Nang biglang nag ring ang cellphone ata ni Killian. Napalingon ako. Lumayo siya sa kusina papunta sa sala. Malayo samin ni Jam.

"Yeah. Ok. Sige tommorrow," narinig kong sabi sa kausap. "Yeah. I know Thal!"

Thal? Babae? Bigla ko nalang naalala iyong sinabi Vhong saakin tungkol kay Thal. Inabala ko nalang ang sarili ko sa paglalaro kay Jam.

"May gusto kang kainin?" tanong nito ng makabalik.

"Ah. Wala. Busog pa ako." tanging sagot ko

"Nasabi na ba sayo ng Mama mo na. May pupuntahan sila business trip?"

"Huh? Hindi pa."

Kaya noong umuwi si mama sa bahay. Nag impaki na siya agad ng mga damit. Ang sabi niya tatlo lang daw silang pinadala para business trip.

"Mawawala ako ng tatlong araw. Ayoko ng pag uwi ko dito. Magulo ang bahay. Maglinis ka naman kahit wala ako." sermon nito habang natutupi ng mga damit niya.

"Opo," sagot ko habang tinutulungan siya sa pagligpit. "Mama. Tobleron ah." paalala ko.

"Ang mahal mahal niyon." napasimangot tuloy ako ng mukha. "Pero bibili ako kahit mahal." bumalik bigla ang mga ngiti ko sa sinabi ko. The best Mom!

Bigla nalang pumasok sa isip ang tungkol utos ni Mama kay Killian.

"Mama." tawag ko.

"Hmm?"

"Mama. Hindi baka nahihiya kay Killian. Anak siya ng boss niyo. Tapos pinapasundo mo ako sakanya. Malay mo pagod iyon sa trabaho tapos obligado niya pang isundo ako."

"Syempre may hiya rin naman ako no. Sakanyang idea iyon. Siya nag presinta," nagulat ako roon. "Ay. 'Wag ka maingay na sinabi ko. Hihihi," sabay hagikhik niya ng tawa.

So. Sa kanyang idea pala iyon? Bakit gusto niya pang magkaroon ng obligasyon saakin? Hindi ko maintindihan.

Kinabukasan noon. Umalis na si Mama. Ayos solo ko na naman ang bahay. Pwede na uli kami mag anime marathon nila...

Napatigil ako ng maalalang hindi pa pala kami bati magkakaibigan. Nalungkot ako bigla. Nakakalungkot nga maiwan. Ganito siguro yung pakiramdam ni mama ng iwan siya ni papa at nagtungo sa kabilang buhay.

Iyong paglabas ko ng gate ng school. Inaasahan kong nasa labas na agad si Killian. Pero walang nakaparadang kotse. Napatingin ako sa relo ko. Wala pa palang alas singko. Kaya naghintay nalang ako sa waiting shed.

Ngunit mag aalas sais na. Wala parin siya. Bakit ba hinihintay ko pa iyon? Kaya ko naman umuwi mag isa.

"O. Bly. Why are you still here?" napaangat ako ng tingin.

"Vhong," sambit ko.

"Asan si Kuya? Diba sinusundo ka noon?" umiwas ako ng tingin ng maalala iyong baklang iyon.

"Ang tagal nga e." sagot ko. "Wala pa naman akong pamasahe." bulong ko. Naiwan ko sa bahay iyong iniwan saakin na pera ni Mama. Nag dala lang ako ng sakto. Hindi ko naman alam na mauubos ko pala iyon.

"Kung hindi pa dumating si Kuya..." naramdaman kong nagba-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon. "Ako na. Maghahatid sayo." alok niya. Nakita kong yung ugok na baklang iyon ang tumatawag. "Lampas ala sais na o."

"Ah. Saglit lang. Sagutin ko lang ito," paalam ko.

"Oh. Sure," nanatili siyang nasa waiting shed upang hintayin ako. Lumayo naman ako ng kaunti roon.

"Ano?" masungit kong pagsagot ng tawag.

[I'm sorry. May gagawin lang ako saglit-,"

"Anong gagawin mo?"

[I just need her to take home]

Her? So may babae siyang kasama.

[Please. Wait for me baby. Malapit-]

"HINDI NA. Andito si Vhong magpapahatid nalang ako," asar kong sabi sakanya.

[What? Wait. Ayla-," ngunit pinatay ko na iyong tawag.

Siguro. Yung babaeng kasama niya iyon yung Thal na kausap niya kahapon. Bweset! Dapat sinabi na niya kanina. Edi sana nakauwi na ako ngayon sa bahay.

"Halika na Vhong," napangisi si Vhong. At inalalayan niya ako papasok ng kanyang kotse.

Kinabukasan. Pag gising ko. Nagtungo agad ako sa cr. Icha-charge ko muna iyong cellphone ko. Nang makita kong imilaw iyon. Binuksan ko iyon. Nagulat ako sa nakita ko.

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now