Chapter Twenty-Three

31.6K 912 238
                                    

Song: Die For You- The Weeknd

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Die For You- The Weeknd

Give In

I immediately went straight to my office after I left. Mabuti nalang at wala si Margaux dito nang pumasok ako. Kung hindi, makikita niya akong umiiyak ngayon.

It's just so hard to fight for something you're not sure you can have. Buti pa si Jessica may pinanghahawakan, ako kasi wala, e.

I did one of the most selfless thing I had ever done in my whole life. I let go of someone that wasn't mine. And he was never mine to lose in the first place. He has never been mine.

Binagsak ko ang mga dala kong chart sa ibabaw ng aking lamesa. I slumped down on my swivel chair and ran my fingers through my hair.

I probably did it because I'm scared I'll lose myself in love again. I just brought myself back not long ago at ayokong masira ang lahat ng pinaghirapan ko nang dahil sa iisang rason. Pag-ibig. 

Maybe it's also my fault. I fall too fast. I get attached too fast. I take everything so fast that in the end, I end up losing myself.

I immediately wiped away my tear nang maramdaman kong bumagsak ito sa pisngi ko. Wow! I can't believe I'm crying again. I don't even know why I'm crying.

I only did the right thing, right? Jessica won't give up that easily kaya ako na itong sumuko. Pinadali ko na ang lahat para sakanya. Plano na niyang balikan si Kiel bago pa ako pumasok sa buhay nila. She can do whatever she wants now dahil wala nang hadlang sa plano niya.

Agad akong napaayos ng upo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina. Pinalis ko ang mga luha sa aking mga mata at umaktong maraming ginagawa habang pumapasok si Margaux.

We share the same office now. Buti at pumayag siya. Sabi niya it will also be convenient for her kasi hindi na siya mabobore dito sa loob ng opisina niya tuwing wala kaming ginagawa.

I opened the chart and acted like I was doing something. Hindi ko napigilan na suminghap. Naramdaman ko namang napalingon siya sa akin.

"Are you crying?" she asks. Mabilis akong nag-angat ng tingin sakanya sabay umiling. Tumawa ako.

"Of course not," I denied. "May sipon lang."

Mukha namang naniwala siya sa rason ko kaya ay dumiretso na siya sa kanyang swivel chair at tsaka umupo na doon. Sinubukan kong ipagpatuloy ang naiwan kong trabaho.

"Uminom ka na ng gamot?" tanong niya. Tumango naman ako at hindi na siya pinansin pa pagkatapos noon.

The room was suddenly surrounded with nothing but silence. Margaux harshly turns to me like she finds something weird.

"Are you sure you're okay?"

Binaling ko naman ang tingin sakanya. "What makes you think that I'm not?"

Lost in Love (Donovan Series #3)Where stories live. Discover now