4 - Cher·ish

2.2K 86 15
                                    

·Cher·ish

·To cherish something is to care for it deeply, to treasure it, like the way you cherish the time you spend with a favorite person you don't see often. People really value something, often because they feel emotionally connected to it, they cherish it. Many of us cherish our first cars, and later in life, we cherish the memories of those days, driving around with our friends. Generally, people don't cherish things just because they cost money; they cherish experiences that matter to them.

 "Oh. huwag kang magulo diyan ah? Bababa lang ako sa kusina, ipagluluto kita." Nagulat ako nang kumaripas na siya ng takbo pababa. Natawa nalang ako sarcastically sa inaakto niya. Hindi ko magawang kiligin at hindi ko ring magawang seryosohin ito. Ang magagawa ko nalang ngayon ay ang i-cherish ang mga pangyayaring ito. Dahil hindi natin alam baka ngayon lang 'to. Walang may alam kung hanggang kailan ito at kung bakit niya nga ba ito talaga ginagawa. Para sa isang assumera, maaaring masabi niyang ginagawa niya ito dahil nagaalala siya, dahil may pagtingin siya sa'yo pero para sa akin, ginagawa niya ito dahil mayroon siyang gustong kalimutan. Sabi nga nila 'di ba kung gusto mong makalimot, focus yourself on other things. Naniniwala akong 'yon ang dahilan niya. Pero wala pa rin akong kasiguraduhan doon dahil siya lamang ang nakakaalam ng mga sagot sa mga katanungan kong ito.

Sa posisyon ko, wala akong magagawa kundi ang cherish the moments nalang. Sa bawat bagay na ginagawa niya, pangangahalaagahan ko ito. Dahil ayokong dumating yung point na magsisi sa huli. The what ifs and regrets.

Sana siya rin ay magawa niya ito sa akin.

"Uy! Diba sabi ko wag kang tatayo do'n?" Iniwan niya ang niluluto niya't nilapitan ako't inalalayan pababa ng hagdanan. Nagdikit na naman ang balat namin. Naramdaman ko na naman yung kakaibang epekto niya sa akin. Yung epektong siya lang ang makapagbibigay. 

"Wala ka kayang sinabing wag ako tumayo. Sabi mo wag lang ako magulo. Hindi naman ako magulo ah?" Ngumiti siya. Kaya't napangiti rin ako sakanya. Ang saya. Ang sayang napangingiti mo ang taong mahal mo. 

"Akala ko iba ka sa kakambal mo. Parehas pala kayong makulit!" Kinurot niya ang pisnge ko at itinuro ang upuan sa kusina. Kinunutan ko lamang siya ng noo at hindi nalang pinansin ang JANEY TOPIC niya.

"Hay nako, slow ka rin katulad niya!" sabi niya at ang ilong ko naman ang napagdiskitahan niya. Janey. Janey. Janey. Kahit wala physically si Janey, feeling ko, spiritually nandito siya. 

"Sabi ko, umupo ka na do'n at panoorin mo ang hidden talent ko." he smirked. Napa-irap nalang akong bigla sa kayabangan niya. Minsan, hindi madaling itago ang tunay na ugali mo kapag ang kasama mo ay yung katulad nito ni Luhan. Sa tuwing magkasama kasi kami, hindi ko ipinapakita kung sino ako. Dahil sa totoo lang.. halos magkaparehas naman kami ni Janey ng kakulitan. Mas malala pa nga ako sakanya pero dahil si Luhan ang kasama ko at alam ko kung gaano niya kamahal si Janey, pinipilit kong ibahin ang sarili ko sa kakambal ko. Sapat na ang maging magkamukha kami. Sa ugali, ayoko. Dahil ayokong dumating yung panahon na magkaroon din ng pagtingin sa akin si Luhan not because I'm Jessie Jung but because of my similarites to Janey Jung, sa taong mahal niya. 

May mga panahong gusto ko nang gayahin talaga si Janey dahil sa paraang 'yon, inisip ko, baka maging posible kami ni Luhan. Pero hindi naman ako ganoon. Gusto ko matuto akong mahalin ng taong mahal ko sa kung sino talaga ako. Hindi sa kung sino ang mahal niya na kapareha ko. 

Nang makapwesto na ako sa upuan kung saan sa harap ko lang ay makikita kong nagluluto si Luhan. Tinitigan ko lang ang mukha niya at doon samu't saring tanong ang nabuo sa utak ko.

Pwede kaya kami?

Natutulungan ko kaya siya sa pagkakalimot niya?

Dumating kaya yung araw na ako naman ang magpangiti at makapagbigay kuryente sa bawat hawak ko sakanya?

Tried and TiredWhere stories live. Discover now