15 - Someone Better

1.4K 72 18
                                    

CHAPTER 15

"Okay lang."

"Wag ka magalala."

"Sus, wala yun."

"Sorry din."

Ilang beses kong paulit-ulit na nagtype sa cellphone ko at paulit-ulit ko rin ito pinalit-palitan. Ano ba ang dapat kong i-reply sa kanya? Okay lang? Sasabihin kong okay lang na nalagay sa peligro ang buhay ko? Wag ka magalala? Seryoso ba akong ayaw kong magalala siya? Sus, wala yun? Kasinungalingan! Sorry din? Bakit ako mag sosorry? Para saan? 

Sa huli, pinili ko na lang na hindi siya replyan. Hindi naman kawalan ang reply ko. 

Nang ibubulsa ko na sana ang cellphone ko ay tumunog ito. Tinignan ko ito at bumungad sa akin ang pangalan ni Janey. Sinagot ko ito, "Oh?" 

"Wow, hello din kambal!" Sarastic na sabi nito. 

"Umuwi ka dito sa bahay natin. Nandito sila mama gustong gusto ka nang maki-" in-end ko na ang call, sayang lang ang load ni Janey. Alam kong sabik na silang makita ako. Ganun din ako kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at umuwi na sa bahay. 

**

Pagkadating ko sa bahay ay bumungad sa akin ang naglalakihang ngiti nina Mama, Papa, Janey at ng kanyang lovey-dovey na si Kai. 

"Jessie! We missed you!" niyakap akong mariin ni Mama at pati na rin ni Papa. Kada buwan ay nagkikita kami pero mga ilang araw lang iyon at bumabalik na rin kaagad sila ng Korea para sa trabaho nila. Si Dad sa kumpanya at si Mom naman, tinutulungan na rin si Papa sa mga ilang gawain sa kumpanya. 

"We'll wait for Kai's parents and we'll eat, okay?" Napatingin ako sa puwesto kung nasaan sina Kai at Janey. Nginitian ako ni Kai at kinamusta. Sinagot ko naman ito at sinabing okay lang. Hindi ko inaasahang itatanong din niya ang kalagayan ng kaibigan niyang si Luhan dahil nawala rin sa isipan kong oo nga pala, magkagrupo si Luhan at Kai. Magkaibigan sila. Nakalimutan ko. 

"Ah, okay lang naman siya. Okay lang sila ni Mina." Nakita ko ang pagka-awkward nila ni Janey. Sino ba naman ang hindi maa-awkward kapag marinig ang pangalan ng isang past ng boyfriend mo diba? Remember? Mina is Kai's past. Pero hindi natuloy ang kung anong mayroon sila dahil ang katotohanan noon, si Luhan talaga ang gusto ni Mina pero hindi naging aware si Luhan dito. Kaya ang nangyari? Wala. Walang happy ending na naganap sa dalawang taong nagtataguan ng nararamdaman. Huli na ang lahat nang malaman nilang may pagasa pala dapat sila. Huli na. 

"Mare!" masayang bati ni Mama sa pagdating ng Mama at Papa ni Kai. 

"Well siguro its time to eat?" Pagpaparinig ko dahil kumukulo na ng husto ang tiyan ko. 

Ako ang unang-unang umupo at hinintay na makaupo silang lahat. Pilit kong itinago ang tunay na nararamdaman ko. Pilit akong nagpanggap na masaya ako ngayong araw at walang pinoproblema because the truth is, gustong gusto ko nang pumunta sa kwarto, humiga at mapagisa. Gusto kong magisip-isip. 

"So, how's school, Jessie?" Ako lang ang itinanong ng Mama ni Kai dahil palagi naman nilang nakakausap si Janey dahil syempre, mother-in-law niya kaya 'yan. 

"Okay naman po tita. Everything's fine and settled for my last year of college. Mags-start pa lang ang ang class in two weeks." 

"Exciting, huh?" Tumango ako at nagsimula nang kumain. Pilit kong finocus ang sarili ko sa mga pagkain kahit na hindi na ma-take pa ang tiyan ko ang mga ito. Kanina lang ay gutom na gutom ako pero bigla akong nawalan ng gana nang mapagusapan mismo sa harap ko ang malungkot na lovelife ko. 

"Hay nako, baka nga mag madre na 'yang si Jessie," biro ni Mama nang tanungin siya ni Tita kung may nadala na ba akong lalaki rito sa bahay. Pero hindi lang iyon nagtapos doon dahil simula nga niyan, ako na ang naging topic. At ako na mismo ang kinausap at pinagtatanong. 

Tried and TiredWhere stories live. Discover now