XXX. The First One

Magsimula sa umpisa
                                    

Patience is a virtue.

And I guess... this was my reward for being very patient. She's the best thing a reward could ever be. Kung ito naman ang reward, wala sa akin kahit gaano pa ako katagal na maghintay... because I know, in the end, that it's all worth it. She's that worthy.

"Goodnight, Dadaff."

Then, I saw her blush again.

Para kaming dalawang teenagers.

"Goodnight..." she bit her lower lip to fight a smile. "Goodnight, Darling."

At ayun na!

Ako na ang namula!

Hay, Daffney!

I drove home so damn happy. Weird na weird pa nga sa akin ni Deninn ng makasalubong niya ako, baka daw nasapian na ako ng kung anong maligno. Tsk, si Deninn talaga. Joker.

Badtrip ako kay Deninn dahil sa pagnanakaw niya nung box, pero wala eh, wala na atang makakasira ng mood ko ngayon.

Wala.

Wala talag—

Daffney Levanidez was tagged in a photo.

Stance Helleno is with Daffney Levanidez.

Family.

Ayun ang caption, it was that polaroid picture—yung picture na ako pa mismo ang kumuha. Ngumiti ako. Kahit pilit. Ayos lang, ako naman ang mahal niya, 'di ba? Alam ko 'yun. Ramdam ko.

Sige... kukumbinsihin ko na lang ulit yung sarili ko–na magkaibigan lang talaga sila.

Ayoko ng magkamali ngayon.

Ayoko na siyang mawala ulit.

Ayoko na... Ayoko ng mawalan.

Natulog na lang ako, siguro mananaginip na lang ako ng maganda. Siya, ako. Masaya lang. Maganda nanaman siguro ang mga susunod na pangyayari... sana.

I woke up feeling really nice. You know that feeling? It's nice to have her back again in my life. I was finally complete again. I was finally me again... the old me. The full of life Darlin I once was.

Dumaan muna ako sa flowershop bago pumunta sa kanila para bilihan siya ng paborito niyang bulaklak.

Tulips.

Sana hanggang ngayon 'yun pa rin 'yung paborito niyang bulaklak. I was just smiling all through the drive through their house. I was even humming to the song playing on the stereo. Excited na makita na ulit siya.

Miss ko na agad siya.

Shit, am I being too clingy?

Hindi ko sinabi sa kanyang pupunta ako rito. Susurpresahin ko sana siya.

She loves surprises. One thing I loved about her. Lahat talaga ng bagay, naaappreciate niya talaga.

"Goodmorning, manang!" I greeted at nagmano pa sa kanya. "Si Daff po?"

"Aba, Sir Darlin, ay kay gwapo-gwapo naman natin ngayon ah!" ani Manang. I chuckled at her reaction. Kinindatan ko siya. "Ako pa ba, manang?" I asked. Natawa nanaman si Manang. "Ay si ser, hindi pa din nagbabago! Naroon si Daffney, asa garden!" she said as she pinched my arm.

After We HappenedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon