CHAPTER 2: PAGKILALA

174 10 5
                                    

STELLA'S POV

"Hala? 'Di nga? Seryoso ka?"
Sunod sunod na tanong sa'kin ng mga kaibigan ko ng makwento ko sa kanila ang nangyari. Gulat na gulat sila eh parang ewan, ayaw nila maniwala pero gusto rin nila maniwala.

Habang kinukwento ko sa kanila ang nangyari, may kutob ako na ako ang pinaparinggan ng lalaki sa bulletin kanina.

Well di naman ako totally natatakot, at bakit ako matatakot? I have the right to defend myself against him. Duh. Habang nagkwukwentuhan sila biglang sumulpot ang kaibigan naming si Yisheen.

"Hello! Miss ko na kayo!!" Masayang bati niya sa amin. Isa rin siya sa mga bestfriends ko.

Siya ang pinakasusyalin kong kaibigan, galante. Lagi nanglilibre kaya madami nagkakagusto d'yan. Bait kasi niyan, sobrang humble na babae.

Binati namin siya at umupo naman siya sa tabi namin.
"May kwento nga pala ako," masayang sabi niya, hmm ano naman kayang nangyari sa babaeng ito..

Yisheen's POV

Napakalala nitong araw na ito para isang magandang tulad ko, hay. Ako nga pala si Yisheen.

Anyways, naloloka talaga ako sa nangyari sa akin, dahil may bago akong roommate.

Mag-isa lang kasi ako sa condo and my mom decided to have a roommate para may makausap at may tao namang magbabantay daw sa'kin. Napakapraning din ng nanay ko minsan kaya naiintindihan ko naman din siya kahit papa'no.

I guess babae naman siguro 'to 'no? 'Di naman ganu'n ka tanga si mama para maglagay ng roommate na lalaki, delikado na rin kaya ngayon. Well sana nga.

Baka mamaya kung ano pa gawin nu'n sa'kin. Well 'di ko naman sinasabi na ganu'n nga pero mas maganda na 'yung handa.

Pero what if lalaki nga? Hays sana naman maayos kung lalaki, 'yung matured naman sana at hindi 'yung loloko loko sa buhay na'ko, makakatikim sa akin 'yan ng suntok at tadyak.

"Honey? Nandito na roommate mo," rinig kong sigaw ni mama sabay katok niya sa aking kwarto. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng kwarto. Nag-inhale exhale lang ako para hindi ako mqsyadong kabahan.

Kaya mo 'yan Yish, tiwala lang na babae 'yan—sabi ko sa sarili ko habang naglalakad patungong pintuan.

"Honey, this is your roommate, Kyle Villanueva, be nice to him kung ayaw mong i-cut ko ang allowance mo, do you understand?"
sunod sunod na sabi sa'kin ni mommy. Napalingon naman ako agad aa kung sinong roommate ko, at o-may-gad, hoo-may-gulay.

Kung pwede lang akong maging patatas ngayon, gora na sana'y lamunin na ako ng lupa sa sobrang kahihiyan!

Well kung bakit ako ganito ang reaksyon ko, si Kyle Villanueva lang naman ang ultimate crush ko for 5 years, isa siyang sikat na basketball player at kinahuhumalingan ng mga kababaihan sa aming school dahil sa kagwapuhan niya. At lagi ko rin siyang sinusulyapan noon ng palihim, pero ngayon nandito siya sa harapan ko at nakangiti, AT ROOMMATE KO NA RIN?

Grabe what a blessing nga naman, Lord. Hays, char lang.

Biglang tinanggal ni Kyle ang shades niya at nakangiting nilahad sa'kin ang kamay niya, para pormal na magpakilala.

"Hi, you're my schoolmate right? It's my pleasure to meet you," malambing niyang sabi sa akin, sabay lahad ng kamay niya. Napatingin ako sa malambot at brusko niyang kamay.

