Chapter 15- Headphone

Start from the beginning
                                    

Umalis na ko sa lugar na iyon. Pero habang naglalakad ako palabas ng school. Napapaisip ako. Kung sana hindi ako sumama kila Liza. Kung sana hindi ako nagpadala. Kung sana pinili ko ang mga kaibigan ko. Hindi magagalit si mama. Hindi siya mawawalan ng tiwala saakin at ipapaubaya kay Killian. HINDI NA SANA AABOT SA GANTO.

Ang pinagtataka ko lang. Bakit naman pumayag ang lokong baklang 'to sa utos ni Mama.

"What took you so long?" bigla akong natauhan ng mapagtantong nasa labas na pala akong school. Jusko. Hindi ko namalayan nasa harap ko na pala siya.

"A-ano kasi..." patingin ako sa paligid. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. "M-mauna kana. May kailangan pa kasi akong bilhin e." sabi ko. "Sige. Babye!" dali dali akong tatakbo na sana ngunit nahawakan niya agad ang wrist ko.

"Hindi pwede." may diin niyang saad. "You're doing the same thing. Hindi na oobra saakin iyan." sabi niya na para bang kilalang kilala niya na ako.

"M-may kailangan kasi akong bilhin," sabi ko habang pinipilit na kumawala sa hawak.

"Then we will buy it-."

"Hindi pwede." bigla kong sabi. "Masyadong private," bulong ko.

"Oh!" sabay tumango tango siya na para bang nagegets niya. Mabuti naman. "Feminine needs,"

"Oo kaya bitawan mo na ako-,"

"Why would I?" putol niya sa sinasabi ko. "Bakit hindi natin iyon bilhin."

"Kailangan ako lang," giit ko

"Don't be stubborn. Woman," sabay hila niya saakin papuntang kotse niya.

Tangina. Wala na naman akong nagawa. Magpapamuscles din ako. Makikita mo, hindi mo na ako

basta basta mahihila!

Dinala niya ako sa isang convenience store.

"Let's go," sabay tanggal niya ng seatbelt. Kinalabit ko siya. Lumipad ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Uy! Dito ka nalang." sinadya kong magpa sweet. Para payagan ako. Nakita ko napalunok siya. Bakit ganyan ekspresyon niya? "Hindi ako tatakas. Promise," sabay taas ko ng kanang kamay ko.

"No. Tatakas ka," at tuluyan na siya lumabas ng kotse. Walang tiwala. Amp!

"SABING HINDI NGA AKO TATAKAS E," iritado kong sigaw.

Hinampas hampas ko pa yung dashboard. Para makita niyang galit na galit ako. Pero wala e. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan. "Get out. Lil' child,"

"LIL' CHILD?" asar kong bulyaw sakanya. "I'm not a child ok? 20 na ko!" sabay labas ko.

"Okay!" natatawa niya pang sabi. Nakakatawa? Nakakatawa iyon?

Nakakahiya talaga kasama ang baklang ito. Alam kong pagtitinginan siya mga kababaihan dito e. Kaya ayaw kong isama.

"Good afternoon. Sir Reeztucker," nagulat ako ng may bumati sakanya. Napagtanto ko nalang na anak nga pala ito ng congressman.

"Good afternoon," balik nitong bati.

"Ang gwapo niya,"

"Sino iyong kasama niya?"

"New girlfriend ata?"

"Akala ko ba sila ni Thal."

"Ewan,"

Bulungan ng mga bubuyog. Bweset. Hanggang dito pa naman?

Sumusunod lang siya saakin kung saan ako magpunta. Para naging instant body guard ko pa siya slash alalay sama na rin natin ang slash stalker. Bweset. Tinanggap niya ba ito ng free?

Noong malapit na ako sa section ng mga napkins. Humarap ako bigla sakanya.

"Alam mo. Taga sundo lang ang naatasang pinapagawa sayo ni Mama. Hindi mo kailangan sumama pa sa pag bili-,"

"No. It's ok," hinawakan niya ang dalawa kong balikat at pinaharap sa dadaanan namin papuntang mga napkins. "Ayon na yung mga napkins." sabi nito sa aking mga tainga. Napapikit nalang ako. Nakakahiya talaga.

Nakadampot na ako ng napkin na para sa buwang ito. Nagtititingin tingin pa ako. Siya rin nakita kong nagtitingin tingin. Napatigil ako ng makita ko yung bagay na matagal ko ng inaasam. Headphone. Tinignan ko agad yung price. 250. Dalawang linggong allowance ko iyon. Mag iipon ako.

"Gusto mo?" tanong niya.

"Huh? Hindi." sagot ko. "I mean sa ngayon. Saka na ko magugustuhan. Kapag mabibili ko na." sabay alis ko doon.

"You can have it," sabi nito. Napaharap ako.

"Hmm?" hanudaw?

"Get it. I will buy it," napatingin ako doon sa headphone. Nag iisa nalang iyon na color black. Puro girly na ang kulay ang natira.

"Huwag!" sabay harang ko doon sa mga headphone. "Napakayabang mo. Porket napakarami mong pera. At pwede mong mabili lahat."

"What?" kunot noo nitong pagtataka. Sus! Painosente pa.

"Huwag ito. Iba nalang. Itong pink," sabay kuha ko ng pink na headphone at abot sakanya. "Maganda itong kulay. O kaya itong violet," sabay kuha rin. "Huwag lang ito black please." sabay yakap ko sa black na headphone. Gustong gusto ko ito. Ipapareserve ko ito para walang makabili. O kaya bukas ko kaya bilhin. Mag aadvance ako ng allowance kay mama.

"Stupid." sabay hablot nya ng black na headphone. "I'll buy it for you,"


Napatigil ako. Seryoso?

My Girl is a LESBIAN [COMPLETED]Where stories live. Discover now