Chapter Fifteen

30K 803 184
                                    

Song: Wild Love- James Bay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Song: Wild Love- James Bay

Challenge

Kiel and I talk most of the time through messenger. Minsan ay hindi ko na namamalayan ang oras dahil sa usapan namin lagi. Magugulat nalang ako na konting oras nalang ay late na ako sa rotation ko!

And because of that, I will run like I'm in a marathon so I can get to work on time! Nakakasira ng image ang late! My gosh! Alam pa naman nila na lagi akong maaga dito. Tapos malelate lang ako ng dahil sa chat ni Kiel?!

I smiled at the head nurse, nagkukunwaring hindi ako tumakbo ng pagkalayo-layo.

"Is there any..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil sobrang hinahapo ako.

She nodded like she understands what I'm trying to say. Inilabas niya ang isang chart at agad na inilahad sa akin ito.

"Dr. Garcia told me to give this to you. Magkita nalang daw po kayo sa office ni Dra. Ventura kapag handa ka na." ngumiti siya sa akin. Ganoon rin ang ginawa ko.

Sa halip na umalis na ay nanatili ako. Sumandal ako sa counter at sinubukang ikalma ang sarili. Ramdam ko naman ang paninitig sa akin ng head nurse. Nagtataka siguro kung bakit hindi pa ako umaalis.

"May kailangan ka pa ba, Dra. Donovan?"

Tumawa ako at umiling. "Nagpapahinga lang po. Napagod po ako, e."

Kumunot ang noo niya. Her face tells me that she finds my answer weird. Bakit nga naman ba ako mapapagod gayung kararating ko lang dito sa ospital?

I smiled cutely at her. "Tumakbo po kasi ako, e..."

Napanganga siya at tumango nalang. Ilang sandali pa ay inabala niya nang muli ang sarili niya sa ibang charts na hinihingi ng mga doctor. Sandali pa akong nanatili doon hanggang sa umayos na ang pakiramdam ko.

Sa resident's lounge muna ako nagtungo upang makapagpalit na ng damit. Pagkatapos noon ay dumiretso rin naman ako agad sa opisina ni Margaux. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay rinig na rinig ko na agad ang tawanan nila.

Wow! Parang wala silang trabaho para magkaroon sila ng time para tumawa!

Agad ko namang pinihit ang door knob at pumasok na sa loob ng kanyang opisina. Tila hindi na nila napansin pa ang pagpasok ko dahil sa pagtawa nila.

Ano bang meron at tawang-tawa sila dyan?

Umubo ako para naman mapansin nila na may bagong dating. Kung hindi ko pa ginawa 'yun, malamang ay hindi parin sila tapos sa pagtatawanan ngayon!

"Oh, Brittany! Kanina ka pa?" tanong sa akin ni Margaux. Ang dalawa niya pang kaibigan ay napabaling rin ng tingin sa akin.

Ethan and Rico smiled at me. Kinunotan ko lang sila ng noo.

Lost in Love (Donovan Series #3)Where stories live. Discover now