'Di ko alam kung kukunin ko ba or makikipag-shake hands ako, natatameme ako sa kagwapuhan niya.
Pero gently accept his hands, at nakipag-shake hands ako.

"H-hi, I'm Y-yisheen, it's my pleasure also to m-meet you,"
mautal utal kong sabi sabay bawi ng kamay ko, mabilis lang kasi pinagpawisan ang mga kamay ko.
Shet Yish! Walang maliligo! Ayoko pa sana alisin eh.

DAPAT PALA NAGLAGAY AKO NG GLUE SA KAMAY KO PARA 'DI NA MATANGGAL KAMAY KO. CHOS, MASYADONG MAHAROT.

"Kyle, make sure na bantayan mo si Yish, she's very stubborn kaya higher your patience to her. Dont. Do. Anything. Bad. To. Her, Understood?" seryosong sabi ni mommy sa kanya, hinarap naman ni Kyle ito at ngumiti to give my mother an assurance na wala siyang gagawin sa akin.

"Yes, tita, I'll update you nalang,"
sabi niya sabay nagpaalam na si mama para makapag-ayos na siya ng kanyang gamit sa magiging kwarto niya.

Tinulungan ko siyang ipasok lahat ng mga gamit niya sa may sala, binuhat ko lang iyong pinakakaya kong madala dahil mabibigat ang mga dalahin niya.

"Where's my room?" kalabit niya sa akin sabay tanong.

"Sa puso ko este sa may right side na kwarto," sabi ko sabay napatalikod dahil sa kahihiyang ginawa ko, bakit ko sinabi iyon! Namumula tuloy ang pisnge ko at nakangiti ngayon, nakakahiya, Yish!

"Ok," tanging tugon niya sabay dare-daretsong inayos ang kanyang gamit sa may kwarto niya. Mabuti naman, at ako nama'y dare-daretsong nagpunta sa kwarto ko bago niya mapansing namumula ako.

Ang kalat ko! Nakakainis.
Pumasok naman ako sa kwarto ko at agad na nagwala, kinikilig ako.
'Maygosh this is the worst and good day ng buhay ko!

So ayon na nga after kong ikwento kila Stella lahat ng nangyari sa buhay ko, inaasar na nila ako ngayon at sinasabing si Lord na raw ang bahalang maglapit ng landas namin. Na'ko sana nga!

Narinig na namin ang bell kaya dali dali na kaming umakyat sa kanya kanyang room namin. Hindi kami pwedeng mahuli kasi first day of school.

STELLA'S POV

Pagod na pagod akong umakyat sa magiging room ko, hingal na hingal pa'ko. Kakatapos lang naming magkwentuhan kanina at ngayo'y nagkakaugaga kami para umakyat sa kanya kanya naming kwarto.

Ba't kasi kailangan mataas pa 'yung panggagalingan ng room eh. At ang malala, paiba iba pa ang room namin, paiba iba ng floor, bawat subject. Kaya kapagod. Kumatok ako sa room, at nakita ko ang teacher, napangiwi naman agad ako ng mukha

Shems, late ako. Nandiyan na ang teacher. Pa'no nakakapagod kaya umakyat nakakaloka.

"Good morning, Ms. Rios," seryosong bati sa akin ng guro.

"Good morning Ms." gumati rin ako ng bati sa kanya sabay tingin sa aking mga kaklase. Pansin kong halos lahat ng upuan ay occupied na. Tumingin naman ako sa teacher ko para humingi ng tulong kung saan ako pwede umupo.

"Please take your seat, katabi ni Mr. Mendez," seryosong sabi niya ulit sabay itinuro kung nasaan si Mr. Mendez.

Agad nanlaki ang mata ko ng ma-realize ko na 'yung lalaking pa na muntik na'ko mabangga, eh nandito siya ngayon. Ang malala pa, makakatabi ko lang naman siya.
What a nice day.

A/N: Ang cute ko.

LOVE THE ONE I HATE (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now