6 - Who I Really Am

1.9K 81 9
                                    

“You need to know who you really are before you can decide what it is you really want.”

Chapter 6

Minsan ba nagising ka na lang na parang gusto mo nang magbago? 'Yun bang gusto mo nang magbago not for your whole self but for someone special? Minsan ba nasubukan mo nang magpaka-peke? 'Yung sinusubukan mong maging isang taong alam mong hindi naman ikaw? 'Cause I already did. Sinubukan kong magbago para sa kanya, pero wala namang nangyari. He wanted the old me. Yung dating akong hindi naman niya napapansin. Papaano ko magagawang bumalik sa dati at sa sarili kong anyo kung alam kong pag ginawa ko 'yon ay mapapansin niya ako not as myself, as Jessie Jung but as my twin, Janey Jung?

Pero sabi nga nila 'di ba? Try and try.... until you.. succeed? Why don't I try? Baka sakaling sa huli mag succeed din naman ako?

"Jessie, Luhan!"

Napatigil ako at ganun din naman si Luhan. "Anong ginagawa mo dito?" Bakas sa mga tinig niya ang pagkainis at pagkamuhi.

“Mina,” simple at mahinang tawag ko sa kanya.

“Jessie, I’m sorry. Can we go back to what we were before?” Napatingin ako kay Luhan at nakita kong napatingin din siya sa akin. Binigyan niya ako ng isang naguguluhang tingin. Isang tinging nagtatanong kung ano na ang nangyayari at isang tinging masasabi mong may gulong ipinahihiwatig.

“I’ll explain, Luhan.” Umiling siya at ako lang ang tinignan, “Bukas na lang, Jessie.” Sabi niya at napatingin naman kay Lilu na halatang inaantok na. Napabuntong hininga ako at tumango.

‘Okay lang ‘yan, Jessie. At lease, nakakasigurado kang may bukas pa kayo.’ Tila baliw na mahina kong kinausap ang sarili ko.

“See you tomorrow, Jessie.” Saka na sila umalis. Hindi man lang niya tinignan o nilingon si Mina. Nang makalayo na siya’y napatingin ako kay Mina. Hindi ko alam kung papaano siya idedescribe ang tanging alam ko lang, mabigat ang pakiramdam niya. Ang nalalaman ko lang, nasasaktan siya sa kasalukuyan, kagaya ko. But no matter how painful she’s feeling right now, she still managed to smile at me. Lumapit pa siya sa akin at tila nagtatanong ang mga mata niya kung maaari pa siyang mas lumapit pa at yakapin ako. Naghihintay ang mga braso niya sa yakap ko. Tumango ako at unti-unti rin ay naramdaman ko ang isang yakap na, aaminin ko, na-miss ko. She was my only friend, besides kay Janey na kakambal ko, isa pa siya sa nagpapagaan ng pakiramdam ko. She was my bestfriend at hiling ko na sana ay magbalik ang pagiging matalik naming mag kaibigan.

Pero posible nga bang maging magkaibigan muli ang dalawang taong parehas ang minamahal?

Posible kaya maging magkaibigan muli ang dalawang taong parehas ang hinahangad na tao sa buhay?

Ito na ba ang senyales sa akin para pakawalan na ang nararamdaman ko? Ito na ba ang senyales na nagsasabing sumuko na ako?

Pero posible ba ‘yun? Posible bang bigyan ang isang tao ng senyales para sumuko? Hindi ba nabuhay tayo para harapin ang mga pagsubok at hindi sukuan? So why would I give up?

“I forgive you, Mina.” Four words. Four words that might change everything or might let things go back to what is was and where it was again.

Mabait na tao si Mina. Sobrang bait. Siya ang dahilan kung bakit natatamo ng EXO ang ganitong kasiyahan at kasikatan na mayroon sila. She was the real reason of everything kaya nga maiintindihan ko kung bakit, ngayon, nasasaktan siya. Sinong tao ba naman ang hindi masasaktan kung iwan at pagtabuyan na lamang siya ng mga taong pinagtulungan niya? It was like a mother giving up her daughter. Hindi man ganun kasakit pero masakit pa rin.

“Alam mo, Jessie, imbes na magalit ako sa kanila, natuwa pa ako.” Nagulat ako sa sinabi niya. Dahil nasanay na ako sa matabil niyang dila noon simula nang malaman niyang si Janey ang gusto ni Luhan. That’s the reason why I ended up my relationship and communication with her. Dahil natatakot akong mas lumala pa ang sitwasyon nila ni Janey, Luhan at Kai kung ipagpapatuloy ko ang pagiging mag bestfriend namin. But I was wrong. I should’ve stayed by her side when she was all lonely.

Tried and TiredWhere stories live. Discover now