Chapter Three

35.8K 954 305
                                    

Song: Wouldn't Change A Thing- Demi Lovato & Joe Jonas

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

Song: Wouldn't Change A Thing- Demi Lovato & Joe Jonas

Forgotten

"There she is. There she is."

Inilubay ko ang tingin ko sa chart ng aking pasyente nang marinig ko ang boses ni Margaux. Tumabi siya sa akin at isinandal ang kanyang sarili sa counter habang sinusundan ng tingin ang isang nurse.

"Who?" tanong ko at ibinalik muli ang tingin sa chart ng aking pasyente.

"Jessica," I chuckled.

Kung sino man iyan, wala na akong pakialam. We're at work, kailangan naming mag-focus sa trabaho. Hindi iyong inaabala namin ang sarili sa pagsunod ng tingin sa isang nurse.

"What did she do to you?" bahagya ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay.

Hindi niya parin inilulubay ang tingin sa nurse na iyon. Sinundan ko rin ng tingin ang kanina pa tiningnan nitong pinsan ko. That Jessica girl is now talking to one of her co-nurses. They were both laughing.

Natigil lang sila sa pag-uusap nang lumingon 'yung Jessica na 'yun sa gawi namin. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sakanya. Nag-tama ang tingin namin. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay nilingon ko si Margaux na nakataas na ang kilay ngayon habang nakanguso.

Tumawa ako. "Ano bang ginawa sa'yo ng nurse na iyan? Bakit parang galit ka?"

Binalik ko naman muli ang tingin sa chart ng aking pasyente at tinuloy ang pagbabasa nito. Naramdaman ko ang paglingon ni Margaux sa akin. I heard her sighed.

"Apparently, she's the girl who asked for my husband back." kumunot ang noo ko at hinayaan siyang magpatuloy sa kanyang sasabihin. "And she's the girl that's waiting for Kiel."

Napatigil ako sa sinabi niya. Mabilis kong inangat ang tingin sakanya.

"That's her?" I asked. Margaux nodded at tiningnan muli iyong nurse.

"She's hitting on the Ventura brothers?" tinanong kong muli.

"More like the Ventura brothers hitted on her before."

Wow! Ang ganda naman pala!

"Ibig mong sabihin... pinag-agawan nila 'yan?" umirap si Margaux at tumango muli. She keeps on giving Jessica a distaste look. "'Yan!?"

"I know right! 'Yan?!" Tinuro niya si Jessica. Tinampal ko naman agad ang kamay niya.

Gosh! She's so obvious!

Hindi naman sa sinasabi ko na hindi maganda si Jessica. She's pretty. Very, very pretty. Pero hindi ko lang akalain na siya iyong pag-aagawan ng magkapatid. Napakaswerte niya naman pala kung ganoon.

Hindi ko rin akalain na nangyayari pala iyon sa totoong buhay. Ang mag-agawan ang magkapatid sa iisang tao. I wonder who gave her up and who continued on pursuing her.

Lost in Love (Donovan Series #3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat