tinitingnan siya kaya sinundan ko 'yung tinitingnan ni anna.

Nagulat ako sa nakikita ng dalawa kong magagandang mga mata, at kaya pala niya nabagsak ang mga gamit niya. May dalawang taong naglalambingan, nagtatawanan at naghaharutan, 'yung isa ay boyfriend ni Anna.

May kasama itong babaeng haliparot, ang mag malupit pa roon, biglang kiniss ng babae ang cheeks ni Finn ang boyfriend ni Anna, at ang nakakawindang pa sa nakakawindang, kiniss din nito ang cheeks ng babae sabay hagikgik. Mga punyeta nga naman talaga, biglang kumulo dugo ko ha, sarap atang makasapak ngayon.

Nagulat kami ng biglang bumagsak si Anna. Nabigla ata siya at hindi ko kinaya ang kung anong nakita niya.
May asthma pa naman si Anna.

Sa gigil ko, pinuntahan ko si Finn, tapos pinaghiwalay ko siya sa babae niya. Tapos sinampal ko ng malutong at malakas na puno ng galit si Finn.

Nagulat siya sa ginawa ko pati ng babae, hindi sila nakagalaw agad kaya nagsalita na ako.

"Sorry, nangangati 'yung kamay kong sampalin ang gaya mo," prankang sabi sa kanila sabay death glare sa kanilang dalawa.

Tapos may sumampal nanaman sa kanya, napalingon ako at si Yisheen ito, gigil na gigil at puno ng galit na sinampal niya si Finn. Maga pisngi niya sa'min anong akala niya ha.

LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now