17 - Trying to be Happy

1.3K 71 18
                                    

CHAPTER 17

Minuto. Isang minuto ko lang naramdaman ang kasiyahan at ka-proud-an ko sa sarili ko sa pagiwan kay Luhan. Nang iwan ko siya, lubos na kasiyahan para sa sarili ko ang naramdaman ko dahil akala ko ito na 'yung simula nang pagbabago ko. Akala ko dahil doon masasabi ko nang malakas at matatag ako. Akala ko dahil doon magiging madali na sa akin 'yung kalimutan kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya.

Lahat ng 'yon ay mga maling akala lang dahil sa lalong pagtagal ng araw kasama ko si Aiden ay ang pagsync in sa utak kong hindi ko dapat ginawa ang iwan siyang nagiisa doon.

Wala na rin akong magawa kundi ang tawanan ang sarili ko dahil para na naman akong ewan. Bakit ako na-giguilty? May pakialam ba siya sa pagiwan ko sa kanya? May naging epekto ba ang pagiwan ko sa kanya? Malaki ang tsansa na ang sagot sa mga katanungan ko ay hindi at wala.

"May kausap pa ba ako? Hello? Hello?" Napatingin ako kay Aiden, kinakausap pala niya ako, nagtatanong kung anong order ko.

"Ah kung ano ang iyo, 'yun na lang." Madali naman siyang kausap at iginaya nalang ang order ko sa order niya.

Oh and guess what? Nasa Jollibee kami. Bakit ba ganito? Kung hindi ako sa Mcdo ililibre, sa Jollibee naman. Wala bang magaalok ng Bonchon? KFC?

"Sino 'yung lalaking dumating kanina?" Pagtatanong niya habang nakaupo na kami at hinihintay ang waiting na order namin.

"Ah, wala yun." Sagot ko na lang.

He smirked, "Tanong ko kung sino tapos ang sagot mo 'Wala', ayos ka rin noh!" Nagulat ako nang ginulo niya ang buhok ko.

"Sino nga 'yun? Boyfriend? Manliligaw?" Inirapan ko na lang siya. Chismoso din 'to eh.

"Okay, kunwari nalang sinagot mo 'None of the above' at kaibigan mo lang siya." Hindi ko naiwasang hindi mapatingin ng diretso sakanya dahil parang may iba siyang pinaparating sa sinabi niya. But I just shook it off. Masyado pa akong maraming problema para madagdagan ito.

**

"You ready?" Pagtatanong niya habang nagaabang kami ng kung ano man sa labas ng jollibee.

"Nasaan na ba sasakyan mo?" Hindi ko pamamansin sa tanong niya.

"Wala dahil mag ji-jeep tayo," kung may kinakain ako ngayon malamang ay nabulunan na ako sa narinig ko. Si Aiden magji-jeep? Ang isang Aiden Lee, sasakay ng jeep?

"Well, its been 12 years. At bago 'yung 12 years na 'yun, I only got to ride a jeepney once kaya please, samahan mo ako!" Para siyang batang excited na sumakay sa isang ride sa Star city. Ganun na ganoon ang mukha niya ngayon.

"Are you serious? Saka alam ba ito ng Mama mo? Baka ako pa ang pagalitan!" Sobrang strikto kasi ang mga magulang niya at sobrang maalaga. Yung tipong kahit na tricycle o taxi ay hindi siya hahayaang sumakay magisa o basta-basta. Daig pa niya ang isang napakayamang dalagang Pilipina.

"Kahit naman na ayaw mo, wala kang magagawa." Hinila niya ako at tinulak tulak papasok sa jeep nang tumigil ito sa harapan namin. And to my expectation, nasa sakanya ang tingin ng mga tao sa loob ng jeep. Iba kasi talaga ang dating nito ni Aiden. Matangkad, matangos ang ilong, namumula ang labi at sobrang kinis ng mukha. Idagdag niyo pa ang killer stare at killer smile na mayroon siya at syempre ang mga biceps o triceps pa nya at ang so yummy nyang katawan! Hindi ako nageexagerrate. Im just telling the truth. Kung ipagdidikit mo sila ni Luhan, di hamak na mas heartthrob itong si Aiden...pero ewan ko dahil hindi ko pa naman nakikita ang katawan ni Luhan! Ganun din naman kay Aiden pero iba kasi eh. Kahit na hindi mo pa 'to nakikita, parang nakikita at halatang halata mo naman na ang pagiging hunk niya.

Tried and TiredWhere stories live. Discover now