Chapter 25 - Tired of Trying

1.2K 51 5
                                    

Paggising ko ay napansin kong umaga na. Hindi na ako nagising kagabi matapos kong makatulog sa pagod at sa kaiiyak.
"Jessie," halos mapalundag ako nang may tumawag sa akin. Sisilip lang sana ako para malaman kung sinu-sino ang nasa living area.
"Mag ready ka na. Hinihintay tayo nila Dad." Si Aiden lang pala. Siya lang at si Chesca ang nasa loob, sa Living area. Saka ko lang napansin na nasa labas, sa garden sina Kai, Luhan at Janey. Hindi ko na binalak pang lumabas para batiin o kausapin sila. Nagmadali na lang akong maligo at magayos.
Minsan ko nang nabasa na isang way daw para makapag move on ay ang i-focus ang sarili sa ibang bagay. At kung pupuwede nga'y i-focus ang sarili sa ibang tao. Pero kanina naman diba? Wala namang ibang tao para sa akin maliban sa kanya.

Nang matapos na akong magayos ay bumaba na ako sa living room at inabutan doon si Aiden. Tumayo siya at tinaasan ako ng kilay, nagtatanong kung ayos at ready na ba ako. Pero bago pa kami lumabas ay hindi ko na napigilang kausapin siya tungkol sa balak kong pag move on. Kailangan ko rin kasi ng tutulong sa akin at sa sitwasyon ngayon, si Aiden na lang ang alam kong makauusap ko ng matino.

"Na-try mo na bang mag move on sa taong hindi mo naman naging girlfriend?" Natawa siya. Hindi ko nalang minasama ang pagtawa niya sa seryoso kong tanong. Sa totoo lang ay kailangan ko ng tulad niya ngayon. Yung hindi sasabayan ang pagdadrama ko. Tulad ng kapatid ko. Mas pinepressure niya lang ako, pero kahit na ganoon, mahal na mahal ko 'yung kambal ko na yun.

"Hindi pala naging kayo, eh. Ano pang i-mo-move on mo?" Sagot niya habang tinitignan akong natatawa.

"Sino bang nagsabing tungkol sa akin 'to?!" Naasar na sagot ko kahit na alam kong alam naman niya na tungkol sa akin 'to.

"Biro lang. Kahit naman hindi naging kayo o kahit naman na hindi ka kikala ng pinagmo-move-on-an mo, may karapatan ka pa ring mag move on. Mahal mo, eh. Kapag ang aso nga nawala, may stage din na pagmo-move on diba? Sa tao pa kaya?" Umiling ako sa kanya.

"Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko. Hindi ka man lang ba nag move on sa akin? Forget agad, ganon?" Tumawa na naman siya at saka sumagot, "Sino bang nagsabing naka move on na ako sayo?" Tumawa ulit siya. Kasabay ng pagtawa niya ay ang pamamalo ko sa kanya.

"Umayos ka nga. Marinig ka pa ni Chesca diyan baka ako na naman paginitan!" Binigyan niya ako ng seryoso pero nalolokong tingin. "Ano namang ikagagalit sayo, nun?" Pagtatanong niya.

Muli na naman akong umiling. "Isa ka pang manhid, eh. May gusto sayo yung tao." Hindi siya sumagot samantalang ako naman ay nagsimula nang maglakad papalabas pero tumigil din ulit ako at may pahabol na sinabi, "Kaya kung may gusto ka rin sakanya, sabihin mo na hangga't hindi pa napapagod kahihintay 'yung tao." Tumalikod na muli ako para ipagpatuloy na sana ang paglalakad ko pero nagulat ako nang bumungad malapit sa akin, sa mukha ko si Luhan.

Si Luhan. 'Yung lalaking bata pa lang ako ay iniidolo ko na. Magaling kasi siyang sumayaw, kumanta at kilala rin siya bilang isang mabait na tao. Totoo naman ang lahat ng 'yon. Totoo lahat ng facts na nakalap ng mga tao tungkol sa kanya. Pero mukhang ako lang yata ang nakaaalam sa fact na manhid siya. Dahil ako mismo ang nakatuklas nito at siya mismo ang naging dahilan at paraan kung papaano ko nalaman na isa talaga siyang manhid na nilalang. Sabay kaming tumanda pero hindi kami naging close nung bata at pre-teens kami dahil si Janey at Mina lang yata ang visible sa kanya. Kaya naman nang makilala na niya ako ay gulat na gulat ako. It was unexpected. Yung siya pa ang unang nakipagkilala sa akin at siya pa ang nagayang maging magkaibigan kami. At siya pa anv nangunguna sa mga itinuring kong date namin pero in reality, friendly hang out lang naman talaga ang mga iyon. Hanggang sa mag assume na ako, masaktan at mapagod. Tama naman diba? Usually ang taong naga-assume ay dadaan at dadaan din sa stage na masasaktan at mapapagod. Hanggang sa wala na. Game over.

"B-Bakit? May sasabihin ka ba? Puwede bang mamaya na kasi aalis kami ni Aiden, eh." Pupuntahan na namin ang hotel na binili namin sa family company nila at kailangan akong sumama dahil ako ang mamimili ng babaguhin sa mga interior nito. Ito ang pinunta ko sa bansang ito. Hindi ang pagkaabalahan ang personal na mga problema ko.

Tinignan ko si Aiden. Sana naman ay tulungan niya akong makaalis na. Ayoko kasing masira ang araw ko. Ayokong simulan ang araw ko ng another heartbreak from the same person again and again and all over again. Pero hindi ako pinansin ni Aiden. Lumabas lang siya at iniwan kaming dalawa ni Luhan sa living room.

"Importante ba 'yang sasabihin mo? Kasi nagmamadali na talaga kami." Pagpapalusot ko. Hindi na rin ako nagalinlangan at lalakad na sana paalis pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko at niyakap ako. Hindi agad ako nakaakto sa ginawa niya dahil nagulat ako sa paghigit at yakap niya sa akin. He never did this to me. Hindi niya ginagawa 'to maliban na lang kung lasing siya o wala sa sarili at sa wisyo. Pero kahit na ramdam na ramdam ko ang nakaoulupot niyang braso sa akin ay tila isang sirang plakang paulit ulit na naririnig ko ang mga sinabi niya sa akin.

"Ano ba, Luhan?! Hindi mo ba kayang maghintay? Maghihintay ka lang naman ng ilang oras, utang na loob! Walang wala 'yun sa tagal ng hinintay ko!" Nararamdaman ko na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko kaya pilit akong kumawala sa mga bisig niya.

"Hindi ka naman siguro mapapagod sa ilang oras lang na paghihintay, diba?" Sarcastic na pagkakasabi ko. Kahit na anong klaseng yakap o titig niya ay tila hindi ito mapalitan ang mga nasabi niya at naging paramdam niyang wala lang ako.

"Ikaw." Sakto niya itong sinabi nang tumalikod ako. Napatigil ako.

"Ikaw ang pinili ko, Jessie."

Hinarap ko siya. "Thanks."
"Thank you for choosing me." Ngumiti ako sa kanya.
"As your second option." Pahabol ko at tumakbo na papalabas kung saan naghihintay si Aiden. Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.

"Naguguluhan na ako, Aiden. Pagod na kasi ako, eh. Pagod na ako." I managed to say in between sobs.

Tried and TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon